Kabanata 17

204 4 0
                                    

Kabanata 17

"Call me when you get there!" Malungkot akong kumaway sa kanya bago siya umalis.

Gusto niyang ipaiwan si Sayelle sa akin pero hindi ako pumayag. Mas kailangan niya ang anak namin! Lalo na dahil maraming beses niyang nararamdaman na mag-isa siya.

Malungkot man, I feel a lot better away from my family because of him.

"Ang gwapo talaga ng future husband ko!" Mariin akong napapikit at nagtitili sa kwarto dahil sa pictures na nasend sa akin ni Darell.

Nakauwi na siya sa Pilipinas. Nasa higaan siya at nagpapahinga!

Maya-maya ay nakarinig ako ng tawag. "Hi mommy!" Pinaliit ni Darell ang boses niya, si Sayelle ang unang lumabas sa screen, waving her hands. "We're here!" Sabi pa nito.

"Hi! Did you arrived safe, baby?" Ngumiti ako.

Sumilip si Darell sa camera. "Sinong baby ba ang tinutukoy mo?"

"Parehas na baby," tumawa ako. "Kumusta?"

"Pagod, ang daming lakad. Nasiraan kasi 'yung bus na sinakyan ko pero ayos naman." Humikab siya sa kabilang linya. Pipikit-pikit na rin ang mga mata niya. "I swear I'm not tired. I can still talk to you about the nights we spent together---"

"Goodnight, Darell. Magpahinga na kayo ni Sayelle. Thank you for calling me." I smiled and kissed him on the screen. "I love you, baby,"

"I love you," he smiled and kissed me on the screen too. "Sayelle says I love you, too!"

"Sleep well, my babies! Goodluck sa exam, baby! I know you can do it!"

"I'll make you proud!" His eyes were sparkling when he told me that. "Magiging asawa ka rin ng CPA Lawyer one day!"

Ngumiti ako at kumaway na bago pinatay ang tawag. Nagready na ako sa mga kakailanganin ko para sa pag-edit ng modeling portfolio ko bukas. Pati ang mga picture na galing sa test shoots ko ay ni-ready ko na rin.

Yakap-yakap ko ang binili sa akin ni Darell na Mickey mouse stuffed toy, nakatulog ako nang mahimbing. He bought me that because he knows I'm afraid of dolls!

Kinabukasan, paggising ko ay email ko agad ang una kong chineck.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong hindi lang isa iyon, kundi tatlo!

"Oh my god!" Napatakip ako ng bibig habang nakatingin sa screen ng laptop ko. "I should call my boyfriend, my boyfriend!" Excited kong sigaw at hinanap ang phone ko.

Sumagot naman siya agad. "Hi!" Masiglang bati niya. "What's up, baby?"

"Baby, I got it! Hindi lang isa, tatlong shoot! Oh my!" Kinikilig kong sabi at tumalon-talon. "I got a job! I got a job! I'm so nervous and excited! First time kong makakuha ng lead role sa commercial!"

Narinig ko ang pagtawa niya sa kabilang linya. "That's a good news! Let's celebrate!"

Ngumiti ako. "Hindi na! Basta narinig mo, okay na! I'm so happy, baby!"

"I'm so proud of you!" Aniya.

Puro kami usap para roon. Buti na lang at wala siyang klase no'n!

Katatapos ko lang sa first shoot ko nang may tumawag.

"Hello? Who's this?" Tanong ko.

"Is this Kahel?" tanong ng kabilang linya.

Oh my! Is this Darell's mom?

"U-Uhh... Opo! Mommy po ni Darell?"

"Yes, uhm, hija, I want to talk to you about Darell."

"I'm all ears, po," kinakabahan kong sabi.

Him And His Superficial Love (Les Tendres Series #4) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon