Kabanata 6
TW: SCAR, SELF-HARM
Panay ang kwento ko kay Hannari sa bawat interaction naming dalawa ni Darell. Sayang at wala si Monica dahil saktong pagconvert ko sa face to face classes ay siya naman ang nagpa-online class.
"Tapos anong nangyari, binuhat ka?"
"Hindi! Pero mukhang gusto pa 'ata!" Malademonyo akong napangiti.
"Nakakatakot ka na talaga, Kahel!" Humalakhak siya.
Si Hannari ay introverted. Kaya pag may mga nakakasalubong ako at binabati ako ay nakayuko lang siya. Lahat 'ata ng nadadaanan namin ay binabati ako. Kaibigan ko silang lahat, eh. Or at least I consider them one even if they're just acting. But I only consider Monica and Hannari as my best friends.
"Tapos ka na bang bumati sa buong school?" Peke siyang ngumiti sa akin.
Tumawa ako. "Huwag kang magtampo riyan, wala akong sinasamahan sa recess kundi ikaw."
Kahapon ay naging whole day na ang klase namin kaya magkasama na kami ni Hannari.
"So anong nangyari sa confession mo kagabi?"
Nang marinig ko iyon ay natigilan ako. Tinakpan ko ang mukha ko gamit ang mga librong hawak ko dahil naalala ko na naman ang pag-amin ko kay Darell kaninang madaling araw.
"Gaga ka, baka china-charot mo lang ako?"
Tinanggal ko ang libro sa mukha ko at hinarap ko siya.
"Umamin nga ako."
Alas dose na, hindi pa rin ako pinapatulog ng mga mata't ngiti ni Darell kahit na nakapikit ako kaya napagdesisyonan kong umamin sa kanya. Nadedemonyo na kasi ako, eh.
"So anong nangyari?" Curious na tanong niya.
Pinakita ko sa kanya ang conversation namin sa Instagram.
@orangemarmlade:
Darell@drll_fjrz:
Bakit?@orangemarmlade:
Pinilit lang ako HAHAHAHAHAHAHA
uhm
kasi
ano
May sasabihin ako sayo@orangemarmlade:
Ngayon ko na lang sasabihin para bukas na 'ko magsisi HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA
12 am thoughts nga naman@drll_fjrz:
Ano yonKumalabog ang dibdib ko dahil kinakabahan ako sa sasabihin ko. Palagi siyang inaabot ng ilang minuto bago makapagreply dahil lagi siyang may ginagawa. Pero dahil ngayong mukhang curious siya sa sasabihin ko ay tumutok siya sa conversation namin.
@orangemarmlade
crush kita byePakiramdam ko ay pati sipon, lalabas na sa ilong niya dahil sa kaba. Natulala ako saglit sa sariling mensahe pero agad ding nawala dahil nakita ko siyang magtipa.
@drll_fjrz
Weh ba@drll_fjrz
Tsaka bakit may bye HAHAHAHAHAHHA@orangemarmalade
😠😠😠😠😠😠😠
OMG
OMG HAHAHAHAHAHA
SIGE MATUTULOG NA KO@drll_fjrz
HAHAHAHHAHAHAHAA huy totoo ba@orangemarmalade
Oo, pero isipin mo na lang na hindi ko to sinabi sayo ha? Tsaka sana wag mokong iwasan!@drll_fjrz
Wag ka mag alala masyado d'yan atsaka 'di naman siguro tayo magiging awkward@drll_fjrz
Nakaamin ka na, 'wag ka na mag-overthink. 'Di naman magbabago 'yung pakikitungo ko sa 'yo. Tulog ka na rin, gabi na. May pasok pa tayo bukas.
BINABASA MO ANG
Him And His Superficial Love (Les Tendres Series #4)
RomanceWARNING: Mature Content | R18 [Completed, 2023] Les Tendres Series #4 || Tender Love Series Revenge. Betrayal. Karma. Justice. Kahel says revenge is for the hearts who loved dearly. Because after doing her best to be loved by her one and only who fo...