Kabanata 12

184 4 0
                                    

Kabanata 12

"Darell and Kahel, significance of the study."

I frowned when I heard that.

Napapansin na ng lahat ang pagtanggal ko sa maskara ko. From faking it by being friendly and jolly to other people, to the usual Kahel who doesn't care of everyone's existence.

"Magkagroup tayo sa research," sabi ni Renice sa akin.

Tumango lang ako.

I always see him looking at me specially when he knows he hurt me in some way but this time he didn't look at me.

"Aaron, 'yung cellphone ko?" Tanong ni Darell sa kaibigan.

"Baby? Baby!" Aaron teased him by reading his text messages. Inilayo niya kay Darell ang cellphone.

Great, he's calling someone 'baby' now. I worked hard to get his heart half of a year and now he's seeing someone.

It's okay, his loss, anyway.

Masasaktan man ako ngayon, habang buhay akong nasa isip niya. He'll look back and think how much he fumbled.

Lahat ay inaasahan na maiiwan kaming dalawa ni Darell sa room. Kahit ang mga teacher ay napansin ang hindi namin pagpapansinan sa room kaya pati sila ay naging kakuntsaba ng mga kaklase ko sa pag-aayos sa amin.

Pero nagkamali sila, hindi iyon mangyayari.

"I finished the significance of the study. If you need something to fix just message me." Sabi ko sa mga kagroup ko at inilagay na ang bag ko sa likuran ko at mabilis na naglakad paalis.

I didn't look at them in the eye. No one deserves to see my eyes look that way again.

Maging sa mga roleplaying ay kami ang nagiging leader. Kailangan namin planuhing dalawa 'yon pero dahil ayaw ko siyang makausap at makita ay hinati ko ang gawain naming dalawa.

Nalaman ko rin na hindi na siya sumasakay doon sa sakayan namin ng jeep. Madami kasing sakayan dito na malapit sa school kaya wala akong problema doon. Wala na rin akong paki sa lalaking manggagamit.

Kung dati ay lagi akong may kasama pauwi, sa corridors, sa pagsi-cr, ngayon ay wala na. Kaibigan man o taong gusto ko, kasama ko sa bahay, sinasaktan naman nila akong lahat. Noon, masaya akong mag-isa. I just have attachment issues.

I'll do my best so I can no longer be attached to the memories. You know why I can't forget him? Because he's the first one who made me feel that way. Who made me feel comfortable and sleepy with his presence. Who made me happy by just existing.

"Kahel, Darell, any updates on your project?"

"It's almost finished, sir, we're just fixing some things and it's done." Inunahan ko na siya.

"That's good then." Ngumiti si sir. "Regarding your Business Math peta, I want you two to be the leader---"

"Respectfully sir, I refuse. School year is almost done and I have a lot of pending tasks to do." Kalmadong sagot ko.

Malungkot na tumingin ang mga kaklase ko kay Darell na ngayon ay nakayuko.

Now they know something is really wrong. They know it's deep because I'm not usually like this. Hindi lang social activity ko ang naapektuhan ng ginawa niya, pati ang academic performance ko.

Gusto kong isampal sa kanya kung gaano niya ako sinaktan sa mga ginagawa niya. Gusto kong iparanas sa kanya kung anong pakiramdam na nirereject after all of the signals confirming it.

I'm just delusional. None of it was real.

Dahil g-graduate na kami ay nagkaroon kami ng thanks giving mass after ng graduation practice namin. Myembro ako ng choir kaya kakanta ako sa misa. Malaki ang pasasalamat ko roon dahil ang magkakatabi sa upuan pag practice ay ang parehong class number. Makakatabi ko siya pag umattend ako kaya buti na lang kasali ako sa choir.

Him And His Superficial Love (Les Tendres Series #4) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon