Kabanata 7
Nakamata lang ako sa isang stripper na nasa club. Nang makita niya ako ay duda na agad siya sa akin at tila nahahalata niyang pinepeke ko ang edad ko sa bouncer.
Bakit pakiramdam ko pamilyar siya? She looks like Darell's older sister. What is she doing here though? Pero baka naman gumagawa lang ako ng kung ano dahil obsessed ako sa kapatid niya?
May dumating na lalaki at hinalikan siya sa leeg. Yumapos siya rito pero ang mga mata niya ay nanatili sa akin kaya nag-iwas ako ng tingin at tumalikod na.
Pumunta ako rito dahil sa boredom. Nasaktan ako sa pagreject sa akin ng crush ko, pero hindi ko na uulitin ang kalokohan ko noon! Lalo na't siya pa ang nauna sa akin, kung hindi bilang iyong nambaboy sa akin.
Hindi ko na papansinin si Darell simula ngayon, titigilan ko na siya!
Charot lang!
"Darell, sabay tayo uwi,"
Hinintay ko siyang lumabas ng room. Kasama niya pa sa loob si David na ibang strand naman.
"Ikaw bahala," nilagpasan niya ako.
Eh?
"Pagpasensyahan mo na 'yun. Baka gusto ka talaga no'n kasama, hindi lang makaamin." Nagsalita sa likuran ko si David.
"Bakit sa ibang babae hindi siya ganoon?"
"May epekto ka kasi sa kanya," nagkibit-balikat siya.
"Ni-reject niya nga ako eh," peke akong tumawa.
"He doesn't know how to express himself. He has... BPD."
Nanlaki ang mga mata ko. "Seryoso?"
Tumango siya. "He's been suffering from depression since he was seven I think. That's what he told me before. Years later he developed the illness. Please be patient with him and don't tell him I told you about this. Mukha kasing kaya mong maka-keep up sa kanya kaya ko sinabi sa 'yo."
Nilagpasan niya na ako at sumunod kay Darell. Inakbayan niya ito at pinanood ko silang mawala sa harapan ko.
He's constantly changing.
"Ngayon, huhulaan niyo kung ano ang title ng kantang magp-play. Pagtama ang hula niyo ay sasabihin niyo ang pangalan ng crush niyo, naiintindihan niyo ba?"
Nagsipag-angalan ang aking mga kaklase dahil sa narinig nila sa teacher. Akala mo naman ay hindi nila ito gusto sa loob-loob nila. Nag-iinarte lang naman.
Palihim akong napangiti dahil dito. I glanced at Darell who's currently looking at the window. Katabi lang kasi nito ang bintana.
Ang gwapo talaga niya.
Hindi ko alam kung ano ang nasa isip ko ngayon. Pansin ko rin ngayong araw na malalim ang iniisip nito at baka isa na ang pag-amin ko roon.
Last day na ng regular class for this quarter ngayon. Bukas ay simula na ng exam.
"Anong kanta 'to?"
May pinlay si Sir Manuel na music mula sa YouTube. Nakatakip ang kamay niya sa title ng kanta dahil 'yon nga ang huhulaan namin. Nakaka-tatlong kanta na, alam ko ang lahat pero hindi ako sumasagot. Pang-apat na itong nagpplay.
Hah! I know that. Happy by Pharrell Williams.
Kahit alam ko, hindi ako sumagot. Pinakiramdaman ko muna si Darell dahil sa pag-amin na gagawin ko, maririnig iyon ng buong klase. Kabilang na ang kaibigan niyang si Jaimme.
Nakatingin pa rin ako kay Darell nang humarap ito sa akin at ngumiti. That's a genuine smile.
Nag-ikot ako ng tingin sa paligid habang hinihintay ang pagplay ng susunod na kanta. Doon na lang ako sasagot. Nahagip ng mga mata ko si Nirca na nakangisi sa akin. Nalaman kasi nito ang pagkakagusto ko kay Darell, sa tingin pa lang.
BINABASA MO ANG
Him And His Superficial Love (Les Tendres Series #4)
RomanceWARNING: Mature Content | R18 [Completed, 2023] Les Tendres Series #4 || Tender Love Series Revenge. Betrayal. Karma. Justice. Kahel says revenge is for the hearts who loved dearly. Because after doing her best to be loved by her one and only who fo...