Kabanata 19
Once we got off the taxi, I ran fast, away from him. I was genuinely surprised when I saw that he was following me. No matter how fast I run, I will always lose to his long legs because of his height!
"Stop, Kahel!" he ordered me. "Let's talk now. Wala kang takas sa 'kin."
Sa mall kami naghabulan. Ayaw niya talaga akong tigilan! Nakarating na kami sa Divisoria pero ayaw niya talaga magpatalo!
"Ang gaganda naman ng cast, ano kayang pangalan ng drama nila?" Rinig kong tanong noong tindera sa kapwa niya tindera.
"Baka 'yung papalit sa drama nila Kathryn Bernardo."
"Baka nga." Pag sang-ayon nito.
"Kahel, mag-uusap lang tayo." Hingal na hingal na siya kakahabol sa 'kin. Sumusuot kasi ako kung saan saan! Lalo na sa mga lugar na hindi siya kasya dahil sa laki niya.
Nang hindi pa rin siya tumigil ay huminto na ako sa tapat ng isang puno sa tabing daan. Napahawak ako sa tuhod ko.
"Ano bang kailangan mo?" Iritado kong tanong sa kanya.
"Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko?"
"Kasi ayaw ko!" Galit kong angil. "Manloloko ka!"
Natahimik siya roon. "Kailan kita niloko?"
"Palagi!" Nangilid ang luha ko. "Lagi mo 'kong niloloko, Darell! Huwag mo akong gawing bulag!"
"Anong panloloko ba ang tinutukoy mo?" Iritadong tanong niya. "Kahit isumpa ko pa roon sa may taas, hindi kita niloloko! Kahit sa pagtulog ko, kasal lang natin ang iniisip ko!"
"Kasal? Eh hindi mo naman ako shota!" Sigaw ko.
"Pero girlfriend kita!" Sigaw niya pabalik. "Ayaw ko na tinatawag kang ganoon! Kasi pag naririnig ko 'yon parang napulot lang kita eh hindi naman!"
"Bakit mo 'ko hinabol? Ba't parang galit ka pa nung sinundo mo 'ko?" Mahinang tanong ko.
"Kasi hindi ko alam kung ano sa mga nasa isip ko 'yung gagawin ko..." Humina ang boses niya. "Marami akong tanong, una na roon ay kung bakit mo 'ko hinayaan na ganoon?"
"Kasi may hinalikan ka! Nanloko ka! Nakita ko 'yon, galing ako sa Italy tapos su-supresahin sana kita tapos ako 'yung nasurpresa! Sa school niyo, hinalikan ka nung nabuntis mo!" Puno ng hinanakit ang boses ko. "Kung gagaguhin mo lang ako sa huli, sana hinayaan mo na lang akong mabuhay nang matiwasay sa Italy! Hindi iyong gagaguhin mo ako while telling me that you will marry me someday!"
"I can explain everything---"
"No! I don't need your explanation, we're done!" Tumalikod ako at nagmartsa paalis.
"Done pala ha," he scoffed.
Hinila niya ang bewang ko at pilit na hinarap ang katawan ko sa kanya. Itinaas niya ang baba ko para maabot ko siya pero hindi pa rin 'yon sapat, kinailangan niya pang yumuko para lang mahalikan ako.
Akala ko mabilis lang 'yon, pero nagkamali ako.
Naghalo-halo lahat ng sakit at galit dahil sa ginawa niya sa akin.
"Hindi ko maipapaliwanag sa ngayon pero pinapangako ko, I'm not cheating on you! I never cheated! Bakit kita lolokohin? Gago ako pero mahal kita!"
"I don't want you to be my boyfriend again!" Inis kong sigaw at tumakbo palayo.
Mabuti at hindi na siya sumunod. Bumagal ang pagtakbo ko, nagsimula akong maglakad habang napapaisip.
Kung ginawa niya 'yon, may gusto pa siya sa akin.
BINABASA MO ANG
Him And His Superficial Love (Les Tendres Series #4)
RomanceWARNING: Mature Content | R18 [Completed, 2023] Les Tendres Series #4 || Tender Love Series Revenge. Betrayal. Karma. Justice. Kahel says revenge is for the hearts who loved dearly. Because after doing her best to be loved by her one and only who fo...