Kabanata 4
Hanggang sa pag-uwi ko ng bahay ay nanlulumo ako. Nagtataka ang mga magulang ko dahil namumutla ako pag-uwi sa bahay. Buti at hindi na nagtanong si mama dahil ang paalam ko ay sleepover kila Hannari. Nagpalit na rin ako ng matinong damit sa kwarto namin ni Fajarez.
Pagkadating ko sa bahay ay dumiretso agad ako sa cr at naligo. Panay ang hampas ko sa ulo dahil sa inis at hiya sa sarili. Mariin akong napapikit.
Oo, tama nga! Nakalimutan ko nga ang sakit na dinulot sa akin ng mga ex kong gago na mukhang aso, pero napalitan naman ito ng sobrang hiya!
Paano kami maghaharap nito sa klase?
"Hoy! Binalikan kita rito dahil narinig ko sa labas ng gate na wala ka pa raw sabi ng kaklase mo! Ano, a-absent ka na naman? Sabi mo babawi ka dahil last year na natin 'to? Paano ang pinapangarap nating scholarship sa kolehiyo?" Sunod-sunod na tanong sa akin ni Hannari sa kabilang linya.
"Ayaw kong pumasok!" Naluluha na ako.
"Susunduin kita ryan,"
"Hannari hindi---"
Namatay ang tawag. Natampal ko ang aking noo dahil sa inis.
Frustration.
Paano ko sasabihin sa kaibigan ko na nagamit ko ang pangalan niya para payagan ako ng magulang ko sa kalokohan ko na ginawa kahapon? Hays! Ayaw ko na palang maalala! Pakiramdam ko mas maayos pang saksakin ko ang sarili nang ilang milyong beses kesa maalala ang nakakahiyang tagpo namin ng kaibigan ko sa bar kagabi.
Darell Andrei Fajarez, he's an internet friend. Kahit kailan ay hindi ko pa siya nakikita until yesterday. Yesterday, absent din siya sa first day ng klase. Naayos na kasi ang permanent seat plan namin kaya alam kong siya ang katabi ko.
I met him through Marcus, best friend ko noon sa internet din. Online classes lang kasi ang tine-take ko dati. Kaya pala pamilyar kami sa isa't isa, kami ba naman ang laging magkausap sa group chat naming magkakaibigan!
Kahapon ay para kaming iiyak dahil sa kahihiyang ginawa namin sa isa't isa. He fucking took my virginity! I took his too! And then we would just find out we're seatmates?! Fuck!
Paano ko ito iku-kwento sa kaibigan ko?
Kinagat ko ang labi at inis na kinuha ang unan dahil iyon lang ang pwede kong ibato na hindi masisira. Pinaghahagis ko iyon nang malakas, ilang beses. Tapos kinukuha ko ulit at ihahagis.
Ayoko na po! Ayoko na talaga! Mas gugustuhin ko pang maloko ako palagi kesa masaktan ako dahil sa kagaguhan ko sa buhay!
Marami akong pagsisisi at pagkakamali sa buhay pero pakiramdam ko ay ito na ang pinakamalaki!
Sa huli ay napilitan akong pumasok sa school. Siguro naman hindi siya papasok, 'di ba?
Gusto kong sumigaw hanggang sa lumabas lahat ng lamang loob ko nang magtama ang tingin namin sa room. Parehas kaming napaiwas ng tingin.
Sunod-sunod ang lunok ko bago ako umupo sa tabi niya. Bahagya kong tinakpan ang aking mukha dahil sa hiya gamit ang dalawang kamay ko. Sa peripheral vision ko ay nakita ko ang pagtatakip niya rin ng mukha saglit at paghilot sa kanyang sintido.
"Uhhh..." Panimula niya.
"O-Oo, huwag ka nang m-magsalita. . ." Nanginginig kong sabi.
"That was a mistake right. . ."
"Yeah, I-I guess so. . ." Bahagya akong tumango. "About what I-I told you---"
"I won't tell anyone about it, promise," aniya.
BINABASA MO ANG
Him And His Superficial Love (Les Tendres Series #4)
RomanceWARNING: Mature Content | R18 [Completed, 2023] Les Tendres Series #4 || Tender Love Series Revenge. Betrayal. Karma. Justice. Kahel says revenge is for the hearts who loved dearly. Because after doing her best to be loved by her one and only who fo...