Kabanata 13

197 4 0
                                    

Kabanata 13

Sari-saring palamuti ang nasa paligid. Tanging ang graduation song lang ang iyong maririnig dahil sa malakas na speaker. Kitang-kita ang mga naglalakad sa malaking screen sa harap.

Noong ako na ang maglalakad, I confidently smiled.

It's our day. I shouldn't cry. Lalo na't nandito si papa sa tabi ko.

Mabilis lang ang ceremony. Walang bago. Proud na proud ako sa mga kaibigan ko.

"Rosier, Jarell Norine. With Honors."

"Perez, Hanna Riella Evangeline. With High Honors."

Lahat kaming magkakaibigan aykasali sa honors!

"Artamerez, Kahel Adhara. With High Honors."

Napangiti ako roon. Tiningnan ko iyong mga taong judgemental na tumingin sa akin noon nung hindi ako kasali sa honors. Natanggal naman sila next quarter kaya sa graduation ay wala sila sa awardings.

Isinabit sa akin ang tatlong medal tapos ibinigay ang tatlong certificates. Hirap pa akong hawakan 'yon.

"Demitre, Kiolo Zaqin. With Highest Honors."

Magkakasama ang Humanities, ABM, at STEM. Bukas naman ay GAS, ICT at TVL.

Nakaupo lang ako sa pwesto ko at hinanap ko si Lynelle dahil hindi ko siya makita. Tumingin ako sa pwesto ni David dahil baka malapit siya roon pero imbes na sila ang makita ko, nakita ko si Fajarez na paikot papuntang stage.

Nakatingin siya sa akin, a sad look. Hindi mo mahahalata sa unang tingin dahil parang natural lang ang ganoong mata sa kanya. Pero kapag kilala mo siya, alam mo agad na malungkot ito.

Wala siyang kasamang magulang.

"Fajarez, Darell Andrei." Pagtawag ni ma'am sa pangalan niya mula sa stage. At dahil wala itong kasama ay sinamahan na lang siya ng daddy ni Aaron na kaibigan niya.

Kumukulo ang dugo ko dahil kahit pag-akyat niya sa stage ay nakatingin lang siya sa akin. Naaawa ako eh, tangina. Ano bang nangyari? Bakit parang malungkot siya?

Hindi ba, dapat ako ang malungkot dahil inakala kong magkakagusto siya sa akin pero nakabuntis siya ng ibang babae?

After the program ay nagpicture kaming lahat. Hindi ko na nakita si Lynelle. Sinabi naman ni Monica na um-attend ito pero umalis din agad pagkatapos ng awarding at hindi na hinintay ang picture taking ng bawat section.

And that's how my highschool life ended.

Naaalala ko pa 'yung time na hinila ako ni Hannari sa higaan para lang magising ako pero malakas ang kapit ko sa kama kaya tumumba siya at muntikan pang mabagok ang ulo kaya galit na galit sa akin si papa no'n.

"Ayaw ko ngang sumama!" Mangiyak-ngiyak kong sabi sa kaibigan ko.

"Gago ka, anong ayaw mo? Pumayag ka sa pag-aaya niya! Panindigan mo, 'wag mong saktan!" Sermon niya pa. "Atsaka mas gusto ko 'yon kesa kay Fajarez, itong si Kiolo, matalino na, mabait pa!"

"Nagmu-moveon pa nga ako, 'di ba? Bakit parang pinapamigay mo na ako kay---"

"Anong pinagsasasabi mo? Eh never ngang naging kayo! Tsaka girl, shunga ka? Nakabuntis na nga ang tatay mo tapos doon ka pa rin?"

"Sinong tatay?" Clueless na tanong ni papa na napadaan lang sa harap namin dahil nagwawalis.

"Ay tito, slang 'yon!" Tumawa si Hannari. "Tito, ayaw sa akin sumama ni Kahel! Minsan na nga lang ako mag-aya tsaka nagmakaawa pa ako kay mama na makalabas tapos hindi ako papansinin!" Pagsusumbong niya pa.

Him And His Superficial Love (Les Tendres Series #4) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon