Chapter 1 and 2~ Welcome To My Life

56.1K 777 32
                                    

Chapter 1- Welcome To My Life

Hindi sa lahat ng pagkakataon tama sila. Kaya ako nagkakaganito ngayon dahil sa pagkukulang nila.

RaphaelaHaruno

Raphaela's POV

Pagkapasok na pagkapasok ko sa loob ng aming bahay, sinalubong agad ako ng napakalakas na sampal. Hindi ako natinag. Malamig kong tinignan ang mga magulang ko. Ang mata ng aking ama ay sobrang nanggagalaiti samantalang ang ina ko ay kalmado parin. Ang mga katulong sa loob ng pamamahay na ito ay tahimik lang. Iba ang pamilya naming magalit. Kinakatakutan kami, lalo na ang mga magulang ko.

"Ano nanaman bang ginawa mo?! May naospital nanaman dahil sayo! Bumagsak ka sa tatlong subject! Talaga bang pinapahiya mo kami?!" bulyaw sa akin ni Daddy. Tinitigan ko siya; mata sa mata. Hindi  ako umiimik, basta nakatingin lang ako sakaniya. Sanay na ako sa ganito. Tuwing umuuwi ako sa impyernong lugar na ito, laging ganito ang nangyayari. Walang pagbabago.

"Wala ka nang pakialam dun. Wala kang alam," sabat ko sakaniya. Totoo. Wala silang alam sa nangyayari. Kaya ako nambubugbog dahil nananakit ang mga taong binubugbog ko. Kaya ako lagging bumabagsak sa klase dahil nagrerebelde ako. Wala silang alam sa nararamdaman ko. Hindi nila pansin ang pagkukulang nila.

"Ni minsan hindi mo kami pinakinggan, Raphaela. Lagi mo kaming sinusuway. ANO ANG PAGKUKULANG NAMIN?!" singhal niya sa akin. Hindi ako nagsalita. Nanatili akong nakatayo sa harap niya; walang emosyon ang aking mukha. Hinilot niya ang noo niya sa sobrang inis. Wala na akong pakialam. Mas manhid sila sa akin. Kaya ako naging ganito dahil sakanila. Isa sila sa mga rason kung bakit ako nagbago.

"May problema ka ba anak?" Biglang nagsalita si Mommy. Napatingin ako sakaniya; kalmado parin siya. "Sa kaibigan? Sa pinapasukan mong eskwelahan?" dagdag niya pa. Wala akong kaibigan sa bansang ito, ma. Lahat kinakatakutan ako. Ayaw nilang lumapit sa akin at ayaw ko ding lumapit sakanila. Ayoko rin sakanila.

"Why do you suddenly care?" sabat ko sakaniya. Natigilan siya; halatang nasaktan sa sinabi ko. Wala na akong pakialam.

"Anong nangyari sa'yo, Raphaela? Hindi na kita kilala, anak. Ang laki ng pinagbago mo," sabi niya sa akin. Hindi ako sumagot bagkus ngumisi lang ako. Dahil sainyo naging ganito ako. Di niyo ba mapansin? Gustong gusto kong mapagalitan dahil lagi kong nakukuha ang atensyon niyo.

"Tingin mo, bakit?" malamig kong sabat. Nasampal muli ako ng aking ama; mas malakas sa nauna. Pinunasan ko ang dugo sa gilid ng labi ko saka malamig silang tinginan.

"THAT'S IT! UMUWI KA NA SA PILIPINAS! SAWANG SAWA NA AKO DIYAN SA UGALI MO! SAWANG SAWA NA AKO!" Umalis siya sa harap ko. Naglakad narin ako papunta sa kwarto ko. Nagempake na ako. Aalis naman na ako sa impyernong bahay na ito, diba? Makikita kong muli ang mga kaibigan ko na naiwan sa Pinas. Makikita ko rin ang kuya ko 'roon.

Raphaela Justine Haruno nga pala pangalan ko. Anak ng dalawang kilalang doktor dito sa Japan. May ospital sila dito sa bansang ito kaya madalas silang nandito. Sinama lang naman nila ako eh. Akala siguro nila magbabago ako dito. Nagkakamali sila. Mayroon akong nakatatandang kapatid. Pangalan niya Xander Justine Haruno; isa rin siyang kilalang doktor na namamahala sa ospital na pagmamay-ari naming sa Pilipinas. Graduating student ako kaso lagi akong nak-kick out. Gago rin ako e, di ako mahilig magseryoso sa pag-aaral. Yung mga magulang ko, nagsawa na sigurong palakihin ako; ang demonyo nilang anak.

Maraming nagsasabing wala akong puso, wala akong awa. Napakalakas ko daw lalo na sa pakikipaglaban kaya maraming natatakot sa akin. Ikaw ba naman laging nakikipagbugbugan sa kung saan. Tinawag tuloy akong "The Emotionless Queen" Tss. People these days.

The Emotionless QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon