Chapter 16~ The Deceiver's Protest

13.4K 233 3
                                    

"Hindi ko na alam ang dapat na reaksyon ko. Hindi ko na alam ang dapat isumbat ko. Wala na ang sakit. Wala na ang kirot. Hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko. Gusto kong magwala. Gusto kong umiyak. Gusto kong sumigaw. Pero, wala. Hindi ko na alam."

RaphaelaHaruno

 

Raphaela’s POV

Naramdaman ko na nakatali ang kamay at paa ko pagkagising ko. Hindi ko agad minulat ang mga mata ko dahil sa totoo lang, masakit ang ulo ko. Nang naramdaman ko na hindi na iikot ang mundo kapag imumulat ko ang mga mata ko, doon ko pa lang ito unti unting minulat.

Nasa sahig ako; nakahiga. Mabuti na lamang hindi tinakpan ang bibig ko. Kilala mo nga talaga ako Heart, alam mong hinding hindi ako hihingi ng tulong kahit nasa bingid na ako ng kamatayan. Unti unti kong binuhat ang katawan ko paupo. Sinandal ko ang likod ko sa pader saka pinagmasdan ang paligid. Maalikabok. Maraming nakakalat na semento na hindi nagamit. Maraming bakal. Ang kalat.

Naalala ko na mayroon sa bag kong nakasabit sa belt ko ang kunai; isa sa mga dinala ko. Unti unti ko itong inabot hanggang sa mahawakan ko. Nang nailabas ko na, unti unti ko nang pinuputol ang tali na nakapalibot sa kamay ko. Mahigpit. Makapal. Mukhang matatagalan ako nito.

Napansin ako ng isa siguro sa mga alagad ni Heart kaya niya ako nilapitan. “Gising ka na pala,” tanging lumabas sa bibig niya. Hindi niya pansin ang kamay ko. Tanga. Napangisi na lamang ako.

Tinignan ko siya saka nagsalita, “Nasaan si Heart?”

Nakita kong ngumisi siya. “H’wag kang bastos.”

“Wala kang karapatang sabihan mo ako ng ganiyan. Dahil sa itsura pa lang, mas mukha kang bastos sa akin.”

Bakas ang inis sa mukha niya. Akmang sasampalin niya ako ngunit may pumigil sa kaniya. Tinignan ko ang mukha ng taong pumigil sa kamay ng lalaki; si Heart. Imbes na mapanatag ang loob ko, mas lalo akong kinabahan. Heart, ano ang nangyari?

“H’wag kang makialam. Lumayas ka dito,” malamig na sabi ni Heart sa lalaki. Agad naman niyang binitawan ang kamay  nito saka tinignan siya ng masama. “Wala kang karapatang saktan siya, ako lang.” Walang anu-ano’y sinampal niya ako ng pagkalakas lakas. Hindi ako natinag. Deretso akong nakatingin sa kaniya; wari’y binabasa ang ekspresyon ng mukha niya ngunit wala akong napala. Hindi ko mabasa.

Nakita ko naman ang pangisi ng lalaki saka umalis. Sa akin naman siya tumingin. Deretso sa mga mata. Wala akong masabi. “Surprise,Raphaela. ” Bigla siyang humalakhak; parang demonyo. Hindi ako makapaniwala. Hindi. Hindi siya ang kaibigan ko. Ayokong tanggapin.

Siguro nga tama sila Samantha. Siguro nga tama si kuya. Pero, bakit gano’n? Ayaw tanggapin ng utak ko. Ayaw tanggapin ng pagkatao ko. Nasasaktan ako, pero hindi ko maaaring ipakita sa kaniya. Dahil kapag pinakita ko sa kaniya, iisipin niyang panalo na siya.

“Anong pakiramdam, Raphaela?” Halata sa boses niya ang pang-aasar. Huminga ako ng malalim saka iniwas ang tingin ko sa kaniya.

“Nothing,” sambit ko. Masakit pero pakiramdam ko, naglalaho ang sakit. Parang nasanay na. Nangyari na ito noon; ang saktan ako ng mga taong nakapalibot sa akin. Nagitla ang pagmumuni ko nang naramdaman kong lumuwag ang tali; naputol ko na.

Tumingin ako deretso sa mga mata niya. “Bakit? Bakit mo ito ginagawa?” Makikipaglaro muna ako. Gusto kong masagot lahat ng tanong na kanina pa paulit ulit sa utak ko.

“Dahil ayaw ko sa’yo,” sagot niya.

“Anong ginawa kong mali?” tanong ko muli sa kaniya.

The Emotionless QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon