Chapter 26~ Weird Friends

11.4K 225 5
                                    

Raphaela's POV

Meanwhile at Nightshade High

"RapRap! Dumugo yung ilong ko sa lakas ng impact ng pagkakapalo mo sa ulo ko kagabi! ToT" bungad sakin ni Gelo

"Wag OA. Di ko nakita. Walang proof." sabi ko

Dito kami sa Nightshade High. Dito daw gaganapin yung pangapat na challenge eh. It's already 2:30 pm. Natulog ako magdamag kaninang umaga. Astig nga eh. Hapon ang start ng test. Nakapagpahinga itong utak ko.

Pero di ko parin makalimutan ang panaginip ko. Tuwing naalala ko yun, kinakabahan ako. Di mawala sa isip ko pero pinipilit ko paring tanggalin.

"Hime. Tara na sa loob ng classroom. Andun na sila. Ikaw nalang ang hinihintay."

"Oo nga RapRap. Tara na." hinila niya ako sa kamay at nagpahila naman ako.

Pagkapasok ko sa classroom na hindi ko alam kung saan, andun si ate Zoe. Siya daw ang gumawa ng test questions.

Ang laman ng classroom ay isang mesa at isang upuan. Nasa ibabaw ng mesa ay isang medyo makapal na libro saka dalawang pirasong papel. Yung isa, answer sheet at yung isa, isang napakalinis na papel. Sa tabi nun ay signing pen na black.

Umupo ako. Tinitigan ko yung medyo makapal na test questions. Dami naman nito. =.=

"You're going to answer that in two hours. Ready?" sabi ni ate Zoe.

Tumango ako. "Open the test questions and answer. Your time starts" tumingin siya sa orasan at naghintay ng 5 seconds. Oo. Bilang ko. =u= "...now."

Binuklat ko ang unang page. Bumungad sakin ang "Your Personal Interest" Napakunot ang noo ko. Binasa ko ang questions.

=___________=

Puro about Naruto. Tsk. Makasagot na nga.

After two hours...

"Done." matagumpay kong sabi sabay stretch ng kamay.

Inikot ko ang ballpen sa daliri ko. Kinuha nila ang papel ko at chineck yun.

"Mamaya mo pa makukuha ang result. Mga 5pm." sabi ni ate Zoe.

"Ok." sabi ko saka tumayo.

Una kong sinagutan yung My Personal Interest. Pangalawa Mathematics. Pangatlo Language Proficiency. Pangapat Science.

Dami kong tsamba dun kasi two hours lang. Tsk. Pero dun sa pinaka-una alam ko lahat yun tama. =u=

Lumabas ako ng room. Nagaabang dun sila kuya. Biglang pumasok si Gelo dun sa loob ng classroom.  May hinagis sakin ni kuya na box.

The Emotionless QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon