Chapter 27~ My Parents Are... Back?

11.9K 210 1
                                    

Raphaela's POV

Friday

"Raphaela Haruno... got a perfect score. Congratulations Ms. Haruno." sabi nung teacher.

Halata namang napipilitan. Di ko nalang pinansin at binaling ang tingin sa binabasa ko. Binilhan ako kagabi ni kuya ng Manga ng Naruto. Nangongolekta ako nito eh. Nakaka-excite kasi. Ano connect? =u=

Nag-quiz kami eh. Dito sa Math. Akalain mo yun? Naperfect ko?

"Nice one LL." sabi nung katabi ko

"Yea." sabi ko nang di siya tinitignan.

Alam na ng lahat na ako na ang leader ng The Nobodies. Nakumpleto ko na lahat ng pagsubok. Sa buong week na ito, ang daming nanghahamon sakin ng laban. Pumapayag naman ako.

Lagi nga akong panalo eh. Tsk. Ano ba itong pinasok ko. Ang gulo. Simula nung Sunday, nararamdaman ko na laging may nagmamasid sakin. Yung tipong gusto akong sunggaban at patayin. Waring nagugutom na leon na nakahanap ng makakain.

Oo. Ramdam ko siya. Di ko alam kung bakit pero ito yung nararamdaman ko... parang delikado nanaman ang buhay ko.

*KRIIIIIIIIIIING*

"Lunch break na. So... GoodBye Class. See you next week." sabi nung teacher saka umalis.

Isinara ko naman ang libro na hawak ko saka sinuksok sa bag ko. Linapitan ako nila Ayesha, yung tatlong kulay, Gelo at mga kaibigan niya.

Hinila ako ni Gelo saka bumulong "Wag ka nang umattend ng klase mamayang hapon. May pupuntahan tayo."

"Ok. Basta ikaw magbuhat ng bag ko. Bigat eh. =u=" sabi ko

Ngumiti siya at tumango.

"Guys. Una na kami. Saka Raphael. Bantayan mo si pinsan." sabay smirk na sabi ni Gelo

"Oo. Ningana." sabi ni Raphael sabay tingin sa namumulang Ayesha

Pero di kami gumalaw sa kinatatayuan namin. Nagkatinginan kami ni Gelo saka sabay ngumisi. Panunuorin namin ang mga ito. Naglakad kami palayo at nagtago sa bakanteng room malapit sakanila.

Lumaki ang mata ni Raphael saka hinawakan ang noo ni Ayesha "Ba't ka namumula? May sakit ka ba?" nag-aalalang tanong niya kay Ayesha.

"O-Ok lang a-ako." sabi niya saka yumuko. Sabay silang naglakad papunta sa canteen pero kinukulit ni kapangalan ko si Ayesha.

Nakakatuwa sila. Ang manhid mo kapangalan ko. Tsk.

"Aray! Ba't ka nanapok?!" Avery

Napatingin ako sa kabilang banda.

The Emotionless QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon