“For me, this is a battle of friendship. If I win, you’ll be my friend. If I lose, we can still be friends.”
ZiaYamanaka
Raphaela’s POV
Minsan sa buhay natin, may makikilala tayong napaka-ingay at napaka-weirdo. Magandang halimbawa si Zoe, ang ate ni Gelo. Napatakip ako ng tainga nang sumigaw siya. “WOOOH! UNDERTAKER! TALUNIN MO YANG HINAYUPAK NA IYAN! PERO PASENSYA! MAS ASTIG SI THE ROCK!” hiyaw niya habang nanunuod. Kanina pa yan ganiyan.
“Tss,” bulong ko. Nakigaya naman ang weirdo na kapatid niya. Tinignan ko si Gelo. “Iba din trip ng ate mo, noh?” bulong ko sa kaniya.
“Oo nga eh,” sagot niya. Ngumiti siya saka tinignan ang ate niya. “Pero mabait iyan. Siya yung tumatayong magulang ko.” Natigilan ako kasabay ang pagtigil ng tibok ng puso ko. Biglang nag-init ang mukha ko. Anong nararamdaman ko? Ngumiti siya, nag-iba ang nararamdaman ko.
“HEADLOCK BRO! HEADLOCK!” hiyaw muli ni Zoe. Napa-facepalm ako. Buti na lang lalaki ang naging nakatatandang kapatid ko. Napakasakit sa ulo pag babae. Lalo na kung adik na adik sa wrestling. Ayaw ko ng maingay. Ayaw ko ng magulo. Ayaw ko ng weirdo. Weird na nga daw ako tapos magiging kapatid ko weird pa? Paano na lang ang kinabukasan naming pag ganun?
“PAG DI KA NANALO, UNDERTAKER HINDI MAGKAKATULUYAN SI RAPHAELA AT NITONG UGOK KONG KAPATID!”
Lumaki ang mga mata ko saka napatingin kay Zoe. Si Gelo rin ganun ang ginawa. Anong kinalaman namin sa panunuod niya ng wrestling? Seriously? “What the hell are you talking about, sis?” tanong niya pa. Tanga. Ano gusto mo? Paulit-ulit?
Ngumisi si Zoe saka ako tinignan, pati si Gelo tinignan niya. “Kung ayaw niyong may hahadlang sa pag-iibigan niyo tulungan niyo akong mag-cheer,” sabi niya.
Pag-iibigan? Hindi ko alam kung paano magmahal, ate. Tanong mo pa kay kuya.
“Eh alam mo naman na si Undertaker ang mananalo diyan e. Ilang beses mo na kayang pinanuod iyan!” depensa ni Gelo. Ibig sabihin nun walang hahadlang? Wow a. Tumingin ako kay Gelo. Namumula rin ang mukha niya. Parehas bud kami a.
Ngumuso si Ate Zoe. “Kayo na nga tinutulungan e--” May binulong siya at si Gelo lang ang nakirinig. Ang katabi niya si Gelo at katabi ko si Gelo. Nakita kong sumilay ang ngiti sa labi ni Gelo. “Sorry, sis. Next time na lang. Promise. Di ako magrereact.”
Tumaas ang kilay ko. Hindi ko nalang sila pinansin. Hindi ako interesado.
“Oh. Raphaela,” tawag sa akin ni Ate Zoe. Lumingon ako sa kaniya. “Gusto mong kumain ng dinner sa bahay namin?”
“Ayaw,” agad kong sagot. “Magagalit sa akin ang kuya ko.” Hindi pa rin ako kumportable sakaniya. May nararamdaman akong kakaiba. Pero bakit pinagkatiwalaan ko siya agad? Hindi ko rin alam. Napaka-misteryosa niya. Ibang klase.
Ngumiti siya. “Akin yang phone mo. I’ll text him,” sabi niya. Tumaas ang kilay ko. Bakit parang may hindi ako nalalaman?
“Wala akong cellphone,” sagot ko saka nagkibit balikat. Hindi ko kailangan ng cellphone. Sinira ko yung dati. Ayoko nang komunikasyon. Gusto ko personalan.
“Seryoso?!” sabi niya, hindi makapaniwala. Tumango ako saka umismid. Tingin mo sa akin? Sinungaling?
“Ninuno ka?” tanong niya, feeling inosente. Napasimangot ako saka siya tinignan ng matalim. Pasalamat ka matanda ka. Kung hindi kanina pa kita pinatulan. Tawa nang tawa si Gelo kaya tinignan ko rin siya ng masama. “Nice one, sis!” sabi niya saka sila nag-apir.
Nayamot ako kaya tumayo ako at naglakad paalis. “Just like Xander told me. You really are interesting, Raphaela.” Natigilan ako. Kilala niya ang kuya ko?
BINABASA MO ANG
The Emotionless Queen
Teen FictionPain changes people. No matter how cruel, how heartbreaking, people change. But if there's someone out there who can change you, that someone should be kept. Can he change Raphaela? Is he her happiness? The person she has been waiting for so long? W...