"I get the feeling that you've gone through much. Since I get to see your eyes, I realized I'm not the only one who feels this way."
RaphaelaHaruno
Raphaela's POV
Kasasabi ko kanina na magseseryoso na ako pero bakit hindi na ulit ako pumasok? Nakakatamad. Sisimulan ko na lang siguro bukas. Nag-inat ako saka tumayo mula sa pagkakaupo. Katatapos kong kainin lahat ng binili kong pagkain. Naglakad ako paalis sa canteen. Habang naglalakad, may nabangga ako. Parehas kaming napaupo sa lupa.
"Hala, sorry!" Tinulungan akong tumayo no'ng babaeng naka-pink. "Ano kasi, hindi namin mahanap 'yong opisina ni Ms, Nightshade. Alam mo ba kung saan?" tanong niya.
Sasagutin ko na sana ang tanong niya, pero sumingit 'yong nakapulang babae. "Sa tingin mo, sasagutin ka ng maayos niyan? Kanina pa tayo naloloko ng ibang estudyante dito. Tss. Such a drag," naiirita niyang saad. Tumingin ako sa kaniya ngunit natigilan ako. Walang emosyon ang kaniyang mga mata. Ang daming tinatago. Hindi ako makapaniwala.
"CIARA!" singhal no'ng babaeng nakadilaw.
"O, bakit? Hindi ba totoo?" tugon niya.
Napakurap na lamang ako ng dalawang beses pagkatapos ay tumalikod sa kanila. "Itong tapat ng kinatatayuan niyo ngayon, pasukin niyo 'yang building na 'yan. Second floor. Makikita niyo doon," sabi ko at ipinagpatuloy ang paglalakad.
"Thank you!" rinig kong sigaw nila. Napailing na lamang ako.
"Sabi sa'yo Ciara e."
"HEH!"
Oo. Mainitin ang ulo niya. Hindi siya kalmado. Pero, bakit gano'n? Ang hirap niyang basahin. Iyong mga mata niya, misteryoso. Hindi ko alam kung saan ako pupunta, ayokong pumasok. Pero, dinala ako ng mga paa ko dito sa likod ng paaralan. Do'n ako sa ibaba ng puno umupo. Pinagmasdan ko ang paligid; may naaalala ako. Oo. Hindi man ito 'yong lugar na iyon pero naalala ko kung paano ako tinuturuan ni Heart.
Bakit kaya gano'n? Hindi ko napansin na ayaw niya sa akin. Nagpanggap siya na kaibigan ko. Ano ang dahilan? Gusto kong malaman ang tunay na dahilan.
"RAPRAP!" Lumingon ako nang marinig ko ang pangalan ko. Si Gelo. "Hinahanap ka ni ate."
"Ano pong problema, Ate?" bungad ko kasabay ang pagbukas ko ng pintuan. Nasulyapan ko ang tatlong babae na nakabangga ko kanina pero hindi ko sila pinansin.
Hindi pa nakapagsasalita si ate, inunahan ko na. "As far as I remember, wala pa akong nabubugbog. Wala rin akong nasirang gamit ng paaralan. Siguro, mamaya. Bakit na naman ba?" pangangatwiran ko. Paano naman kasi, lagi na lang akong pinapatawag. Ang masaklap pa, hindi Detention Room ang bagsak ko. Sa Principal's Office pa.
"Hindi mo ba alam ang salitang respeto, Miss?" singit nung nakapulang babae.
Napangisi ako saka siya nilingon. "Stay out of this, Ms. Red. This is none of your concern. Mind your own business," malamig kong tugon sa kaniya.
Sasagot pa saka niya kaso biglang tumawa lahat ng nandito maliban sa akin at kay pula.
"Nice. Ngayon ka lang nakahanap ng katapat mo, Ciara!" sabi nung babaeng nakadilaw.
"Oo nga!" Hinampas naman nung naka-pink si nakapula.
"Tss. SHUT UP!" singhal niya.
Tumahimik sila. Yan. Matakot kayo.
"Raphaela, will you accompany these ladies here? They're your new classmates." Napatingin ako kay Ate Zoe.
"Ba't ako? Andiyan naman si Gelo a," reklamo ko.
BINABASA MO ANG
The Emotionless Queen
Teen FictionPain changes people. No matter how cruel, how heartbreaking, people change. But if there's someone out there who can change you, that someone should be kept. Can he change Raphaela? Is he her happiness? The person she has been waiting for so long? W...