Chapter 15- Lingering Darkness
“Siguro nga mali ang desisyon kong pagkatiwalaan siya. Akala ko wala siyang gagawing masama sa akin dahil kaibigan niya ako, nagkamali ako. Ngayon ko lang napagtanto, nakamamatay ang maling akala.”
RaphaelaHaruno
Raphaela’s POV
“Siguro nga tanga ako dahil hindi ko napansin ang pagbabago niya. Masyado akong makasarili noon. Kung alam kong masaya ako, wala na akong pakialam sa mga tao sa paligid ko. Oo. Ganun ako noon,” sabi ko.
Tuwing naalala ko ang mga kaganapan noon, hindi maiwasan ng puso kong kumirot. Puro sakit at poot ang laman nito. Nagngingitngit ang ngipin ko sa inis. Naalala ko nanaman kasi kung paano ako naging tanga noon. “Siguro nga mali ang desisyon kong pagkatiwalaan siya. Akala ko wala siyang gagawing masama sa akin dahil kaibigan niya ako, nagkamali ako. Ngayon ko lang napagtanto, nakamamatay ang maling akala.”
“Oy guys!” bati ko kila Bianca. Simula nung ipinakilala ako sa kanila, naging malapit na rin ako sa kanila. Si Heart nga lang ang laging wala e. Kaya nandito ako ngayon, hinahanap ang best friend ko sa kanila
“Yo, Raphaela!” bati ni John na nakangiti. Si Casper naman ngumiti lang at binaling ang atensyon sa kaharap na laptop. Si Nico naman, abala sa pagsesermon sa kapatid na si Bianca.Samantalang si Samantha, nakatulala. Siya ang nilapitan ko.
“Samantha, nakita mo si Heart?” bungad ko sa kaniya. Biglang lumaki ang mata niya sa gulat kasabay ang paghawak niya sa puso niya. Napakunot ang noo ko sa inasal niya.Bigla siyang ngumiti nang mapansin niyang nakatingin ako sa kaniya.
“Alam mo iyong malapit na building dito sa paaralan? Nakita ko siya kaninang pumunta doon. May kasama siyang grupo ng lalaki,” nakangiting tugon niya.
“Ha? Nagkaroon siya ng boyfriend na hindi man lang sinasabi sa akin?” nakanguso kong sabi.
Medyo ngumiti lang si Samantha. “Raphalea, mag-ingat ka ah? Uuwi na ako.” Ginulo niya ang buhok ko saka nagpaalam sa iba naming kasama. Sila Bianca na rin pero tinanong muna nila kung sasabay ako. Umiling ako kasi hahanapin ko pa si Heart. Kaya ayon, nagsabay-sabay na sila.
Nang makalayo na sila, lumingon ako kasabay ang pagyakap sa akin ni... Heart?! Ang lungkot ng yakap niya. Hindi ko mawari ang emosyon niya
“Raphaela,” sabi niya, “mamayang gabi, pumunta ka sa abandonadong building diyan sa tabi ng paaralang ito. May kailangan akong sabihin sa’yo. Sana makapunta ka,” malamig na sabi niya.
Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Kumawala siya saka ako tinignan deretso sa mata. “Hihintayin kita.” Ngumiti siya saka tumalikod pero nasulyapan ko ang ngisi na pumorma sa labi niya.
Bakit? Bakit ko nararamdaman ito? Bakit ako kinakabahan kay Heart? Best friend ko siya. Sinabi ko na lang sa sarili ko na kaibigan ko siya at pinagkakatiwalaan ko siya. Pakiramdam ko may mangyayaring masama sa akin ngayon. At dahil pinagkakatiwalaan ko siya, gagawin ko ang sinabi niya.
Tinawag ko sila Bianca sa bahay para naman makasama ko sila kahit saglit na lang. Kaibigan ko rin sila at tinanggap nila ako. Pakiramdam ko kasi may masamang mangyayari. Agad naman silang sumang-ayon Dali dali akong naglakad papunta sa aming bahay. Nadaanan ko ang sinasabi ni Heart, nakakatakot ang itsura. Napagdesisyunan ko na, pupunta ako.Tumigil ako sa harap nito saka ko pinagmasdan. Huminga ako ng malalim at ibinulong, “Heart, kaibigan kita. Kaya maniniwala ako sa’yo kahit anong mangyari.”
Nadatnan ko ang aking kuya na nasa tapat ng telebisyon na nanunuod ng anime. Kauuwi din niya galing paaralan. Sinalubong ako ng mga katulong at kinuha ang bag ko. Hindi ata ako napansin ng aking kuya kaya ako tumabi sa kaniya saka ngumuso. “Nii-saaaaaaaan~” tawag ko sa kaniya kasabay ang pagtusok tusok ko sa pisngi niya. Doon lang siya tumingin sa akin saka siya ngumiti.
BINABASA MO ANG
The Emotionless Queen
Roman pour AdolescentsPain changes people. No matter how cruel, how heartbreaking, people change. But if there's someone out there who can change you, that someone should be kept. Can he change Raphaela? Is he her happiness? The person she has been waiting for so long? W...