Third Person's POV
"Asaan ang anak ko?!" bungad ng ina ni Raphaela sa ospital. Dumeretso agad sila sa ospital pagkababa nila sa eroplano.
"N-Nasa room 17 po ma'am." sabi nung nurse.
Ang mag-asawa ay dali daling pinuntahan ang nasabing silid. Pagkabukas nila ng pinto tumambad sakanila ang buong barkada ng anak. Kasama pati ang nakatatandang kuya niya.
"Mom... Dad..." nilapitan ni Xander ang mga magulang saka ito yinakap.
"W-What happened to her?" tanong nung ama ni Raphaela
Kinwento ni Xander ang buong pangyayari. "... pinapasabi niya pa po na mahal na mahal niya kayo. Ok lang daw po kahit sa konting pagkakataon naipadama niyo sakaniya ang pagmamahal na hinahangad niya." napaluha ang mga magulang ni Raphaela saka siya nilapitan.
"Anak. Mahal na mahal ka rin namin. Sana magising ka na anak." sambit nung ama niya habang hawak ang kamay nito.
"Dad. Machine nalang ang bumubuhay sakaniya." mahinang sabi ni Xander
"Maghintay pa tayo. Wag mo munang tatanggalin Xander." sabi naman nung ina niya.
"Sige po."
Biglang dumating si Heart. Sinugod siya agad ni Bianca.
"IKAW! IKAW ANG MAY KASALANAN NG LAHAT! ANONG GINAWA MO KAY RAPHAELA?! HA?! NAGING MABUTI SIYA SAYO! ANONG GINAWA MO?! PINAHIRAPAN MO SIYA!" sigaw niya habang sinusuntok si Heart. Hindi umilag si Heart. Tinanggap niya lahat ng suntok. Nakapikit lang siya. Napahiga na siya. Patuloy parin siyang sinusuntok ni Bianca. Ngayon lang nila nakitang ganito si Bianca. Kagulat-gulat
I deserve this. Ako talaga ang may kasalanan ng lahat. bulong ni Heart sa isip
"BIANCA!" pinigilan siya nina Nico at Casper. Hawak hawak nila ang magkabilang braso nito.
"ANONG GINAGAWA MO DITO?! PAPATAYIN MO RIN BA KAMI?! HA?! PUTANGINA MO! MAY GANA KA PANG MAGPAKITA SAMIN?!" sigaw muli ni Bianca
"Andito ako para humingi ng tawad." iniwas niya ang tingin niya saka pinunasan ang dugo sa labi niya
"Tingin mo may magagawa pa yang paghingi mo ng tawad?" malamig na sabi ni Xander
"Wala. Andito ako dahil gusto kong makita si Raphaela. Wag kayong mag-alala. Wala akong gagawing masama." malamig na sagot ni Heart
"Paano ka namin pagkakatiwalaan?" Avery
"Pag may ginawa akong masama... patayin niyo ako dito." malamig na sabi ni Heart
"Ikaw pala ang taong sumira sa buhay ng anak namin?" sabi nung ina ni Raphaela
BINABASA MO ANG
The Emotionless Queen
Fiksi RemajaPain changes people. No matter how cruel, how heartbreaking, people change. But if there's someone out there who can change you, that someone should be kept. Can he change Raphaela? Is he her happiness? The person she has been waiting for so long? W...