Chapter 11~ My Not So Boyish but Scary Friend

18.3K 292 5
                                    

"We only talk with our fists."

RaphaelaHaruno

Raphaela's POV

 "I already told you, have I not? I don't like him," mariin kong sabi sa kaniya habang naglalakad kami papuntang bahay namin.

"Nakow. Ms. Nightshade, kilala na kita. Pag ayaw mo talaga sa isang lalaki, gagawa ka ng paraan para lumayo siya sa'yo. Pero kahit ganiyan si Angelo sa'yo di mo siya magawang alisin sa buhay mo," sabi niya habang ngingisi-ngisi.

"Aish. Stop it, Zian. It's getting annoying," sabi ko saka umismid. Pero napaisip ako sa sinabi niya. Baka nga gusto ko siya pero ayaw ko pa ring maniwala. Imposibleng magkagusto ako sa lalaki. Imposible. Pero ngayon ko lang ito nararamdaman.

"Raphaela, you like him."

"No, I don't."

"Tsundere. Denial. That's you. You're starting to change, best bud. Is it because of your soon-to-be-boyfriend?"

"Aish! Hell no," sambit ko.

"You don't have to deny it dude. It's obvious," nakangisi niyang sabi.

"You're getting annoying, Zian." Napasimangot na ako sa sobrang inis.

 "You're not the Raphaela I know. Hindi ka dapat naaapektuhan. Ikaw nga ang 'The Emotionless Queen' sa Japan, hindi ba?"

"Stop it with that ridiculous nickname," sabi ko.

"Raphaela has a crush on Angelo," nakangising pangaasar niya sa akin. Napapikit na lang ako hindi niya pinansin. Biglang lumitaw ang mukha ni Gelo. Nakangiti. Naalala ko ang sinigaw niya kanina.

 "I LOVE YOU TOO, COLD HEARTED RAPRAP!"

Paulit ulit sa utak ko na parang sirang plaka. Tangna, kahit kailan talaga, hindi ko maiintindihan ang nararamdaman ko ngayon. Kahit pa anong gawin kong pag-intindi, wala pa rin. Aish. Biglang uminit yung magkabilang pisngi ko. Napahawak ako sa pisngi ko na hinalikan niya. Tofu. Dalawang beses na niyang nahalikan ang pisngi ko. Pero bakit hindi ako naiinis?

Teka. May napansin ulit ako kanina. Ang pagtingin ni Gelo kay Zian, parang magkakilala na sila. Anong meron? Saka, wala pang bakasyon si Zian. Bakit umuwi siya agad? Bakit ganito sila? Nagpapanggap na hindi magkakilala pero magkakilala naman sila? Ano ako? Tanga para hindi mapansin iyon? Tangna. Pakiramdam ko ang grupo na kinabibilangan ko at grupo ni Gelo magkakilala. Malamang kasi schoolmates sila pero itong instincts ko iba ang sinasabi. Magkakilala sila in a different way. Naalala ko na walang bugbugang nagaganap sa eskwelahan pero bakit nakakatakot ang aura 'roon. Parang isang mali lang dudumugin ka ng bugbog. May hindi ako nalalaman.

Napatingin ako kay Zia na tahimik nang naglalakad. Nagsawa na siguro sa pang-aasar sa akin. "Zian. Kailan ka pa nandito?" bigla kong tanong sa kaniya.

Lumipat sa top left ang tingin niya."Ha? Eh ano. Kahapon lang."

"Bakit ka nandito?"

Tumingin siya sa baba na siyang pinagtaka ko. "M-malamang dito kami sa Pilipinas nakatira!" nag-aalangan na sabi niya. Kinakabahan siya. Sabi ko nga, may hindi sila sinasabi sa akin. Napataas ang kilay ko.

"Diba nasa Japan na kayo? Andun si Mr. Yamanaka eh," sabi ko, "saka bakasyon niyo na ba ngayon? Ang alam ko matagal pa. Saka once in a while lang tayo nagkikit. tuwing umuuwi ako dito, nasa Japan ka."

Natahimik siya. Ang dami ko naman kasing tinanong. Magsasalita pa sana siya pero biglang linapitan kami ng tatlong lalaki.

 "Hi mga miss! Pwede makuha number niyo?" tanong nung isa. Pax u boy.

The Emotionless QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon