I don't care how strong my opponents are, bro. I don't even care how dirty they fight. It doesn't matter. So, what? If they are stronger than me, does it change the fact that I have to battle with them to get the title of leadership of our gang? If they fight dirty, then I guess I just have to clean it.
RaphaelaHaruno
Raphaela's POV
"And?"
Lumaki ang mga mata niya sa reaksyong ipinakita ko. Teka, may reaksyon nga ba ako?
"Di ako makapaniwalang hindi ka natatakot. Kahit paglaki ng mata mo, wala. Jusko, Raphaela." Binatukan niya ako ng mahina.
Napailing naman ako. "I don't care how strong my opponents are, bro. I don't even care how dirty they fight. It doesn't matter. So, what? If they are stronger than me, does it change the fact that I have to battle with them to get the title of leadership of our gang? If they fight dirty, then I guess I just have to clean it."
Napansin kong hindi siya nakaimik. Napangiti na lang ako. "What's their group called?"
"The Dirty Players," mahinang sagot niya.
"Halata naman pala sa pangalan ng grupo nila. Huwag kang mag-alala masyado. Parang di mo naman ako kilala," sabi ko na lang saka ginulo ang buhok niya. Nakita ko ang pagsilay ng ngiti sa labi niya. Typical Zian.
"Oo pala. Ikaw si Raphaela Haruno," sabi niya kasabay ang pagtawa ng mahina.
"Basta 'wag na lang kayong mangialam. Ayokong may mapahamak. This is my fight and my fight alone."
Sumandal ako sa puno na nasa likod namin. Narito kami sa likuran ng paaralan. Wala kasing masyadong tao dito kaya dito kami madalas pumupunta kapag may kailangang pag-usapan o kaya naman pag gusto kong matulog. Kung sa rooftop pa kami pupunta, malayo na. Nakakatamad masyado.
"Oo na." Tinaas niya ang dalawa niyang kamay tanda ng pagsuko. "Kahit kailan talaga, oo," rinig kong reklamo niya.
"Nga pala. Ito na ba ang pangalawa kong pagsubok? Hindi ba, sabi mo dati, lima ang kinakailangan kong harapin na pagsubok? Ibig sabihin, 'yang race na 'yan, pangalawa?"
Umiling siya. "Una pa lang 'yan," simpleng sagot niya.
Kumunot ang noo ko, tanda ng pagkagulo ng isip ko. "O? E ano 'yong kinalaban kong mga estudyante dito?"
"They just want to see if you are really fitted to be the leader of our gang," sagot niya ulit.
Ay putspa. Pakiramdam ko nagsayang ako ng oras at pagod para lang sa walang kwentang bagay.
"Oh," sambit ko.
"Okay, let's proceed with our discussion. You need to know about them," panimula niya, "una, The Dirty Players; kilala sila sa pagiging madaya tuwing sasabak sa laban; anim sila sa grupo; kilala sila sa prinsipyo nilang 'We'll do anything to win'; marami na ring naospital dahil sa kagaguhan nila; galing din sila sa maimpuwensyang pamilya—"
"Okay, now I know how dangerous they are. Next," pagputol ko sa sasabihin niya.
Tinignan niya ako ng masama. "Ba't hindi mo ako pinatapos?" Medyo halata sa boses niya ang pagkainis.
"Kasi wala akong balak kilalanin sila," simpleng sagot ko.
Inirapan niya ako."Pangalawa, The No Name. Kilala sila sa mahusay na paggamit ng espada. Malinis sila maglaro; hindi katulad ng nauna. Katana ang gamit nila..." tinignan niya muna ako ng matagal saka ngumisi. "...at alam kong mayro'n ka rin no'n. Ikaw pa, isa sa koleksyon mo 'yan e."
BINABASA MO ANG
The Emotionless Queen
Teen FictionPain changes people. No matter how cruel, how heartbreaking, people change. But if there's someone out there who can change you, that someone should be kept. Can he change Raphaela? Is he her happiness? The person she has been waiting for so long? W...