Chapter 4~ Loveless Kid

27.1K 508 6
                                    

"Then why don't they balance their time? Wala ba silang orasan? Ganun na ba kahalaga ang pera sakanila? I don't need their fuckin' money! I need their love!"

RaphaelaHaruno

Raphaela's POV

Andito kami ngayon sa room. Nakatingin ako sa labas ng bintana samantalang si Ayesha parang ewan.

Nakapagtataka lang. Bakit parang kilala nila Bianca si Ayesha? Napansin ko eh. Yung mga mata nila, halatang kilala nila siya. Tapos napansin ko rin yung mga tingin ng tao nung kami ang magkakasama nila Bianca. Nagtataka sila kung bakit ko sila kasama. May hindi sila sinasabi sa akin.

"What a boring day in a boring room," sambit ni Ayesha saka huminga ng malalim. Napatingin ako sakaniya. Seriously, kanina niya pa sinasabi yan. Nakakaewan na. =.=

Wala pa kasi yung teacher na magtuturo samin. Kaya maingay din ang classroom kasi nagkekwentuhan yung mga ibang estudyante. Yung mga lalaking nakasagutan ko kanina di na bumalik ngayong hapon. Tamad talaga sila. Mas tamad sakin.

"W-Wow, Raphaela! For how many years na wala kang kaibigan ngayon meron na! I'm so proud of you!" Naalala kong sabi ni Bianca. Bakit siya nautal? Ugh. Sana sabihin nila sa akin iyon. Pero hindi ko sila mamadaliin. Hahayaan ko na sila mismo ang magsabi sa akin. I trust them naman eh. Wow. Conyo.

"What a boring day in a boring room," sobrang tamlay na sabi ni Ayesha. Napalingon ako sakaniya. Ang ingay na nga ng ibang estudyante makikisabay pa yang paulit ulit na what a boring day na yan. =____= Wala na siguro yung teacher. At dahil boring dito sa room, aalis muna ako. Nakita ko may rooftop ang school na ito. Dun muna ako matulog. Tumayo ako saka nagsimulang maglakad pero napatigil agad at tinignan si Ayesha.

"Hey. You want to go to the rooftop?" pagaaya ko sakaniya. Tinignan niya ako saka pilit na ngumiti. "I'm not in the mood," matamlay niyang sagot.

"Let's go. Refreshing dun e. Pampawala ng stress," pilit ko sakaniya. Makulit ako. Pero minsan lang.

"Fine," sambit niya sabay tayo din. Sabay kaming naglakad papunta sa rooftop. Ang tahimik niya talaga. Kanina ang ingay ingay niya eh. Pagkarating namin sa rooftop... bumungad samin ang mainit na simoy ng hangin. Pumasok kami saka isinara ang pinto sa likod namin. Umupo kami sa sahig.

"Why are you not in the mood?" tanong ko sakaniya.

Tinignan niya ako. "I don't know," sagot niya. "I guess because he didn't notice me," bulong niya pero nagkunwari akong hindi ko narinig.

"Are you sure?" Tinignan niya ako saka tumango.

"Maybe you're missing someone."

"Who might be?"

Inalala ko yung nautal siya sa isang lalaki. Si kapangalan lang naman eh. Ngumisi ako. "Hmm. Is it Raphael?"

Namula siya at tumingin sa ibang direksyon. Boom! Sabi na e. Galing ko manghula. =__=

"N-no. W-why h-him? I-I don't e-even know him?" pinagpapawisang sabi niya.

Kinakabahan siya sa isang lalaki? Why? Oh well. Buhay niya yan. Wala akong karapatang manghimasok. Why would I ask her? I could care less.

Ngumisi ako. "Yeah? Then why'd you mention his name awhile ago if you don't know him?"

"U-uhm." Tagatak na ng pawis yung mukha niya. Nag-iisip ng palusot. Hah. Yeah right.

"Come on Chase. You don't have to deny it. It's written all over your face." Ngumisi ulit ako.

Napangiti siya. "Mas gumaganda ka pag ngumingiti ka. Pero sana hindi yung ngisi. Dapat yung natural na ngiti," sabi niya sakin.

The Emotionless QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon