“Ang astig ni RapRap! Kaya ko siya crush eh!”
AngeloNightshade
Raphaela’s POV
“Aish. Ba’t ang tagal ng oras?” sambit ko sa aking sarili pagkatapos sumulyap sa orasan. Tanging maririnig ko lang ay ang paghikab ng mga kaklase ko at ang boses ng guro na nagsasalita sa harapan. Limang minuto na lamang ang natitira subalit parang isang oras ka pa maghihintay bago matapos ang limang minuto. Ganito ka-boring magturo ang guro. Nakakawalang ganang makinig.
Biglang tumahol ang aso na siyang ikinagulat ko. Napatingin ako sa bag ko saka napapikit ng mariin. Napatingin sa akin ang mga kaklase ko, pati ang guro ay napatingin rin sa akin. Ramdam ko ang titig nila. “Why are you staring at me like that?” tanong ko sa kanila, malamig ang tono ng boses ko.
“Ms. Haruno, may dapat ka bang sabihin?” tanong ng guro sa akin. Minulat ko ang mata ko saka tumingin sa guro na nakatingin din sa akin. Tinuro ko ang sarili ko kasabay ang pagtaas ng dalawang kilay ko. Sino pa bang Haruno dito sa klaseng ito, Raphaela? Mag-isip ka nga! -_____-
Tinitigan niya ako saka tumango. Umiling ko saka iniwas ang tingin ko. Maki please? Wag ka na mag-iingay.
“Owkay,”sambit nung guro, “so I was saying----” Nagsimula ulit na magsalita ang guro sa harapan. Napahinga ako ng malalim. Muntik na iyon. Luminga linga ako sa paligid ko, tinitignan kung may makakapansin sa sa akin. Nang wala na, lahat na sila nakatingin sa guro, nakikinig. Kinuha ko ang aking bag saka bumulong, “Maki. Wala pa tayo sa labas ng room. Tahimik ka muna.”
Oo. Aaminin ko. Sinama ko siya, tutal wala siyang kasama sa bahay namin. Nagkasya siya sa bagpack ko, akalain niyo? Wala rin naman si kuya ko since nagtatrabaho siya sa ospital. Speaking of my bro, he’s kind of weird yesterday. Para siyang nagwagi sa isang laro o ano. Parang pwede namang maglaro sa ospital. -____- Baka naman mayroon nang nobya si kuya ko?! AISH! Masasapak ko iyon. Di man lang niya sabihin sa akin. Ano kayang nangyari kahapon? Ano kasi eh, na-excite akong sabihin sa kaniya yung tungkol sa aso. Minsan lang ako makapulot ng aso no. Always grab the opportunity, ika nga nila.
Pagkapasok ni kuya sa bahay, sinalubong ko sa mukha niy yung aso. Oo. Sa mukha mismo para damang dama.
“Nii-san! Look! Nakapulot ako ng aso! =u=”
Nakita ko ang ngiti sa labi niya saka inilayo ang aso sa mukha niya. “Saan galing?” tanong niya.
Inirapan ko siya. “Napulot nga, diba? Malamang sa tabi!” sarkastiko kong tugon.
“Alagaan mong mabuti yan, ah?” sabi niya saka ngumiti. Hinaplos niya yung ulo ng aso. “Anong pangalan?”
“Maki!” sagot ko.
Napangiti na lamang ulit si kuya. “Totoo nga ang sinabi nung kaibigan ko. Unti unti kang nagbabago,” sabi niya.
“Ha?” Tumingin ulit ako kay kuya. Nilalaro ko kasi si Maki eh. =u=v
“Wala. Kain na tayo ng pizza!” pag-iiba niya.
Lumaki ang mga mata ko. “PIZZA!”
“Trust me, Hime. Magbabago ka,” bulong niya.
Napapikit ako ng mariin. Posible pa ba akong magbago? I mean, kaya ko naman eh. Natatakot lang ako… natatakot na may mawala, may masaktan. Sinasabi ng iba, magbabago daw tayo kahit anong pigil natin, minsan pa daw hindi natin napapansin, pero ako? Di ako naniniwala. It is will against it. Kung ayaw kong magbago, hindi ko gagawin no matter what it takes. Kaya kong panindigan ang sinabi ko.
BINABASA MO ANG
The Emotionless Queen
Teen FictionPain changes people. No matter how cruel, how heartbreaking, people change. But if there's someone out there who can change you, that someone should be kept. Can he change Raphaela? Is he her happiness? The person she has been waiting for so long? W...