Chapter 14~ Exposing Her Painful Past

15.4K 253 10
                                    

“Sabi mo sanay ka nang masaktan. Hindi ko alam ang dapat kong sabihin para kahit papaano mabawasan yang lungkot na nararamdaman mo. Pero wala e. Kumpara sa akin, mas marami kang pinagdaanan. Kumpara sa akin, mas marami kang paghihirap. Sana itong pagyakap ko sa’yo, kahit papaano, nakatulong ako.”

AngeloNightshade

Raphaela’s POV

Sinugod niya ako, sinalubong ko siya. Nakita ko ang pagngisi niya. Nang napakurap ako, nawala siya sa harapan ko. Tangna. Ano ito? Vanishing Drive ni Kuroko? Tumigil ako para ramdamin kung nasaan siya. Nagulat ako nung nasa tabi ko na siya, nakaakbay na siya sa akin. Oo. Prenteng akbay lang. Hindi headlock.

“RapRap. Ang ganda mo,” sabi niya. Napangisi na lang ako saka siniko ang sikmura niya. Napabitaw siya sa akin kaya agad kong sinipa ang tuhod niya. Nang napaupo siya, lumuhod ako. Akmang susuntukin ko na siya kaso napigilan niya ang kamao ko. Hn. Kahit hinang hina na siya, nagawa niya pa ring depensahan ang sarili niya. I’m impressed. Pero nakalimutan niya ang isa kong kamay. Hinawakan ko ang kamay niya na nakahawak sa kabilang kamay ko saka siya sinipa. Tuluyan siyang napahiga. Naiinis na ako. Pakiramdam ko hindi niya sineseryoso ang laban. Tangna. Di porke babae ako, papaboran na niya ako. Inapakan ko ang sikmura niya kaya napangiwi siya sa sakit. “Tangna, Gelo. Hindi sa lahat ng pagkakataon ayos lang sa isang katulad ko ang ganun. Isa sa pinaka-ayaw ko ay ang ma-underestimate kaya pwede ba,” tinignan ko siya, “magseryoso ka.”

Nagbigla ang lahat nung bigla siyang tumawa. “Me? Underestimating you? You got it all wrong, RapRap. I’m just testing you.” Bigla niyang tinanggal ang paa ko sa tiyan niya saka tumayo. Pinagpag niya ang sarili niya. “I admit. You really are strong. I won’t go easy on you.” Susuntukin niya ako pero agad kong nadepensahan ang mukha ko saka sinipa ang taligiran niya. Subalit agad siyang nakaiwas sa pagsipa ko, which is annoying. May ibubuga pala itong brat na ito eh. Pagkatalikod ko nadun siya, nakangisi. Naghiyawan ang mga nanunuod. Bakit? Sobrang lapit kasi ng mukha niya sa mukha ko. To be precise, pinagtitripan niya ako.

“Anong kagaguhan ito, Gelo?” malamig kong tanong sa kaniya. Magsasalita sana siya subalit agad kong tinuhod ang sikmura niya. Hindi siya nakaiwas agad kaya natamaan ko siya. Hinawakan ko kaagad ang kwelyo niya para di siya bumagsak sa lupa, hindi para iligtas siya, kundi para suntukn siya sa mukha.

“WOAAAAAH!” hiyaw ng mga nanunuod kasabay ang pagbagsak niya sa lupa. Oks. Talo na siya.

“Anong pakiramdam ng matalo ng isang babaeng katulad ko, brat?” nakangising pang-aasar ko sa kaniya. Nakita kong napangiti siya saka iniangat ang kamay niya. Kinuha ko ito saka siya tinulungang tumayo. Medyo nanghihina pa siya pero alam kong kaya na niya yan. Aalalayan ko na lang siyang maglakad.

“Tapos na ang palabas.” Tumingin ako sa mga taong nanunuod, isang malamig na tingin. “Kilalanin niyo ang babanggain niyo sasusunod. Ako na ang bagong pinuno ng The Nobodies. Banggain niyo ako, masasaktan kayo.”

Iniakbay ko ang braso ni Gelo sa balikat ko. “May sasabihin lang ako sa ugok na ito. Mauna na kayo,” sabi ko kila Zian. Tumango sila bilang sagot.

“Pasensya ka na kung hindi ko sineryoso,” basag niya sa katahimikan, “ayaw ko lang namang masaktan ka. Saka isa pa, karapat-dapat ka talagang maging pinuno, tutal, naipakita mo sa akin kung gaano ka kalakas.”

Napangiti ako ng tipid. “Sanay na ako, Gelo. Sanay na sanay na akong masaktan,” bulong ko.

Narinig niya ata kasi hindi na siya umimik pa. Oo, Gelo. Hindi magiging kumpleto ang araw ko pag hindi ako nasasaktan.

Pumunta kami sa rooftop ng paaralan. Iniupo ko siya sa semento saka ako tumabi sa kaniya. Kinuha ko ang panyo ko sa bulsa saka ipinunas sa kaunting dugo sa gilid ng labi niya. Yinakap niya ako na siyang ikinagulat ko. “May problema ba, Gelo?”

The Emotionless QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon