Chapter 6~ The One Who Admires Her

25.8K 446 11
                                    

"Lagi na kitang sasamahan at poprotektahan. Pangako yan."

Angelo Nightshade

Rapheala's POV

Nakarating ako sa tapat ng bahay. Medyo malayu-layo din ang nilakad ko. =___= Napalinga linga ako sa paligid. Kanina pa to ah? Habang naglalakad ako ganito iniisip ko: Ba't ganun makatingin mga tao na nakakasalubong ko? Nakakatakot ba mukha ko? Sa ganda kong to? Hanggang ngayon madami paring nakatingin sakin. Ano kayang problema nila? I forgot. Wala pala akong pakialam sa iniisip nila.

Napatingin ako sa uniform ko. Pati yung sugat sa braso ko nasulyapan ko din. Now I know.  May blood stains kasi. Tapos yung nadaplisan kitang kita. Napunit pa yung kamay ng blouse ko. Akala siguro nila mamamatay tao ako. Tch. Di kasi nila alam na ang kinalaban ko yung bully sa school na akala mo kung sinong hari. Isang sapakan lang bagsak na yun eh. Tignan mo kanina... ni hindi pa ako sinugod nang sinugod katulad sa Japan hanggang maging duguan sila. Wala eh. Mahihina sila. =____=

Naramdaman kong may sumusunod sakin. HAH! Kala mo di kita napapansin? Tanga lang siguro ang hindi makakapansin sayo. Lumingon ulit ako. Sa totoo lang kanina pa ako lingon ng lingon. Ang galing magtago ng hinayupak na yun. =____=

Inilabas ko yung kutsilyo na kinuha ko kanina sa mga bully kanina saka pumasok sa loob ng bahay. Walang bodyguard at mga maids dito. Pinaalis ko silang lahat bago pa ako makapunta sa Japan. Yea. Meron. NOON... pero ngayon wala na. Sa sobrang trauma ko noon, takot na akong magtiwala. To the point na pati mga katulong dito sa bahay pinaalis ko. Kinuha ko yung duplicate key ko sa bag at pumasok na.

"So, dito ka pala nakatira." Nagulat ako saka agad kong hinagis sa kaniya ang hawak ko na kutsilyo.

"Woah!" Agad siyang nakailag. Magaling din to ah? Napangisi nalang ako.

Tumama yung kutsilyo dun sa puno na nasa likod niya. Tinitigan kong mabuti yung hinayupak na yun. =_________= Gago rin pala siya eh. Siya yung Angelo ba yun? Oo siya nga. Sinundan ba naman kasi ako?

"Oh. Gelo. It's you," walang emosyon kong sabi.

Tinignan niya ako. "Yan pa sasabihin mo?! Muntik mo akong pinatay!" sabi niya saka lumaki ang singkit niyang mga mata. Kung hindi ako nagbago tatawanan ko siya eh.

"Kanina ko pa napapansin na may sumusunod sakin. Akala ko kung sino. Ikaw lang pala. Kaya wag kang mag hysterical diyan. =____=" sabi ko naman. Naglakad siya papalapit sakin. Kumabog nanaman ng malakas itong puso ko. Shit. Anong nangyayari? Wala naman akong highblood ah? Paxshet. Nilagpasan niya ako na siyang ikinagulat ko.

"Tss." Pumasok siya sa loob ng bahay saka umupo sa sofa. Ginala niya ang tingin niya. "Ganda ng bahay niyo ah. Cool," sabi niya habang iginagala ang tingin niya.

Aba't-- Mouuu! He's so annoying! Basta nalang pumasok dito na bahay namin ni hindi ko pa siya pinapapasok?! Ang kapal ng mukha nito ah.

"Pinapapasok na ba kita?" malamig kong tanong sakaniya saka pumasok na din sa loob ng bahay. Tignan niyo? Mas nauna pang pumasok kesa sa may-ari ng bahay. =____=

"Dun rin naman pupunta yun," nakangiti niyang sabi saka nagpeace sign.

Huminga ako ng malalim para kontrolin ang inis na nararamdaman ko. I should keep my cool. Relax ka lang Raphaela. Sa totoo lang ngayon ko lang naramdaman ito. =___=

"Such impolite brat." Yan na lang ang nasabi ko. Tss.

"Hehehe, Sorry." Napahawak siya sa batok niya. Umupo ako sa sofa. Sa dulo. So, nasa magkabilang dulo kami. Di ko siya pinapansin. Nagcross arms ako.

"Oi. Wala akong nakakahawang sakit. Ba't ang layo mo sakin?" tanong niya sakin.

"Pake mo? Umalis ka na nga dito. Inaantok ako," sambit ko.

The Emotionless QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon