Chapter 31~ First Laugh

11K 192 6
                                    

Raphaela's POV

"Sana magustuhan mo ang surpresa ko para sayo."

Tinakpan niya ang mga mata ko gamit ang kamay niya.

"O-Oi Gelo. Ano gagawin mo?" kinakabahan ako. Promise.

"Don't worry. Ako bahala sayo." bulong niya sakin

Kumalma ako sa sinabi niya. "Sige." sabi ko nalang saka ko hinawakan ang kamay niya na nakatakip sa mata ko.

"Chansing na yan RapRap!" natatawang sabi niya

Napangiti ako. Hawak lang naman sa kamay chansing agad? "Lul." sabi ko

Naglakad kami ng dahan dahan. I have no idea where we're heading.

"Tatanggalin ko na. Pikit ka lang ah?" sabi niya. Tumango ako.

Tinanggal na niya ang kamay niya pero nakapikit parin ako.

May iba pa kayang tao dito? Nakakacurious. Gusto ko nang imulat ang mga mata ko.

"RapRap. Mulat mo na." naka-microphone na siya ah?

Unti unti kong binuksan ang mga mata ko. Pero pagkamulat ko, walang katao tao. Andito ako sa loob ng kubo.

Napatingin ako sa baba. Madaming petals. Sinundan ko ito. Nakakatuwa naman. Tagutaguan ba to? =u=

"Brat. Saan ka?" sigaw ko

Walang sumasagot. Sinundan ko lang ang mga petals. Palinga linga ako sa paligid. Malay mo may tao. =u=

Nakalabas na ako sa kubo. Tumingin ako sa harap. Ang daming ducks. Nakakamangha. *.*

Pinagpatuloy ko ang paglalakad. Pero tumigil ako dun sa mga may ducks.

"Ang cute niyo naman." napangiti ako saka ginaya ang paglakad nila.

Nakakatuwa mga ito. :3

Tumigil ako sa panghahabol sakanila saka sinundan ulit ang mga petals. "BYE DUCKS!"

"Quack quack quack."

:3 Cuuuute.

Labag man sa kalooban ko, iniwan ko na sila doon.

"Nakakainip naman to. Gaano ba kahaba itong petals na to?" I murmured

Nakanguso na ako habang naglalakad. Madami akong nadaanan na hayop. Cute nga nila eh. I'm taking their pictures. Buti dala ko phone ko. Pampawala ng kabadtripan to. =___=

Napaangat ako ng ulo saka napatingin sa gilid. Ang daming puno. Forest na forest yung dating. Pinicture-an ko ito. Ang cool. =u= Puntahan ko kaya?

Hahakbang na sana ako paalis kaso di ko na tinuloy. Sayang ang oras. Next time nalang.

Tumigil ako nang makita ko na wala nang petals. Layo din ng linakad ko ah. Hapon na eh. Tsk. Bilis ng oras. =.=

Nakatayo lang ako dun. Napalinga ako sa paligid. Ang ganda dito. Grassy siya saka may malaking puno sa tabi ko. Ang daming puno sa paligid. Napapikit ako saka napaupo.

"Geloooo. Saan ka na? Ang layo ng linakad ko tapos wala ka naman!" nagmamaktol na sabi ko

As if naman na maririnig niya ako. =.= May nakita akong papel na nakadikit sa puno. Linapitan ko ito

RapRap. Magliwaliw ka muna. Mamayang 6pm bumalik ka agad dito. Pinagod lang kita. :D

~Angelo

=_________________=

Punta na nga lang ako sa forest! Napatingin ako sa relo. 5pm palang. Isang oras pa. Wag nalang pala. Pahinga nalang ako.

The Emotionless QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon