(Special Chapter) Chapter 34~ Let Go And Move On

9.7K 172 4
                                    

This chapter has nothing to do with the story. Trip ko lang ayusin ang lovelife ni Raphael. Hahaha :D Enjoy.

Third Person's POV

"T-Teka. Narinig niyo?" parang tanga na tanong ni Casper

"Yeap. Ni-record ko pa." Angelo flipped his phone.

"Di na ata yan makatarungan tol! I-delete mo yan!" nagbabanta na sabi ni Nico

Ngumisi si Angelo sabay bulsa sa phone niya. "Make me."

Hinabol nila si Angelo. Tawa pa nga ng tawa si Angelo kasi para silang tanga. Naiwan si Raphael, Alex at John sa living room na umiiling.

Tinignan ni Raphaela ang kapangalan "Oi Kapangalan. I need to talk to you. PRIVATELY."

Tumayo si Raphaela saka dumeretso sa backyard ng bahay nila Alex sumunod naman si Raphael. Umupo sila sa baba ng puno.

"So what do you want to talk about?" paninimula ni Raphael

"You still love her, don't you?" walang hesitasyong sabi ni Raphaela

Nagulat si Raphael. Sinabi na ni Angelo sakanila na talagang straightforward magsalita si Raphaela. Pero di niya inaasahan na ganito. Oo kilala niya si Raphaela since bestfriend siya ni Samantha pero madalang niya lang nakakausap.

"I-I don't know." tanging sagot ng binata

Tumingin si Raphaela sakaniya. Napakaseryoso ng tingin niya. "Didn't she told you to move on? Sinabi niya sayo noon yan diba? Ayaw niyang nakikita kang ganiyan. Buksan mo naman ang puso mo para sa iba." walang emosyong sabi ni Raphaela

Medyo nainis si Raphael. Sino siya para diktahan ako?  bulong niya sa isip"Di mo alam ang nararamdaman ko Raphaela." bulong niya sabay iwas ng tingin

"Umikot na ang mundo mo sakaniya. Alam mo kung bakit ayaw mong buksan ang puso mo sa iba? Because you refused to let go of the past."

Halatang pinipigilan ni Raphael ang kaniyang sarili "Wala kang alam. Di ganun kadali yun Raphaela." kalmado niyang sabi

"Di mo ba pansin na may nagmamahal sayo? Kaso di mo makita eh kasi... pinagtutuunan mo ng atensyon ang taong matagal ng wala."

Di na napigilan ni Raphael ang sarili. Napatayo siya at kinwelyuhan si Raphaela "KAHIT KAILAN RAPHAELA DI MO AKO MAIINTINDIHAN! TINGIN MO GANUN LANG KADALING KALIMUTAN ANG TAONG MINAHAL MO NG SOBRA?! TINGIN MO MADALI LANG GAWIN YANG SINASABI MO?! WALA KANG ALAM SA NARARAMDAMAN KO! PUTANGINA! KAYA WAG MO AKONG SABIHAN NG GANYAN KASI DI MO AKO KILALA AT WALA KA TALAGANG ALAM! WAG MO AKONG DIKTAHAN! BUHAY KO ITO!" sigaw niya kasabay ng pagtulo ng luha niya

Tinignan lang siya ni Raphaela. Walang emosyon ang mukha niya. Ni hindi manlang natinag sa ginawa ni Raphael sakaniya.

The Emotionless QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon