Chapter 20~ Sweet Little Brat

13.8K 223 5
                                    

"Kahit anong pagpapantasya mo diyan, mas lamang ako sa kaniya. Kasi ako, totoong tao. Siya, imahinasyon lamang. Ako ang ikakasal sa'yo balang araw at akin ka lang. Naiintindihan mo ako?"

AngeloNightshade

Raphaela's POV

Biyernes. Buong linggo akong pumasok para maupo ng limang oras at makinig sa guro. Ewan ko. Gusto ko nang magbago. Mahirap na. Nangako ako sa sarili ko na gagawin ko ang lahat, maipakita lang na kaya kong abutin ang mga hangarin nila sa akin. Ipapakita ko sa kanila na ibang klase si Raphaela Haruno. Ayokong namamaliit ako, lalo na ang pagkatao ko. Ayos lang kung ibang tao, kailan man hindi ko papansinin iyon. Pero, kapag galing sa aking mga magulang, hindi ko papalampasin iyon. Ipapakita ko sa kanila.

Patuloy lang na nagsasalita ang guro sa harap. Lahat kami, nakatutok. Bigla kong naalala ang nangyari kahapon. Shangina. Masabihan ba naman akong tanga?! Bwisit sila.

"Are you ready for the challenge, Ms. Haruno?"

Narinig ko ang pangalan ko kaya napalingon ako. "Huh?"

Kumunot ang noo ko kasi hindi ko sila kilala. "Sino kayo?"

Tumaas ang kilay no'ng nasa gitna. "Tanga ka ba? Isas kami sa mga makakalaban mo, Ms. Haruno."

Kinuyom ko ang kamao ko. "Sinong tanga?!" Naalala ko na. May sinabi sa akin si Zian nab aka daw may manghamon sa akin. Race daw. Shanginang kagaguhan.

"Tol, hindi ata tama na tawagin mong tanga itong babaeng ito. Kahit pa isa ka sa kilalang gang dito, respetuhin mo siya. Siya pa rin ang pinuno ng The Nobodies." Ipinatong niya ang palad niya sa balikat ko saka ako hinatak patalikod. Nasa likod na niya ako kaya nagtalaka ako.

"Kaya kong protektahan sarili ko, Gelo." Seryoso kong tinignan ang pinuno nila. "Sa Biyernes. 6 ng gabi. Race, hindi ba? Malamang, kotse ang gagamitin. Ayos na ba? Kaya, pwede umalis na kayo? Gusto kong kumain."

Magsasalita pa sana siya kaso inunahan ko siya. "May klase ako buong linggo. Ayokong makisabay itong mga pagsubok na ibibigay niyo sa akin." Hinila ko ang braso ni Gelo saka sila iniwan do'n. Nagugutom na ako. Nabugbog pa man din ako. -___-

Bago ako umalis sa Japan, may sinabi ako. Ano ulit iyon? I will make them proud and make them acknowledge my existence? Basta 'yon. Noon, hindi naman ako ganito e. Hindi ako naging tamad sa klase. Napahinga ako ng malalim. Somehow, I miss the old me. I wonder why I'm not the way I used to be.Pain changed me. Have I gone worse than before?

Ah. Sila Ciara nga pala. Huwag kayong mag-alala, kaibigan ko na rin sila. Siyempre, nakuha na nila ang tiwala ko. Ang bilis ba? Ewan ko. There's something odd about them and I want to find that out. Bumalik ako sa realidad nang tawagin ako ng guro. Napatingin ako sa kaniya. "Ms. Haruno, are you listening?"

Bakit laging natatawag atensyon ko dito? Nananahimik naman na ako a. Shangina.

"No," sagot ko, "go on. I'm not bothering anyone, am I?" seryoso ko siyang tinignan. Namula ang mukha niya sa hiya saka pinagpatuloy ang pagsasalita sa harap. Pasensya, hindi ko ugali rumespeto pag wala ako s mood.

Bigla na ring tumunog ang bell, ibig sabihin, break na. Agad akong tumayo saka nag-inat. Nakakapagod umupo. Napalingon ako sa kinaroroonan ni Gelo; natutulog pa lang siya. Napangisi naman ako. "That little brat," bulong ko.

"Hoy Angelo," tawag sa kaniya ni Raphael.

"Kailan mo balak tumayo diyan, brad?" tanong naman ni Alex saka pinitik ang pisngi ng kaibigan. Wala. Tulog pa rin siya.

"Hindi ba yan nakatulog kagabi? Ningana." Napakamot naman ng ulo si Avery.

"Ganito lang yan mga 'tol." Tumabi si Kenneth kay Gelo saka bumulong ng malakas... ba 'yon?

"HOY! TANGHALI NA!"

Napatayo naman si Gelo sa gulat. "A-Anong problema?!"

Pfft. That troubled face, though. Hilarious. Nakakatuwa silang panuorin. Ang astig ng barkada niya. Simple lang at halatang totoo sa isa't isa.

Binatukan naman ni Raphael si Gelo. "Tama na yan. Pasalamat ka hindi ka namin iniwang tulog dito. Kain na tayo," sabi niya.

Napanguso si Gelo. "Babawi rin ako!"

Parang bata. Ang cute cute talaga nila.

Nagulat ako ang may pumitik sa pisngi ko. "Tara na, Raphaela. Naghihintay sila Bianca."

"Oo na." Lumabas na kami ni Ayesha sa silid. Hinihintay ata talaga kami kasi sinalubong ako ng yakap ni Bianca.

"Waah~ Andito ka na. Teka, asaan si labidas mo?" Kinurot niya pisngi ko.

"Labidabs? Tch. Corny." Inirapan ko siya. "You are referring to?"

"Angelo Nightshade." Woah. Kailangan sabay sabay kayo?

"Tss. We're not a couple," sabi ko sa kanila nang hindi nakatingin. Ang awkward. Bakit ang awkward? "Besides, Naruto is way better than him."

Lumaki  ng kaunti ang mga mata ko nang may naramdaman akong umakbay sa akin. "Dude, I'm way cooler than him. He's fictional, anyway." Gelo.

Aray. Reality sucks, dude.

"Tss. Shut up." Tinanggal ko ang kamay na nakaakbay sa akin.

"Saka isa pa, kahit anong pagpapantasya mo diyan, mas lamang ako sa kaniya. Kasi ako, totoong tao. Siya, imahinasyon lamang. Ako ang ikakasal sa'yo balang araw at..." Tinignan niya ako deretso sa mga mata ko. "...akin ka lang. Naiintindihan mo ako?"

Hn. Siya 'yong tipo ng tao na akala mo walang sineseryoso pero nagseseryoso pala. Nakakatuwa.

T-Teka. Ano ulit 'yong sinabi niya? O fuck.

Napuno ng tuksuhan sa kinaroroonan namin. Shangina. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Siguro lahat na ng dugo ko, umakyat sa mukha ko. Hindi ako makahinga. Shangina talaga.

"Ano ba yan, Angelo! Naalimpungatan ka lang, kung anu-ano nang sinasabi mo!" Binatukan ulit ni Raphael si Angelo. Ningana. Kanina niya pa binabatukan si Gelo a. Mabawasan brain cells niya e.

"Tara na nga sa canteen!" Hinawakan niya ang kamay ko saka ako hinila sa tabi niya. Hindi ko alam kung ano ang dapat na reaksyon ko. Bigla niyang nilapit ang mukha niya sa tainga ko saka bumulong, "Akin ka lang, at sa'yo ako. Naiintindihan mo?" bulong niya.

"Lul. Lumayo ka nga sa akin!" Iniwas ko ang tingin ko sa kaniya. Nakakahiya pinagsasabi niya. Buti nakakayanan niyang sabihin sa akin 'yon?

Tumawa siya ng mahina. "You're so cute, RapRap. Especially when you blush... because of me." Ngumiti siya ng mapang-asar.

Tinulak ko siya palayo. "L-Lumayo ka nga sa akin! Hindi ako makahinga pag kasama kita, kaya pwede, lumayo ka?!" singhal ko sa kaniya.

Natigil sa paglakad ang mga kabarkada ko saka lumingon sa akin. Tumakbo naman palapit si Bianca sa akin saka ako yinakap. "Unti unti ka nang bumabalik sa dati, Raphaela. Ang saya ko," sabi niya; bakas ang kasiyahan sa tono ng boses niya.

Nilapitan din ako nila Nico. Hala. Problema nila? "Ang drama niyo," sambit ko.

"Oo nga! Tara na nga kasi sa canteen! Dami pang drama!" maktol ni Gelo.

Bipolar ka talaga.

Agad naman kaming kumawala saka dumeretso sa canteen. Habang umo-order 'yong iba, tinignan ako ni Zian ng taimtim. "What?" tanong ko sa kaniya.

"Kailangan nating mag-usap," tugon niya, "pagkatapos kumain."

"Oks."

The Emotionless QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon