Chapter 22~ The Dirty Players

11.1K 209 1
                                    

"Akala ko nalimutan ko na... pero heto, nagbabalik ang lahat."

RaphaelaHaruno

Raphaela's POV

"Are you ready to lose?" tanong sa akin no'ng pinuno nila.

"Like hell I will," sagot ko naman.

Tinapik naman ako ni Zian na nasa tabi ko lang. "Good luck."

"Yeah, thanks."

Dumeretso naman ang mga barkada ko sa gilid. Teka, lumalayo ba sila sa akin?

Magsisimula na ba kami?

"Hn." Napalingon ako sa kinaroroonan ng pinuno nila. Nakangisi siya habang tinitignan niya ako.

Anong problema ng isang 'to?

Oo nga pala. Madumi sila maglaro. Gusto niya akong takutin sa ngiti niya, Pero, pasensya. Hindi mo ako matitinag.

"You know, I know how nasty you play your game just to win. You might as well, kill me with your cruel ideas. But, it doesn't matter. I'll play with you without fretting; I'll play with you without shivering with fear. I won't let you win."

Tumalikod na ako pero sa hindi inaasahang pagkakataon, hinigit niya ang braso ko pabalik at pagkamulat ko ng mata ko, magkatapat na ang mukha naming dalawa. "How 'bout I make you surrender right here... right now?" Naramdaman ko ang hininga niya sa pisngi ko. Naamoy ko pa nga e. Amoy pizza.

Nainggit ako bigla.

Sinuntok ko ang sikmura niya; napaupo siya sa harap ko kasabay ang paghiyaw niya sa sakit. Napasulyap ako sa kinaroroonan nila Gelo saka binalik ang tingin sa kaniya. "Don't lay your filthy hand unto my skin. Baka hindi pa nagsisimula ang laban..." Tinalikuran kong muli siya; iniwang nakaupo, namimilipit sa sakit. "...patay ka na."

Naglakad ako papunta sa sasakyan at sumakay dito. Ipinwesto ko ito sa starting line saka lumabas at sumandal sa pintuan ng driver's seat; hawak ang helmet na gagamitin ko.

"What's the rule?" tanong ko habang ginala ang tingin ko. Hinahanap ko 'yong announcer. At ayun, nasa gilid din, malapit kila Gelo.

Medyo kumunot ang noo ko kasi tumahimik sila at nakatitig sa akin. "Ano'ng problema?"

Umubo 'yong announcer saka nagsalita. "Line up, players. We're not following any rules here. It's just that you drive all the way to the finish line, and that's that."

"Saan ang finish line?" tanong ko uli.

"Nightshade High." Tumingin siya sa orasan niya. "Siguro mga labinlimang minuto mula dito." Tumingin muli siya sa amin. "So, let's start?"

Habang pasakay kaming mga manlalaro sa sasakyan, may pahabol pa siyang sinabi. "There's no rule to follow here... so I guess, cheating is allowed." Hindi ko siya tinignan ngunit alam kong nakangisi siya.

Jerk.

Sinimulan ko nang paandarin ang sasakyan saka isinuot ang helmet. Inayos ko ang rear view mirror saka deretso ang tingin sa daan. Medyo malayu-layo ang Nightshade High dito. Tatagal ang paghihirap ko.

Napasulyap ako sa building. Biglang nagpakita lahat ng imahe sa utak ko; lahat ng sakit naramdaman ko. Ibang klase. Akala ko nalimutan ko na... pero heto, nagbabalik ang lahat.

Halu-halong emosyon ang naramdaman ko. Pero ang sobrang nanaig ngayon ay ang pagkawala ng tiwala sa sarili ko. Mahina kasi ako; wala akong nagawa; wala akong napansing pagbabago; wala akong nakita kung hindi ang sarili ko lang; wala akong inintindi kung hindi ang sarili kong kaligayahan.

The Emotionless QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon