“Sana noon pa lang, napansin ko na ang pagbabago niya. Sana noon pa lang, minulat ko na ang mga mata ko. Dahil, masakit para sa akin ang matraydor ng taong kinilala kong kaibigan.”
RaphaelaHaruno
Raphaela’s POV
Palitan ng suntok. Palitan ng sipa. Ngunit laging nededepensahan. Hindi ko inaalis ang titig ko sa mga mata niya, gano’n din siya. Turo niya sa akin ito; ang tignan ang mata ng kalaban. Dahil hindi ka maiistorbo. Kung sa kamay at paa ka titingin, hindi mo alam kung saan ang susunod niyang atake. Kung maramihan, makiramdam ka. Pero kailangan ng pag-eensayo. Nung una, mahirap itong gawin. Pero sinanay ako ni Heart. Sa hindi malamang dahilan, naalala ko ang nangyari noon:
“Shit,” sambit ko kasabay nang pagkasubsob ko sa lupa.
“O c’mon, Raphaela. Magseryoso ka naman! Paulit ulit na itong ginagawa natin, wala pa ring nagbabago?” reklamo niya sa akin.
Dahan dahan akong tumayo saka ko pinunasan ang dugo sa gilid ng labi ko. “Pasensya na, Heart. Ituloy na natin,” bulong ko. Pero, bago pa ako makatayo, natumba ulit ako. Nanghina kasi ‘yong tuhod ko. Nakakainis. Sinubukan kong muli ngunit matutumba ako ulit. Buti na lamang, nasalo ako ni Heart. Inalalayan niya ako hanggang sa makaupo kami sa baba ng puno. Sinandal ko ang likod ko sa puno na aming kinalalagyan.
“Kung hindi mo na talaga kaya, magpahinga ka muna. Marami pang oras, Raphaela.” Nginitian niya ako saka binigyan ako ng tubig. Tinanggap ko naman ito saka nagpasalamat. Nandito kami ngayon sa likod ng paaralan. Maganda kasi dito tumambay, lalo na kung bakante ang oras namin.
Napakatahimik dito. Nakakakalma ng utak. Pinikit ko ang mga mata ko para pakiramdaman ang paligid. Naramdaman kong humaplos sa pisngi ko ang simoy ng hangin; tila may binubulong. Narinig ko din ang huni ng mga ibon. Sana ganito na lang lagi, tahimik. Mapayapa. Walang ingay. Walang nanggugulo.
“Raphaela.”
Sana lagi na lang ganito.
Nagitla ang pagmumuni ko nang may umakbay sa akin. Sa gulat ko, napalo ko ang kamay niya.
“ARAY!”
Doon lang ako tuluyang nagising. Lumaki ang mga mata ko saka ko tinignan si Heart. “Sorry, Heart.”
Nakita ko lang na ngumiti siya saka tinaas ang kamao niya. Agad akong lumayo sa kaniya, sumunod siya. “Nice one, Raphaela! You’re getting the hang of it!”
Naharangan ko gamit ng dalawa kong braso ang suntok niya. Agad akong umikot papuntang kanan nang nakita kong itinaas niya ang kaliwa niyang paa. Gano’n lang nang gano’n ang nangyari. Ngunit, nang makabwelo ako, agad kong nasipa ang tagiliran niya. Hindi ko iyon sinasadya.
Napaupo siya. Namilipit sa sakit. Natauhan ako nang makita ko siyang nakaupo sa lupa. Nilapitan ko siya. “Sorry, Heart. Nadala ako.” Tinulungan ko siyang tumayo at sa hindi sinasadyang pagkakataon, napatingin ako sa mga mata niya. Hindi ko mabasa. May gusting ipahiwatig. Tila naiinis. Pero, agad napalitan ng ngiti ang kaninang ismid.
“Nice one, Raphaela.” Ngumiti na lang ako at hindi na pinansin ang kaninang naging ekspresyon niya.
Sana noon pa lang, napansin ko na ang pagbabago niya. Sana noon pa lang, minulat ko na ang mga mata ko. Dahil, masakit para sa akin ang matraydor ng taong kinilala kong kaibigan. Ang sakit, sobra. Pero, ininda ko lahat ng iyon. Pinilit kong hindi ipakita upang maipakita na walang epekto sa akin iyon. Mahirap, sobra. Napakahirap. Parang ‘yong pakiramdam na pinipilit mong hindi maapektuhan pero ang totoo gusto mo nang umiyak.’yong pakiramdam na kahit anong gawin mong pangloloko sa iba, hindi mo magawang lokohin ang sarili mo.
BINABASA MO ANG
The Emotionless Queen
Teen FictionPain changes people. No matter how cruel, how heartbreaking, people change. But if there's someone out there who can change you, that someone should be kept. Can he change Raphaela? Is he her happiness? The person she has been waiting for so long? W...