Chapter 40~ Sacrifice

8.3K 167 7
                                    

Third Person's POV

"Check." sabi ni Zoe habang naglalaro mag-isa ng chess. Napangisi siya. Di niya akalain na ganito kabilis ang pangyayari.

"Everything is as planned. I can't wait for the climax of this game. Queen... get ready to sacrifice yourself for the King."

Raphaela's POV

Nagising ako pero di ko minumulat ang mga mata ko. Naramdaman ko na nakatali ang mga kamay at binti ko. Pakshet. Anong nangyayari?

Wag ka nang magmaangan pa Raphaela. Alam mo ang nangyayari. Alam na alam mo. Silang tatlo. Kasabwat nila siya.

Unti unti kong minulat ang mga mata ko saka nilibot ang tingin ko. Pamilyar ang lugar na ito. Naalala ko ang panaginip ko. Kaparehas na kwarto. Sino kaya yung babae sa panaginip ko?

"You're awake." napatingin ako sa harap. Nandito silang tatlo. Kasama siya.

Di ko na alam ang dapat sabihin. Sobra akong nasaktan "I-I can't- I-I won't- I-" Di ko lubos akalain na magagawa nila ito. They ruined my trust. I think I'm going to yelp. I'm so full of this!

Andito ako ngayon sa isang kwarto na di ko alam kung saan. Malaki siya, katulad ng isang classroom. Katulad ng nasa panaginip ko noon. Nakagapos ang aking mga kamay at paa. Nasa harap ko ngayon siya. Ang taong traydor.

Pumatak ang luha ko sa sahig. Napapikit ako sa sakit. Di ko akalain na mangyayari ito ULIT. Sobrang nakakapanghina ng loob.

"We're so sorry Raphaela. This is the only way. P-papatayin kasi niya ang pamilya namin pag di namin siya sinunod." naiiyak na sambit ni Red.

Napatigil ako. Para sa... Pamilya? Napatitig ako kila Red. Naiiyak na sila. Alam kong di nila ito gustong mangyari. They're just following HER rules.

"We're so so sorry Raphaela." naiiyak na bulong ni Yellow.

Gumaan ang loob ko. Hindi nila ako tinraydor. Sadyang mahal lang nila ang pamilya nila kaya nila nagawa ito.

I mouthed 'it's ok' without her noticing it.

Kinagat ko ang labi ko hanggang sa dumugo ito. Di ko alam ang gagawin ko. Ba't pa siya bumalik? Di pa ba sapat ang ginawa niya sakin noon? Ano bang gusto niyang mangyari?

"Shut up. There's no need to explain." sabi niya.

"Heart. N-Nande?" naiiyak na bulong ko. Bakit kung kailan masaya na ako, saka siya nagbalik para sirain ulit ang buhay ko. NAKAKAIYAK..

Oo. Siya si Angela Heart Luis. Ang taong pinagkatiwalaan ko ng sobra noon. Ang taong muntik akong pinatay. Ang taong sumira sa katauhan ko. Nagbabalik muli siya.

Tumawa siya, malademonyong tawa. Hinaplos niya ang aking pisngi saka ito kinalmot. Napikit ako. Pinilit kong huwag mag-react.

The Emotionless QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon