Fight XIII

15.8K 541 5
                                    

REN POV

Inaya ako ngayon ni Cyrax sa bahay nila. Syempre sinundo nya ako, prinsesa nya ako. Hihihi kinikilig ako.

" Reeennnn! " masayang bati na naman ni Ate Trixie sa akin sabay yakap ng mahigpit.

" Hey don't hug him too much " hiwalay sa akin ni Cyrax kay Ate.

" Ang damot mo naman. Akala mo naman pagmamay-ari mo na sya. Excuse me boyfriend ka lang nya, hindi asawa " nakasimangot na sabi ni Ate Trixie.

" Tsk. Umalis ka na nga lang. Pumunta ka na sa trabaho mo " walang galang na sabi ni Cyrax kaya kinurot ko sya sa tagiliran at sinamaan sya ng tingin.

" Pasensya ka na sa kanya Ate. Ingat na lang po kayo sa pagpunta ng trabaho nyo " nakangiti kong sabi.

" Thank you Ren. Wag kang papayag na maging asawa mo 'yan. Naku kawawa ka dyan "

" ATEEE!!! " sigaw ni Cyrax kaya tumakbo ang ate nya papalabas ng bahay.

Dumiretso naman kami sa kwarto nya. Humiga ako kaagad sa kama nya kasi ang lambot-lambot at ang laki-laki pa. Kung ganto lang ang kwarto ko, di na ako lalabas ng bahay.

" Ren, may gusto ka bang kainin bukod sa akin " napataas naman ang kilay ko sa sinabi nya. Umupo naman ako at inaya ko syang umupo sa tabi ko.

" Hubby, pwede bang gumalang ka ng kaunti sa mas nakakatanda sa'yo " agad kong sabi.

" Eh kasi naman kung tratuhin mo sila parang di mo kamag-anak " saad ko pa.

" Eh sa ganto na talaga ako. Hindi ko na mababago ang sarili ko "

" Hindi ko naman po sinasabi na baguhin mo ang sarili mo po. Ang para sa akin lang po sana wag mo na lang po silang sisigawan or kahit po paggamit lang ng po or opo. As simple as that po "

" I will try " nakangiti nitong sabi.

Hinawakan ko naman ang pisngi nya at pinagmasdan sya. Bakit gwapo nya gwapo nya? Kahit masama ugali nya mukha pa rin syang anghel. Dati kinaiinisan ko sya pero ngayon mahal na mahal ko na.

" Babe " sabay hawak nya sa nakahawak kong kamay sa pisngi nya. " Diba papayag kang magpakasal sa akin "

" A..ano ba.. yang ...sina...sabi mo. Ang bata-bata pa natin para dyan. " sabi ko habang namumula.

Bigla naman nya ako hiniga habang nakapatong sya sa akin. Nakatitig lang sya sa mata ko.

" Uy  Hubby! Umayos ka nga ng higa baka may makakita pa sa atin dito eh. "

" Hindi naman tayo bata. Ikaw seventeen na, ako naman twenthy-one na. Ano pa ba ang problema doon? " may lungkot sa boses nya.

" Masyado pang maaga para dyan at bukod pa doon. Walang same sex marriage dito sa Pilipinas "

" De sa ibang bansa tayo magpapakasal. Ayaw mo bang mapangasawa ako? " tanong nya uli.

Si Ate Trixie kasi kung ano-anong sinasabi nya kaya iyan tuloy kung ano-ano ang pumapasok sa isip ni Cyrax.

" Alam mo Cyrax kung tayo talaga, tayo talaga. Kung nakatadhana tayo para sa isa't-isa hanggang huli, dadating tayo sa gusto mo. Bukod doon, nag-aaral ako, nag-aaral ka rin. Mas marami pa tayong poproblemahin muna " paliwanag ko sa kanya.

" Isang tanong na lang para mapanatag ang loob ko. Kung sakali man, gusto mong magpakasal sa akin? "

" Oo naman. Sino ba namang hindi? Mayaman ka, saka mayaman, at ubod ng yaman at kung sakaling di nila alam, ang super rich mo kaya " sabay ngiti ko ng malapad pero nabadtrip ata kasi tumayo na.

I Can Fight Him Back (BoyXBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon