Fight XIX

15.7K 516 7
                                    

REN POV

Lahat ng estudyanteng nadadaanan namin ay nakatingin sa amin. Magkahawak lang naman po kami ng kamay ni Cyrax while walking. Nahihiya nga ako pero itong si Cyrax mapilit na ihatid ako sa room namin. Pero kinikilig ako..

" After your class, go to my place " agad na sabi ni Cyrax ng makarating kami sa may tapat ng room.

Napaisip naman ako. Pagkatapos ng klase ko, may trabahong naghihintay sa akin. Hindi ako pwedeng magpakasarap kahit kami na uli. Kailangan ko pa ring tumulong sa gastusin sa bahay.

" Ahm.. May gagawin pa ako mamayang uwian eh " sabi ko sa kanya.

" Ano? " nakakunot noong tanong nya.

" Ahhhhh basta importante eh " rason ko pero mukha pa syang naghinala.

" Mas importante pa sa akin? " may panghahamon sa boses nya.

" Medyo " sagot ko na ikinasama ng tingin nya. Hindi talaga mabiro ang taong ito.

" Joke lang. Eto naman di mabiro. Sige sige pupunta ako mamaya. Bye " paalam ko sa kanya saka pumasok na sa loob pero pansin ko na hindi pa pala nya binibitawan ang kamay ko.

" May nakalimutan ka " sabi nya.

" Oo. Yung kamay ko ayaw mong bitawan " sabay hila ko sa kamay ko pero hinatak nya rin ako sabay halik sa akin.

Hindi lang basta smack ang ginawa nyang paghalik. Ako na ang kusang lumayo sa kanya at tumingin sa paligid. Lahat mga nakangangang nakatingin sa amin.

" Aish! Papasok na ako " sabi ko kay Cyrax at tuluyang pumasok.

Umupo na ako sa upuan ko ng mapansin ko ang kakaibang tingin ni Thea habang nakangisi pa sa akin. Tinaasan ko sya ng kilay.

" Ikaw ah. Isang linggo kang di pumasok tas si Cyrax rin. Ano ginagawa nyong dalawa? Nagchukchakan kayo noh " walang pasubaling tanong nito sa akin na ikinaubo ko.

" Gusto mo bang palamunin kita ng librong hawak ko? May inasikaso lang ako at hindi kasama si Cyrax " sabi ko sa kanya.

" Weh? Di nga? " sinamaan ko sya ng tingin. " Sabi ko nga, may inasikaso ka " sabi nito.

Dumating kaagad ang prof namin kaya umayos na kami ng upo at nakinig. Medyo nahihirapan lang ako magcope up ng lesson kasi halos isang linggo rin akong di pumasok.

" Review your notes. Next week is your unit test " sabi ng Prof saka umalis na.

Inayos ko na kaagad ang gamit ko. Nagpaalam na rin ako kay Thea na mauuna na ako. Tumungo ako kaagad sa tambayan ni Cyrax ng makita ko kaagad sa loob si Tracy. Nakangiti sya sa akin pero hindi ko sya pinansin at umupo sa katapat nyang couch. Nasan na kaya yung lalaking iyon? Pinapunta ako dito wala naman sya.

" Hi Ren " bati sa akin ni Tracy pero tinanguan ko lang sya. Wala ako sa mood makipag-usap sa malanding tulad nya. Kapag naaalala ko yung nakita ko silang dalawa ni Cyrax sa may abandonadong building, gusto ko silang pagbuhuling dalawa.

" Ren, galit ka ba sa akin dahil sa nakita mo kami ni Cyrax duon sa--- " pinutol ko na ang sasabihin nya.

" No. Bakit ako magagalit sa'yo kung ginamit ka lang nya para pagselosin ako " direktahang sagot ko. Ayaw kong makipagplastikan sa kanya.

" Really? Baka nakalimutan mo na yung tungkol sa engagement namin ni Cyrax " mayabang nyang sabi.

'Di ba ang plastic ng ngiti nya sa akin. Kung ano ang kinaganda nya, iyon ang kinapanget ng ugali nya. Mabuti ako maganda na, maganda pa ugali. Charot!

" De congrats. Pakasalan mo sarili mo " sagot ko

Tumayo at tinalikuran ko na sya dahil hindi ko kaya ang presensya nya na nakikita ko. Ngunit nagulat ako ng hilahin nya ako sa buhok ko. Mabilis ko namang hinawakan ang kamay nyang sabu-sabunot ako at kinagat ko ito kaya napasigaw sya sa aray.

I Can Fight Him Back (BoyXBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon