S2: Fourth

11.5K 398 32
                                    

" Hoy Ren kanina ka pa dyan nakatitig sa phone mo. Sino ba hinihintay mong tumawag sa'yo? " napatingin ako kay Thea saka bumuntong hininga.

" Wala " sagot ko tsaka dumukdok sa desk ko. Tagal naman kasi ng prof namin para naman na-o-occupy ang isip ko.

" Nabalitaan mo ba naghiwalay na si Paulo saka si Hanna " rinig kong chismisan ng dalawa.

" Oo nga eh. Sabi ko sa'yo walang forever. Paano pala sila naghiwalay ni Paulo? " tanong ni Lane.

Hindi ako nakikinig sa usapan nila, sadyang malalakas lang talaga silang mag-usap.

" Eto nga. Naging malamig na daw sa kanya si Paulo. Hindi na daw sya tinatawagan o dinadalaw man lang sa bahay. Eto pa ang balita, may pinopormahan pala ang gag*ng lalake kaya ganon na lamang ang pakikitungo sa kanya kaya nagdecide nalang si Hanna na makipaghiwalay "

Wala naman sigurong ibang pinopormahan si Cyrax na iba kahit hindi na nya ako tinatawagan o dumadalaw sa bahay. Busy lang sya sa trabaho. Tama! Busy sya trabaho!

" Kaya dapat kapag ganoon na ang inaasta ng lalaki dapat komprontahin na para maayos na " suhestyon ni Lane.

" Tama. Yung iba kasi dyan, masyadong tiwala sa mga karelasyon. Hindi nila alam na may iba na palang kinakalintare ang fiancee---este boyfriend " tiningnan ko si Thea ng masama. " Oh bakit? " maang nyang tanong.

" FYI, walang iba si Cyrax kasi ako lang ang mahal nya at wala ng iba. Busy lang sya sa trabaho nya kaya hindi sya nakakatawag sa akin at di nakakapunta sa bahay " sagot ko sa kanya. Nagtinginan naman yung dalawa saka tumawa ng sabay.

" Defensive ka naman Ren. Wala naman kaming sinasabing pangalan " natatawang sabi ni Lane.

" Ewan ko sa inyo " sagot ko saka dumukdok uli sa desk at nag-isip ng ibang maiisip.

" Good morning class " napaayos ako ng upo ng marinig ko ang boses ni Ma'am Cruz.

Inilabas ko na ang libro ko sa plane geometry. Nagulat na lamang ako ng biglang nagtilian ang mga kaklase ko kaya agad akong napatingin sa harap. May kasamang iba si Ma'am na lalaki.

Ano meron sa lalaki at pinagtitilian sya? Tanong ko sa isip ko.

" Shemay gwapo! Paubaya mo na sa akin  'yan Lane " rinig kong sabi ni Thea.

" Hating kaibigan naman tayong dalawa. Sa'yo yung mukha tas akin ang katawan. Yummy! " sagot naman ni Lane.

" Quiet class! Pakinggan mo na natin syang magpakilala sa ating lahat. Quiet " pigil ni Ma'am sa mga kaklase kong nagdedeliryo. Tumungo naman yung lalaki sa gitna.

" I'm Darwin Choi. I'm half korean, half Filipino. Dati akong nag-aaral sa Cross University pero napagpasyahan ng parents ko na lumipat ako dito. I hope na maging kaibigan ko kayong lahat " pakilala nya kaya nagtilian ang mga kaklase ko.

" Ayaw kong maging kaibigan ka. Kung gusto mo boyfriend  pa " sabi ng kaklase kong malandi.

" Ako na ang president ng fans club mo. Sure 'yon " sabi naman ng kaklase kong bakla.

" Naku tumahimik muna kayo. Baka may mga tanong kayo. Magtanong na kayo " sabi ni Ma'am kaya nagtaas ako ng kamay. Nakatingin sa akin mga kaklase ko at hinihintay akong magsalita.

" Ma'am ngayon po ba checheckan ang activity? Nakalimutan ko po kasi sa bahay ang libro ko " tanong ko.

" Ren iba ka talaga! Panira ka ng moment " sigaw ni Frei.

" Mas pinansin mo pa ang activity natin kaysa sa gwapong nasa harap. Nakakahiya naman kaya Darwin " singit ni Thea.

" Wag ng maingay. Magsi-ayos na kayo ng upo. Ren, sige next week na natin checkan para sa'yo " sabi ni Ma'am kaya napayes ako sa tuwa.

I Can Fight Him Back (BoyXBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon