Lumipas na ang dalawang linggo. Nakapag-enroll na kami. Nagsimula na rin ang klase namin. Sa dalawang linggo na rin na 'yan na hindi ko na nakita si Cyrax. Siguro tinotoo nya ang sinasabi nya na kakalimutan nya na ako pero hindi ako papayag. Kapag isang linggo pa ang lumipas at hindi ko pa sya nakikita, iuuntog ko sya sa pader sa oras na makita ko sya. Sira ba sya? Papakawalan ko pa ba ang katulad nyang lalaki? Kahit minsan masungit sya, mahal ko sya. Mahal na mahal kaya never akong susuko na ganito na lang.
" Ren...uy ren... " bumalik ako sa wisyo ko ng kalabitin ako ng kaklase ko. Tumingin ako sa kanya na nagtataka. " Kanina ka pa tinatawag ni Sir. Mukhang ikaw na ata " sabi nya kaya napatingin ako kay Sir.
" Naku mukhang may iniisip na syang patatamaan sa target board. Malaki ba ang galit mo? " tanong ni Sir na ikinatawa ng mga kaklase ko. Syempre nangunguna yung tatlong ugok sa pang-aasar sa akin.
Tumayo na ako at pumwesto sa line. Nandito kasi kami sa may field, sa may archery station kasi p.e namin. Tama si Sir bakit hindi ko isipin yung itatarget ko.
" One.. Two... Three.. Prrt! " pagkarinig ko ng pito ni Sir agad ko ng tinarget ang gitna. Iniisip ko na si Lolo ni Cyrax 'yon!
" Quennie- 2, Garry-6, Lorence- 10. Verygood Lorence " puri ni Sir. Ako naman nagpapalakpak dahil sa tuwa. Isipin nyo 'yon. Bulls eye dahil sa Lolo ni Cyrax. Panira kasi sya sa relasyon ng may relasyon.
Bumalik na ako sa upuan matapos. Practice lang naman ito kaya isa-isa muna pero next time daw, tatlong beses na kami titira kaya matapos kaming tatlo ay tumungo na kami sa CR para magpalit.
~
" Wow ang gwapo nya "
" Akala ko nga kung sinong artista ang dumating kanina "
" Bagay kaming dalawa. Maganda at gwapo oh diba sakto "
Bulungan ng mga estudyanteng nadadaanan namin. Siguro ang pinag-uusapan nila yung mga bisita ng school. Accreditation kasi ng College of Engineering kaya may mga bisita at ang swerte nga ng mga engineering students kasi half day lang sila samantalang kami hanggang hapon pa.
" Ren " napalingon ako kay Thea. " Ren " ulit nya.
" Lubayan mo ako " pokerface kong sabi. Mangtitrip na naman 'yan kaya ganyan kaya di ko na lang sya pinansin at nagbusy-busyhan sa cellphone ko.
" Ren ang ganda mo " rinig kong sabi nya.
" Alam ko matagal na---aaray! " napasalampak ako bigla sa sahig dahil sa lakas ng pagkabunggo ko sa harap dahilan rin para mahulog ang cellphone ko.
" Hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo. Kapag nasira cellphone ko papalitan mo 'yan " sabi ko habang pinupulot yung phone ko.
" Ilan ang gusto mo? " napahinto ako sa ginagawa ko. Yung boses na 'yan. Kilala ko 'yan kung kaninong boses ang naririnig ko ngayon.
" Cyrax hello " rinig kong bati ni Lane sa kanya.
Shemay! Ang kaba ng puso ko napakalakas. Feeling ko gusto kong himatayin ngayon kasi ang tagal rin naming di nagkita. At ngayon baka makarinig na naman ako ng hindi magandang salita.
" Anong inuupo-upo mo dyan wala ka bang balak tumayo? " masungit na sabi nito. Huminga muna ako ng malalim saka tumayo.
Relax lang Ren. Relax lang... Ibang Cyrax ang kaharap mo kaya di ka dapat kabahan... Hindi pa sya bumabalik.
" Wala ka bang gagawin? " nakakunot noong tanong nya sa akin. Nagtaka naman ako sa sasabihin nya. " Wala o gusto mo ako ang gumawa para sa'yo? " mas lalo akong nagtaka.
![](https://img.wattpad.com/cover/40564050-288-k977655.jpg)