Nasisilaw ako sa sinag ng araw na tumatama sa mata ko kaya agad kong tinakpan ang mata ko gamit ang braso ko. May bigla naman akong naramdamang may humalik sa pisngi ko kaya napadilat ako at nabigla ng makita ko si Cyrax sa tabi ko. Agad akong napaupo sa kama at tumingin sa paligid.
" Nasaan tayo? " takhang tanong ko sa kanya.
Ang huling naalala ko ay umalis kami sa bahay nila tapos sumakay kami sa kotse tapos pinatulog nya ako kasi matagal pa daw ang byahe namin tapos natulog ako tapos hindi ko na alam.
" We're here in Tagaytay. This is our vacation house " sabi nya sa akin na ikinagulat ko. Vacation house? Namin?
Napabangon ako bigla sa kama at dumiretso sa balkonahe. Agad akong napamangha sa nakita ko sa paligid. May mga berdeng damuhan, may dagat sa di kalayuan, maaliwalas at payapa ang paligid. Wow ang ganda talaga.
" Nagustuhan mo ba? " tanong nito sabay yakap mula sa likod ko pero humarap ako sa kanya.
" Gustong-gusto ko " nakangiti kong malapad. " Ang ganda dito Cyrax. Parang nasa ibang bansa tayo sa ganda. Thank you " paulit-ulit ko syang hinalikan.
" Bababa na muna tayo para ihanda ang almusal natin " sabi ni Cyrax kaya tumango ako.
Pumasok ako kaagad sa banyo at nag-ayos ng sarili. Mabilis rin akong bumaba sa may kusina kung saan ay nag-aayos sya ng mga kubyertos. Ang ganda ng pangalawang bahay namin. Tulad ng bahay namin sa City, simple lang rin ito. Ang pagkakaiba lang, mostly gawa sa kahoy ang mga kasangkapan tapos sa labas may mga puno kang makikita agad. Basta ang ganda dito.
" Hindi ka pa ba uupo? " aya sa akin ni Cyrax kaya mabilis akong umupo. Masaya akong kumain kasama sya kasi di ko talaga alam kung paano sya mapapasalamatan sa lahat ng mga binibigay nya sa akin. Samantalang ako, wala ata akong nabigay sa kanya kundi sakit ng ulo. Ibigay ko kaya katawan ko? No! No! No! Hindi pwede 'yon, iba na lang.
Matapos naming kumain ako na ang naghugas ng pinggan. Si Cyrax naman ay may gagawin daw kaya hinayaan ko na lang sya. Pagkatapos kong maghugas ng pinggan, hinanap ko sya. Hindi ko sya nakita sa sala o kahit sa kwarto kaya lumabas ako. Naglakad-lakad ako ng makita ko sya sa may lamesa malapit sa pool. Yup, may swimming pool pa rin ito kaso hindi kalakihan. Lumapit ako sa kanya ng makita ko syang may inilalagay na damit at tuwalya sa bag.
" Saan ka pupunta? " tanong ko. Sinukbit naman nya agad yung bag at may dinala pa syang basket sa kanang kamay nya saka ako hinawakan ng kaliwang kamay nya.
" Picnic. I know you like that " nakangiti nitong sabi kaya napangiti ako ng malapad. Kulang na nga lang magtatalon ako sa tuwa kasi hindi ko pa nararanasan magpicnic.
Nagsimula na kaming maglakad. Kahit sa paglalakad dito ay nakakaenjoy dahil sa ganda ng tanawing makikita mo. Halos sampung minuto kaming naglakad bago kami nakarating sa dalampasigan. Nakita ko kaagad ang mapuputing buhangin at malinaw na tubig. May mga tao naman sa paligid ngunit hindi masyadong marami. Halos mabibilang ko nga ang mga nasa paligid namin.
Nilatag agad ni Cyrax ang telang dala nya sa buhanginan ng dagat. Inilapag nya rin ang mga gamit namin kaya umupo muna kami para makapagpahinga.
" Maghubad ka " napatingin ako kay Cyrax.
" Hindi ka ba nahihiya? May tao ka-- " pinutol nya ang sasabihin ko.
" Lalagyan ko ng sunblock ang katawan mo kaya hubad na at dumapa ka na sa tela " sabi nito kaya sinunod ko na sya kaagad kasi baka mapahiya na naman ako.
Nilagyan nya ako ng sunblock sa likod. Ako naman dinadaldal sya tungkol sa nararamdaman kong kasiyahan sa mga ginagawa nya. Nilagyan nya na rin ako sa ibang parte ng katawan ko pagkatapos ay sinuot kong muli ang damit ko.
" Ikaw hindi ka maliligo? " tanong ko. Umiling naman sya bilang sagot kaya nagpaalam na akong maligo. Tumalon ako kaagad sa tubig at ang sarap sa pakiramdam.
Wala akong ginawa kung hindi lumangoy o kaya sumisid sa ilalim ng dagat. Feeling ko ako si Dyesebel. De biro lang.
Napalingon naman ako sa kinauupuan ni Cyrax ng makita kong may mga lamang dagat na lumalandi sa kanya kaya mabilis akong umahon sa dagat at tumungo doon.
" Wala ka bang kasamahan dito? " rinig ko pang sabi ni hipon one.
" Pwede ka naming samahan " sabi naman ni hipon two.
" Excuse me. Pwede padaan? " sabi ko kaya nagkatinginan yung tatlong hipon sa akin. Binangga ko sila para makadaan ako at makaupo sa may tela.
Kumuha kaagad si Cyrax ng tuwalya at pinunasan ang buhok ko at pinalupot sa balikat ko dahil nilalamig ako sa simoy ng hangin. Napansin ko naman na nakatingin lang sa amin yung mga lamang dagat.
" Ang sweet mo naman sa kapatid mo " napatingin ako kay hipon three. Narinig ko naman ang mahinang pagtawa ni Cyrax sa sinabi nung babae.
" Hindi ko sya kapatid " poker face kong sabi.
" Sabi ko sa inyo hindi sila magkapatid kasi di naman sila magkamukha. Diba magpinsan kayo? " sabi ni hipon one.
Argh! Mukha ba kaming magpinsan o magkapatid? Fours year lang naman agwat ng edad namin. Sumimangot na lang ako.
" We're couple " rinig kong sabi ni Cyrax. " He is my husband. We're one year married " dagdag pa nya na ikinatingin ko. Kailan kami kinasal? Ang pagkakatanda ko engaged lang kami.
Tumingin naman ako sa reaksyon ng mga babae na hindi makapaniwala. Parang nailang sila at bigla na lang umalis. Natawa ako sa reaksyon nila pero nakakalungkot rin kasi hindi naman nila dapat ikabigla ang ganitong relasyon dahil pare-pareho lang naman na nagmamahalan ang tao. Ang pagkakaiba lang pareho kaming lalaki ng Hubby ko. Haay! Kailan kaya mababago ang pananaw nila sa tulad naming relasyon?
" Nagugutom ka na ba? " nabalik ang wisyo ko sa biglaang tanong ni Cyrax.
" Oo " tango ko kaya nilabas nya na ang mga pagkain sa loob ng basket at nagsimula na kaming kumain.
~
Hindi pa kami umuwi ng matapos akong magswimming sa dagat. Pagdating kasi ng hapon ay may mga nagpapalabas sa di kalayuan sa pinaglulugaran namin kaya nakisali kami upang manood. May mga nagfle-flaire na bartender kaya manghang-mangha ko sa iba't-ibang stunt na ginagawa nila sa bote at baso.
" Doon naman tayo Cyrax " hila ko sa kanya at duon naman kami pumwesto sa may band kahit medyo masikip nakisiksik talaga ako. Nakikisabay lang ako sa kanta nila habang winawagayway ko ang kamay ko. Ang saya ko ngayong araw na ito dahil iyon kay Cyrax. Hindi ko naiwasan na mapatingin sa kanya. Hindi sya nakangiti, hindi rin nakasimangot. Nakatingin lang sya tumutugtog.
" Bakit ka umiiyak? " bigla syang lumingon kaya di ko kaagad napunasan ang luha sa mata ko.
" Masaya lang ako " sabay punas ko sa luha ko. " Sana palagi tayong masaya na magkasama. Yung walang prinoproblema at laging nakangiti. Sana palagi tayong ganto " sabi ko sa kanya.
" Kung iyan ang gusto mo gagawin natin. Diba sabi ko naman sa'yo ibibigay ko ang lahat ng gusto mo kaya ibibigay ko sa'yo lahat ng magpapasaya sa'yo " sabi nito mas lalo kong ikinaiyak ng malakas kaya nagtinginan sa aming yung mga taong malapit sa amin.
" Huwaaahh! Cyrax. Thank you talagaa " iyak ko.
" Hinaan mo boses mo Ren. Baka isipin nila pinapaiyak kita " sabi nya habang ngumingiti ng pilit sa mga nakakakita sa amin.
" Thank you talagaa " sabi ko uli saka sya niyakap.
Ang swerte ko sa kanya. Ang saya ko na nakilala ko sya at pumasok sa buhay ko. Hindi ko pinagsisisihan na kinalaban ko ang isang Cyrax Villarubia dahil sa bagay na 'yan kaya eto kami ngayon magkasama.
✏ junjouHeart