Fight X [ 2 ]

17.1K 620 54
                                    

TERRENCE POV


Umiiyak na lang ako habang hinahalikan nila ang iba't-ibang parte ng katawan ko. Wala akong magawa kung hindi na lang ang umiyak. Bakit kasi hindi ako malakas katulad ni Kuya Ren para kaya kong ipaglaban ang sarili ko. Bakit ba ako mahina?

" Pare ready na ba kayo? " narinig kong sabi nung lalaki.

Nagulat ako sa sunod nilang ginawa. Tinanggal nila ang sinturon ng pants ko.

" Please tama na.. Please.. " paki-usap ko sa kanila pero hindi nila ako pinansin at pinagpatuloy ang ginagawa..

" Shit! Ayaw matanggal " reklamo nung isa.

" TULUNGAN NYO AKO!! TULONG! KAIHHMMMM " biglang tinakpan nung lalaki yung bibig ko. Mukha akong tanga na humihingi ng tulong kahit walang makakarinig sa akin.

Naramdaman ko na lang na lumuwag na ang pants ko kasunod ang pagbaba ng zipper. Humahagulgol na ako ng iyak dahil...dahil baka...

" FUCK! BITAWAN NYO SYA! " napatingin ako sa taong sumigaw.

Nahihiya akong tumingin sa kanya dahil sa kinalalagyan ko ngayon. Mas lalo akong naiyak.

" Pare, gusto mo bang makisali. Mamaya na lang kapag tapos na kami " mayabang pang sabi nung lalaki.

Napapikit na lang ako dahil ayaw kong makita ang reaksyon nya. Siguro mas bumaba ang tingin nya sa akin dahil sa sitwasyon ko.

Naramdaman ko naman na wala ng nakahawak sa akin pero still nakapikit pa rin ako. Ayaw kong makitang pinagtatawanan nya ako o ang pagsang-ayon nya sa gusto ng mga lalaki.

" Are you ok? " napadilat ako at nakita ko ang pag-aalala sa mukha ni Xian. Hinaplos nya ang pisngi ko na may luhang tumutulo.

Nakita ko naman yung tatlong lalaki na nakahandusay na sa lapag at duguan ang mga mukha. Hinabud ni Xian ang polo nyang suot at isinuot sa akin. Isinira nya rin ang zipper ng pants ko at nilagay ang sinturon


Nakatingin lang ako sa ginagawa nya. Kita ko rin sa mata nya ang galit. Bakit? Bakit nya ako niligtas? Bakit sya nag-aalala sa akin?

Hinawakan nya ako sa kamay na agad kong hinatak. Nakaramdam kaagad ako ng takot sa ginawa nya dahil naalala ko ang paghila sa akin nung mga lalaki.

" Sasaktan mo rin ba ako? " yan ang bumuka sa bibig ko kahit hindi ko naman intensyon na sabihin 'yan. Kasunod na rin ang pagtulo uli ng luha ko.

" Shit! Magbabayad talaga sila sa ginawa nya sa'yo " at bigla nya akong niyakap ng mahigpit.

Inilalayo ko sya ngunit hindi rin sya bumibitaw hanggang sa mapagod na ako at isinandal ko ang ulo ko sa dibdib nya. Iyak lang ako ng iyak sa harap nya kapag naaalala ko ang nangyari kanina. Muntikan na akong magahasa. Kahit kaming mga bakla may pinag-iingatan rin kami. Nasasaktan rin kami sa ginagawa ng mga taong walang respeto sa amin.

~

Nandito ako sa condo ni Xian nakaupo sa sofa. Pinahiram nya rin ako ng kasuotan. Pagkarating ko nga dito, sa banyo kaagad ako tumuloy para maligo. Nandidiri kasi ako sa katawan ko dahil tatlong lalaki ang nakatikim nito. Halos punitin ko na ang balat ko sa sobrang diin ng pagkuskos ko para mawala ang bakas nila.

Lumapit sya sa akin at kinuha ang braso ko saka pinahidan ng gamot. Sa sobrang diin ng pagkuskos ko, namula ang balat ko at ang iba ay nagkaroon pa ng galos at sugat dahil na rin bumaon rin ang kuko ko habang nagkukuskos.

" Please stop crying " sabi nito sa akin kasi kanina pa ako iyak ng iyak.

Tumigil ako sa pag-iyak pero yung hikbi ko di ko mapigilan.

I Can Fight Him Back (BoyXBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon