REN POV
" Ate Trixie, anong ginagawa nyo po dito? " gulat ko ng makita ko sa labas ng bahay si Ate.
" Ren pwede ka bang sumama sa akin? " tanong nya.
" Saan po? " tanong ko rin.
" Sa bahay. Si Blake kasi galit na galit sa amin ng Daddy nya. Ayaw nya kaming kausapin kahit kumain ayaw nya. Natatakot kami baka magkasakit sya. Sorry Ren sa istorbo " paliwanag ni Ate Trixie habang naluluha. Syempre isa syang ina kaya lahat gagawin nya para sa anak nya.
" Sige po " sang-ayon ko.
Nagpalit ako ng damit at sumama sa kanila. Nang makarating kami ng mansion nila ay agad kaming bumaba at pumasok sa loob nang makita namin ang Lolo nya.
" Trixie anong ginagawa nyan dito? Bakit sya nandito? " masama ang tingin nya sa akin.
" Lolo pero gusto syang makita ni Blake. Ayaw kong magalit ang anak ko sa akin " sagot ni Ate Trixie.
" Wala akong pake! Palabasin mo sya da--- " pinutol ko na ang sasabihin nya.
" Wag po kayong mag-alala dahil hindi ko ipapakilala ang sarili ko kay Cyrax dahil sya mismo ang makakaalala sa akin. Hindi ko alam kung ano bang problema nyo sa akin. Wala naman akong ginagawa masama sa inyo. Balang araw pagsisisihan nyo ang ginawa nyo sa amin ni Cyrax " sabi ko tsaka sya tinalikuran.
" Ate Trixie punta na ako sa kwarto nya. Alam ko naman po iyon " nakangiti kong pagpapaalam kaya nauna na akong tumaas.
Pagkarating ko sa kwarto ni Blake ay nakita ko lang syang nanonood ng tv. Nang mapansin nya ako ay tumungo sya at niyakap nya ako. Nagsisimula na naman syang umiyak kaya pinaupo ko sya sa may kama nya samantalang ako nakaluhod sa harap nya at pinupunasan ang mata nya.
" Bakit ka ba umiiyak kapag nakikita ako? Wala ka namang kasalanan " sabi ko.
" No. Its my fault too, because my Mommy and Daddy lied to you. I can't convinced them to tell the truth to Tito Cyrax " sabi ni Blake kaya niyakap ko sya.
" Thank you Blake. Don't worry Cyrax will remember me. Maybe not now, but I'm sure he will. He loves me. " sabi ko sa kanya.
" If he loves you, why he forget anything about you? " balik tanong nya sa akin.
" Siguro may nangyaring masama sa kanya. Wag kang mag-alala kapag magaling na si Tita Cyrax mo, itatanong ko iyon pero hangga't nandito ako, gusto mong kumain. Sabi ni Mommy mo hindi ka daw kumakain. Baka magkasakit ka nyan. Plano ko pa naman na gawin kang ring bearer sa kasal namin "
" Kasal? Are you going to marry?When? " galak nyang sabi.
" After my graduation. Dalawang taon na lang gagraduate na ako kaya magpapakasal na kami pero sana maalala nya na ako kaagad " malungkot kong sabi.
" Don't worry Ren I will help you. I know you love each other. Mommy told me, if you love someone, fight for him. Anything what happen in the end, you will end him no matter what happen " nakangiti nitong sabi. Mabuti pa ang bata, naiintindihan ang relasyon namin ni Cyrax samantalang yung matatanda, ang kitid ng utak. Walang ginawa kung hindi manghusga at tutulan ang pagmamahalan ni Cyrax.
Pinagpahanda ko sa katulong ng pagkain si Blake. Pagkarating ng pagkain ay agad syang kumain. Halatang gutom sya.
" Ren do you want? " alok nya ng manok na kinakain nya.
" Ayaw ko. Sige kain ka lang " sabi ko sa kanya.
Nang maubos nya na ang lahat ng inihanda ng katulong ay ako na ang nagbaba nito sa kusina. Ako na rin ang naghugas sa mga pinagkainan nya.