REN POV
Bumaba na ako mula sa kwarto ko na ayos na ang katawan para pumasok pero syempre kakain muna ako ng almusal. Nakita ko kaagad sila Mama, Papa at Terence sa may lamesa.
" Good morning sa inyong lahat " masaya kong bati pero lahat sila mukhang di masaya.
Umupo na ako at nagsimula na akong kumain. Tiningnan ko sila na parang nagtataka kasi ang tahimik nila.
" May problema po ba? " tanong ko.
" Kuya Ren " banggit ni Terence kaya napatingin ako sa kanya.
" Ren, anak " kay papa naman ako napatingin.
" Lorence " bumaling naman ako kay Mama.
" Problema nyo po ba? Kilala ko pa ang sarili ko kaya wag nyo ng banggitin ang pangalan ko. " medyo naiinis na ako. Pa-intense pa kasi kaya lalo akong kinakabahan.
" Anak, may pinag-applyan akong trabaho at natanggap ako " sabi ni Papa pero hindi sya masaya kaya hinintay ko munang ituloy nya bago ako magreact.
" Ang problema anak, sa probinsya sa La Union sya nadistino kaya napagdesisyon namin na sasama kami ni Terence sa Papa mo. Ikaw naman, dahil college student ka na, napag-isipan naman namin na magdorm ka na lang at tuwing weekend dumalaw sa amin " sabi ni Mama.
Napa-isip naman ako dahil ako lang ang maiiwan dito. Walang mag-aasikaso sa akin tuwing umaga at gabi. Hindi ko sila makikita? Ayaw ko.
" Sasama na lang ako " sabi ko kaagad.
" Pero anak, college student ka na. Mahihirapan ka dahil hindi tumatanggap ang university kapag nasa half of semester. Kaya tiis ka muna sa dorm na titirhan mo " sabi ni Papa.
" Pero ako lang mag-isa? Ayaw ko " naiiyak kong sabi.
Iniisip ko pa lang kasi na hindi ko sila makakasama, hindi ko makakaya.
" Sige kung sasama ka sa amin, i-stop ka sa pag-aaral at start ka ulit ng first year college. Saka paano si Cyrax? " singit ni Terence.
Oo nga paano si Cyrax? Bahala na lang sya sa buhay nya. Eh sya sanay na hindi nakikita ang magulang eh ako? Hindi noh.
" Mag-isip ka muna bago ka sumama sa amin. Ipaalam mo rin ito kay Cyrax dahil boyfriend mo sya. May karapatan syang malaman ang tungkol sa desisyon mo " sabi ni Mama kaya tumango-tango na lang ako.
~
Nakatulala lang ako sa harap ng whiteboard at nag-isip isip kung ano ba ang tamang desisyon. Sasama ba ko o hindi? Kung sasama ako kay Mama, stop ako ng pag-aaral pero makakasama ko sila. Kung hindi naman, tuloy ako sa pag-aaral pero wala naman sila Mama pero makakasama ko si Cyrax. Ano bang dapat kong gawin?!
" Ren? Hoy! " sigaw sa akin ni Thea kaya sinamaan ko sya ng tingin.
" Nakatulala ka na naman dyan. Nandyan na ang sundo mo. Iba talaga ang alindog mo Ren. Ikaw na! " napailang na lang ako kay Thea saka lumabas na.
Naglakad na kami ng sabay ni Cyrax patungo sa tambayan nya. Nang nasa harap na kami ng pinto ay huminto ako at nagsalita na.
" Cyrax, hubby " banggit ko.
" Bakit babe? " tingin nya sa akin.
" Kasi..ano..si Papa natanggap sa trabaho tapos nadestino sya sa La Union " panimula ko sa kanya. Hindi sya nagsasalita kaya pinagpatuloy ko na ang sasabihin ko. " Sila Mama at Terence ay sasama kay Papa. Ako na--- "
" Hindi ka sasama " agad nitong sabi.
" Hindi naman kita tinatanong kung papayagan mo ako o hindi " nakasibangot kong sabi. Sasagot kasi agad.