Ngayong araw ay hindi ako busy kaya nagmomovie marathon na lang ako mag-isa. Hindi ko naman maistorbo si Cyrax dahil alam kong nasa trabaho sya. Ilang raw na rin ang nakakalipas simula ng dumating sya dito sa Pilipinas. Sa school naman, walang magawa dahil kumpleto na ang mga requirements ko kaya eto ako loner. Nag-iisa. Sanay naman akong hindi inaalala ng iba. Sige hugot pa.
" Kuya Ren. Pwedeng pahiram ng ballpen " pasok ni Terrence sa kwarto ko.
" Nandyan sa bag ko. Hanapin mo lang dyan " sabi ko.
Tinuon ko na lang uli ng pansin yung pinapanood ko ng humarap si Terence sa akin.
" Bakit? " tanong ko.
" Kuya etong invitation mo, nalukot na. Baka hindi ka papasukin kapag nalukot ito. Maging maayos ka nga sa gamit mo " pangaral nito bago lumabas ng kwarto ko.
Kinuha ko naman yung envelope na hinagis nya sa akin pero curious talaga ako kung anong invitation 'yon. Siguro invited ako sa pagkamatay nya. Oh diba magdadala ako ng kape at biscuit para sa kanya.
Binuksan ko na lang envelope at hindi nga ako nagkamali invitation nga. Tinanggal ko ang pagkaribbon para makita ko ang nasa loob. Ang dami kasing arte.
" Kuya Ren " napatingin ako bigla kay Terence. " Kuya patulong naman sa assignment ko " sabi nito sa akin kaya tumayo naman ako tsaka nilapag sa sahig yung invitation at sinundan si Terence sa kwarto nya.
" Tungkol saan ba 'yung assignment mo? " tanong ko.
" Math " problemadong sabi nito. Magkapatid na magkapatid talaga kami nito dahil pareho kaming mahina sa math. Bibigyan ko na lang sya ng tips para magkaroon sya ng sagot sa assignment nya.
" Ganto gawin mo Terence. Pumasok ka bukas ng maaga pagkatapos kumopya ka sa kaklase mo. Oh diba wala ka ng problema " sabi ko sa kanya.
" Kuya naman eh. Gusto kong matuto sa math kasi may isang taong nangmamaliit sa kakayahan ko sa math " sabi nito sa akin. Lumapit naman ako sa kanya saka sya tinapik sa braso.
" Bunso hayaan mo na sila. Kung maliit naman talaga, wala tayong magagawa " sabi ko na ikinasimangot nya lalo.
" Umalis ka na nga Kuya! Hindi ka naman nakakatulong sa akin " reklamo nito kaya lumabas na ako sa kwarto nya. Wala rin naman kasi akong natutunan sa Math.
Bumalik na lang uli ako sa kwarto. Umupo ako sa kinauupuan ko kanina ng makita ko uli yung invitation card. Dinampot ko uli at binuksan ng biglang nagbukas ang pinto ng kwarto ko.
" Mama, bakit? " tanong ko.
" Iho may iuutos ako sa'yo. Nakalimutan ng Papa mo ang flashdrive nya for presentation sa mga clients. Eh nasa seminar sya ngayon and after ng seminar, diretso sya sa meeting nya. Pabigay naman ito " sabi ni Mama kaya kinuha ko yung flashdrive.
Nagpalit muna ako ng damit. Nagsando lang ako then jacket na gray na may hood. Tapos nakatsinelas at white na tokong then bwala, ang ganda ko talaga mwahahaha. Yung invitation naman ay dinala ko kaso tinago ko muna sa bulsa ng jacket ko. Babasahin ko sya mamaya.
Agad akong pumara ng taxi para tumungo sa address na binigay ni Mama. Nakarating ako kaagad doon kaya nagbayad na ako. Napatingala naman ako sa building na nasa harap ko. May tatalo na pala sa taas ng building ni Cyrax.
Pumasok na ako sa loob pero hinarang ako ng guard dahil sa suot ko pero agad naman nila akong pinapasok dahil sa rason ko. Aba'y kinonsensya ko sila.
Naghanap na ako ng elevator para makarating na sa pupuntahan ko. Nang makita ko iyon ay agad akong tumakbo dahil pasara na. Mabuti naabutan ko.
" Kuya saang floor ginaganap yung seminar? " tanong ko sa elevator boy.