Fight X [ 1 ]

19.4K 614 18
                                    

Buwiset na Kumag na 'yon! Hindi ko makalimutan ang ginawa nyang pagtanggi ng gusto ko syang halikan kagabi. Feeling ba nya mabubuhay ako ng walang halik nya. Pwes! Manigas sya.

Kanina pa sya tawag ng tawag at text ng text sa akin pero ni isa wala akong sinasagot. Alam nya naman na isang beses lang ako kung manuyo at kung ayaw talaga, hindi ko na pinipilit. Buwiset talaga!

" Kuya Ren aalis na po ako. " paalam ni Terrence sa akin.

Wala na naman si Mama at Papa. Next saturday uli sila uuwi pero okay lang.

" Saan ka pupunta? Madalas kong napapansin na wala ka tuwing weekend and medyo late ka na kapag umuwi ng gabi. Ano ba ang ginagawa mo? " tanong ko sa kanya.

" Ah..eh Kuya kasi..ano.. Busy lang school. Busy lang " sagot nya pero hindi sa akin makatingin ng direkta.

" Tss. Hindi na kita pipilitin kung ayaw mo talagang ipaalam kung anong ginagawa mo pero sana mang-ingat ka at alam ko na alam mo na ang ginagawa mo. Sige ingat ka. Love you "

" Love you too, Kuya " sabay halik nya sa pisngi ko saka lumabas.

Pakiramdam ko talaga may problema sya pero ayaw nyang ipaalam. Haay.

CYRAX POV

Shit! Kanina pa ako tumatawag at nagtetext kay Ren pero deadma nya lahat. Talagang kinakalaban ako nung batang iyon. Sya lang ang unang tao na hindi sinagot ang tawag ko.

" FUCK! WALA KA BANG BALAK SAGUTIN ANG TAWAG KO! " sabay balibag ko ng cellphone ko sa pader.

Tumayo naman ako kaagad at nagsuot ng pantalon at t-shirt. Kinuha ko rin ang susi ng kotse ko saka lumabas ng kwarto.

" Ikaw pala Cyrax. Saan ka pupunta? Pati si Xian umalis " salubong sa akin ni Mommy.

" Kila Ren lang. Sige alis na ako " paalam ko. Napakawalang galang ko talaga.

Pinaandar ko na lang ang kotse ko ng makasakay na ako. Nagtungo ako kaagad sa bahay nila ng masalubong ko sa daanan papasok ng subdivision si Terrence.

" Terrence! " sigaw ko kaya napatingin sya sa akin at lumapit.

" Ikaw pala Kuya Cyrax. Pupuntahan mo ba si Kuya Ren? "

" Oo. Nandyan ba sya sa bahay nyo? " tumango sya bilang sagot.

Bigla ko namang naalala ang Mama at Papa nya saka yung nakita nila kahapon sa aming dalawa ni Ren. Hindi naman nila ako masisisi sa ginawa ko dahil gumawa sila ng isang  nakakaakit na anak. Sila nga dapat ang sisihin ko kaya ako nagkakaganito dahil sa anak nila.

" Sige Kuya Cyrax aalis na po ako. Kayo na po bahala kay Kuya Ren. Sya lang po kasi mag-isa sa bahay. Bye po " paalam ni Terrence.

Napangiti naman ako sa narinig ko pero kinabahan ako. Kami lang dalawa ang nasa bahay nila. Shit! Bahala na nga.

Nakarating na ako ng bahay nya. Nakabukas yung gate nila kaya pumasok na ako. Hindi naman nakalock ang pinto ng bahay kaya tumuloy na ako. Kung may masasamang tao lang na nasa paligid nya siguro kanina pa sya nagawan ng masama.

" Really? Hahaha.... Ako na lang mangrerape sa'yo..... Biro lang..... Mas nakakadiri naman sa part ko.... " napatingin ako sa may hagdan.

Nakita ko syang pababa habang nagpupunas pa ng basang buhok nya. Nakasando lang sya at nakashort. Ang kinis at ang puti ng balat nya.

Shit! Eto na naman. Bakit may gantong taglay ang mga lalaki? Mabuti nakakapagpigil pa ako.

" Sige na nga... Sa school na lang... Isend mo na lang sa email ko tas ako na lang magpapaprint. Alam ko namang dukha ka hahaha. .. Bye ... " sabay baba end ng call nya. Mabuti pa ang iba sinasagot nya ang tawag.

I Can Fight Him Back (BoyXBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon