Wala pa rin sya hanggang ngayon. Alas tres na at mahigit pitong oras na akong naghihintay dito sa labas ng bahay. Gusto ko mang kumain pero nawawalan ako ng gana dahil sa baka ano ng nangyari sa kanya.
Pinili ko na lang muna pumasok sa loob ng bahay para uminom ng tubig. Nararamdaman ko na naman ang pagsama ng pakiramdam ko kaya umupo ako sa chair ng dining table saka dumukdok sa lamesa.
" Diba ang sabi ko wag ka munang babangon " napaayos ako ng tindig ng marinig ko ang boses ni Cyrax pero wala sya. Mabilis akong umakyat sa kwarto baka nagtungo sya doon pero wala sya.
" Cyrax nasan ka na ba kasi? " naiiyak na ako.
Nag-aalala na ako kung ano nang nangyari sa kanya. Sinubukan ko naman syang tawagan kanina pero nakapatay ang cellphone nya. Sinubukan kong tawagan ang pamilya nya pero wala ring sumasagot kahit isa sa kanila. Ayaw ko namang sabihin kila Mama kasi baka mapagalitan nila si Cyrax kung sakaling iniwan nya ako dito.
Bumaba na ako sa hagdan ng maramdaman ko ang pag-ikot ng paningin ko. Napahawak ako sa gilid pero unti-unting nagdilim ang paningin ko.
~
" Ren gumising ka na... Nag-aalala na si...si Mama " naririnig ko ang boses ni Mama
" Kuya Ren...gising ka na " boses 'yon ni Terence.
Minulat kong pilit ang mata ko. Nasilaw ako kaagad sa liwanag pero ilang sandali lang ay naka-adjust na ako sa liwanag. Nakita ko si Mama, Papa at Terence na nakapalibot sa akin. Niyakap ako kaagad ni Mama.
" Thank you Lord. Thank you " sabi nila.
Napatingin naman ako sa paligid ko. Puri puti ang nakikita ko na parang nasa ospital room ako. May dextrose ring nakakabit sa akin at may ilang galos rin ako sa noo at balikat. Anong nangyari? Wala akong natatandaan?
" Mama, ba..kit ako nan..dito? " takhang tanong ko.
Nagkatinginan naman silang tatlo na parang hindi alam ang sasabihin sa akin pero hindi ko muna inintindi 'yon.
" Mama, si Cyrax pinuntahan ba ako dito? " tanong ko. Ang huling natatandaan ko ay naghihintay ako sa kanya sa labas ng bahay pagkagising ko.
" Anak, ang to--totoo nyan. Si Cyrax ... " hindi mapakali si Mama sa sasabihin nya. Parang hindi nya alam ang sagot sa tanong ko.
" Kuya dumalaw na sya dito " napatingin ako kay Terence. " Kaso pinauwi ni Papa kasi buong magdamag syang nagbabantay dito. Kawawa naman sya dahil dalawang araw na syang walang tulog ng maayos dahil ayaw mong gumising " sabi ni Terence kaya nakahinga ako ng maluwag pero wait lang, dalawang araw akong natulog .
" Dalawang araw? Ang tagal naman " sabi ko na hindi rin makapaniwala
" Baka may gusto kang kainin, bibili ako " sabi ni Papa.
" Wala pa po akong ganang kumain " nanlalata kong sagot.
" May masakit ba sa'yo? " tanong naman ni Mama.
" Wala po Ma. Pakiramdam ko ang bigat ng pakiramdam ko " sabi ko. Ayaw ko yung pakiramdam na ganto kasi feeling ko may hindi mangyayaring di maganda.
~
Nanatili pa ako ng tatlong araw sa ospital. Kahit isa sa araw na gising ako ay di ko nakita si Cyrax. Ganon ba sya kabusy sa trabaho para hindi man lang ako bisitahin? Hindi ko naman sya sisisihin sa nangyari sa akin. Parang kailan lang ang saya-saya naming dalawa pero biglang ganto.
" Sure ka na bang kaya mo na? " tanong sa akin ni Mama ng makapasok ako sa kwarto ko.
" Oo Mama. Yung kaliwang balikat ko lang naman ang may fructure. Sige na Ma, kayo naman ang magpahinga. I love you Ma and thank you " sabay halik sa pisngi nya.
![](https://img.wattpad.com/cover/40564050-288-k977655.jpg)