Kakaiba ang tingin sa akin ng mga estudyanteng nakatambay dito sa hallway habang ako'y naglalakad patungo sa room. Hindi ko na lang pinansin dahil baka gandang-ganda lang sila. Chos!
Dumiretso na lang ako sa room ko at pagpasok ko nakita ko ang masasamang tingin ng mga kaklase ko. Ano ba meron ngayon?
" Good morning Sheila and Thea " bati ko sa kanilang dalawa pero nagulat ako ng tumayo si Sheila at lumipat sa ibang pwesto.
" Anong problema ni Shiela? " tanong ko kay Thea.
" She's a fake friend. Wag mo na sya papansin " sabi ni Thea.
Fake friend? Bakit kaya?
Umupo na lang ako sa tabi ni Thea. Kapansin-pansin rin ang bulungan sa paligid ko habang nakatingin sila sa akin.
" Ano bang nangyari? Bakit kakaiba ang tingin sa akin ng mga estudyante dito? " tanong ko.
" Ewan siguro naiinggit lang sila sa ganda mo. Wag mo na lang pansinin " tumango-tango na lang ako sa sinabi ni Thea.
Ilang sandali lang ay dumating na ang prof namin. Napansin ko rin naman ang kakaibang tingin nya sa akin. Ewan ko pero parang titig na nangmamaliit. Ano ba meron?!
~
Patungo na kami sa cafeteria. Pagbukas ko ng glass door, lahat sa akin ay nakatingin. Medyo naiirita lang ako kasi kanina pa. Sana kung normal na tingin, ayos lang sa akin pero hindi. Parang nang-iinsulto na 'di ko mawari.
Um-order na lang kami saka umupo ng napansin ko na nandito rin pala si Kumag. Hindi ko sya pinansin, hindi nya rin ako pinansin. In short, walang pansinan.
" May LQ kayo? " mahinang tanong ni Thea na ikinaubo ko.
Tiningnan ko naman sya ng masama para magtigil. LQ? Wala kaming LQ. Hindi naman kami lovers para magkaroon ng LQ. Mas bagay tawagin ang pag-aaway namin ng World War 3.
Pinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko ng may tumawag sa akin. Napangiti naman ako ng si Jae ang tumawag. Nakapag-usap na kami nung isang araw ng galing ako sa bahay ni Kumag.
Flashback.
Naiinis ako kay Kumag. Bakit ganoon na lang kung sigawan nya ako? Bahala sya!
Naramdaman ko ang cellphone ko sa bulsa ng magvibrate. Na-excite naman ako dahil baka humingi uli ng tawad si kumag sa pagsigaw sa akin. Mabilis kong kinuha pero ibang number. Hindi nakaregister na number pero sinagot ko pa rin.
Si Jae pala ang tumawag. Gusto nyang makipagkita sa isang mall kaya umoo na lang ako. Wala naman sigurong masama.
Nag-aya syang kumain muna bago kami namasyal sa loob ng mall. Hindi na ako nagreklamo dahil libre nya naman. Kung ano-ano lang ang pinag-usapan namin hanggang sa mapadako kami sa usapang lovelife, especially sa aming dalawa.
" Noong gabing iyon iba ang nasabi ko sa'yo " napatingin ako sa kanya.
Ramdam ko sa boses nya at kita ko sa mga mata nya ang panghihinayang. Kahit nakangiti sya sa akin, di ko maitatangi na parang nasasaktan sya. Kinakabahan tuloy ako.
" Dapat hindi ako makikipaghiwalay sa'yo noon eh " ani nya.
" Eh? Anong ibig sabihin mo? " tanong ko kahit alam ko na ang sagot.
Hindi ko lang talaga alam ang sasabihin ko sa mga naririnig ko sa kanya. Di ako prepared. Ganda lang ang dinala ko ngayon. Charot!
Huminga muna sya ng malalim. " Kasi aamin sana ako sa'yo na totoo na ang nararamdaman ko pero natakot ako na baka ikaw hindi. Naduwag ako na masaktan kaya mas pinili ko na lang na lumayo. Nainis nga ako sa sarili ko dahil sa ginawa ko. Hindi ko hinarap ang damdamin ko "
![](https://img.wattpad.com/cover/40564050-288-k977655.jpg)