( A/N: Etong chapter na'to ay sa may Tagaytay. Eto yung time kung bakit nawala si Cyrax. Kung baga nagflashback ^_^ )
CYRAX POV
Sabi ko sa kanya 'wag na syang maligo pa dahil masama na ang pakiramdam nya. Kaya 'yan tuloy, nilagnat. Pinaghanda ko na rin sya ng makakain nya, hindi ko nga alam kung masarap o hindi pero ginawa ko naman ang best ko para ipagluto sya.
" Babe " pinilit nyang idilat ang mata nya para tumingin sa akin.
" Hubby ang...sakit...ng ulo...ko saka lalamunan... ko " sabi nito. Agad akong nainis kasi kung nakinig lang sya sa akin, hindi sya magkakasakit Tsk!
" Diba ang sabi ko sa'yo huwag ka ng maligo ng dagat. Hindi ka pa rin nakinig sa akin kaya 'yan nagkasakit ka " sermon ko.
" Pinapagalitan mo pa ako.... May sakit na...nga ako " maluluha nyang sabi. Haai! Ayaw ko lang naman syang nakikita na may sakit. Gusto ko 'yung Ren na masigla at masayahin. I don't like to see him like this.
" Pinapaalala ko lang sa'yo ang naging epekto ng hindi mo pakikinig sa akin. " dagdag ko pa. Dapat lang pagalitan sya para hindi nya na maulit ito.
" Sabihin mo....lang kung ayaw mo ...akong alagaan... " sabay talukbong nya sa kumot nya. Bumuntong hininga uli ako dahil mukhang nagtampo pa sya sa akin
Lumapit ako sa kanya at humiga sa tabi nya. Niyakap ko sya mula sa likod ngunit humarap sya bigla at yumakap ng mahigpit. Ang init ng katawanan nya.
" Sorry na Babe. Kumain ka muna at uminom ng gamot para bumaba ang lagnat mo " bulong ko sa kanya.
" Ayaw ko....wala akong gana.. " sagot nya at mas lalong hinigpitan ang yakap sa akin.
" Ayaw mo bang mapanood ang fireworks display mamayang gabi? " sabi ko sa kanya kasi alam ko namang gusto nyang mapanood 'yon. Nang marinig nga nya ang tungkol doon ay nagsitalon sya sa tuwa. Kahit kailan may pagkaisip bata pa rin sya. " Kakain ka na ba? " tanong ko.
" Oo... Kakain na ako.... Kailangan kong gumaling na " sabi nya.
Umayos na kami ng upo para mapakain ko na sya at mapainom ng gamot. Nang matapos ay inihiga ko uli sya sa kama nya.
" Matulog ka na para mabawasan ang sakit ng katawan mo dahil hanggat di bumababa ang lagnat mo, hindi tayo tutungo sa may dagat para manood " banta ko sa kanya..
" Wag kang mag-aalala.....gagaling ako " nakangiti pa nyang sabi bago ito pumikit.
" Gigisingan na lang kita kapag magsisimula na. I love you " bulong ko sabay halik sa noo nya. Hindi na sya sumagot kasi alam kong masakit na ang lalamunan nya.
Bago ako lumabas ng kwarto ay tiningnan ko muli sya. Ang amo ng mukha nya kapag natutulog. Para syang pusa pero kapag nagising na, dinaig pa ang leon sa bangis. Just kidding.
~
Nanatili muna ako dito sa labas at nagsindi ng sigarilyo pampalipas sa oras ng mapansin sa di kalayuan ng may papunta dito. Hinintay ko munang lumapit ito sa akin bago ako tumayo.
" Anong kailangan nyo? " tanong ko. Hindi ko pa rin binubuksan ang gate.
" Utos lang po ito ng Lolo nyo " sabi nila sabay taas sa gate.
Mabilis silang kumilos kaya nakapasok sila kaagad. Nilabanan ko silang lahat para hindi nila ako makuha at mabilis na tumakbo papasok sa loob ng bahay ngunit sumunod sila sa akin.
" Sir sumama ka na sa amin " sabi nung lalaki pero nginisian ko lang sya. Sa tingin ba nila na sasama na lang ako basta-basta.
Bigla sumugod na yung kasamahan nya sa akin kaya mabilis kong inihagis sa kanila ang vase pero isa lang natamaan kaya sinipa ko sa sikmura ang isa pang sumugod sa akin.
Shit! Baka magising si Ren sa ingay namin.
Biglang may humawak sa braso ko kaya kaagad kong ipinalupot ang kamay na 'yon pero mula sa likudan ko ay may tumakip sa ilong at bibig ko.
Hinarap ko ang gumawa non pero bigla na lang nandilim ang paningin ko. Fck! Hindi ko masasamahan si Ren mamaya.
~
Pagmulat ko ng mata ko ay nasa isang kwarto ako na walang kalaman-laman. Tanging lamesang nasa gitna lang na may kung ano. Nakatali rin ako sa upuan kaya hindi ako makatakas.
" Ang apo ko " napatingin ko sa may pinto kung saan pumasok si Lolo.
" Pakawalan nyo ako Lolo " sabi ko sa kanya pero tumawa lang sya ngunit nagseryoso ang mukha nya at lumapit sa akin. Bigla nya akong sinampal ng pagkalakas-lakas.
" Matauhan ka sa kabaliwan mo Cyrax! " sigaw nito sa akin. " Wala sa pamilya natin ang bakla! " dagdag pa nya pero nginisian ko lang sya.
" Pero ngayon meron na " sagot ko na mas lalong ikinasama ng aura nya.
" Ngayon kaya mo na akong sagot-sagutin at suwayin ang utos ko dahil sa baklang minamahal mo. Watch your word Cyrax because I can kill you even you are my grandson! Kung ikaw lang ang sisira sa pamilya natin, mas pipiliin kong patayin ka na lang " sabi nito sa akin. Alam ko namang kaya nya iyon dahil isa syang dimonyo.
" Do what you want pero wag na wag mong gagalawin si Ren dahil nagmana rin ako sa'yo Lolo. Kaya rin kitang patayin sa oras na kantiin mo sya " sagot ko.
Dahil sa sinabi ko sa kanya ay muli nya akong sinampal. Tumungo sya sa lamesa kung saan may kinuha sya. Bumalik rin sya kaagad na may dalang injection at may liquid na gamot sa isang maliit na container.
" Isipin mo lang sya Cyrax. Isipin mo ang taong mahal mo dahil mula bukas wala ka ng maaalala sa kanya na kahit ano " nakakatakot ang ngiti binabato nya sa akin.
Nakatingin lang ako sa kamay nyang sinasalinan na ng gamot ang injection. Shit! Ano ba 'yon?!
" This is zeta inhibitory peptide. Do you know what is this? " sabay tingin nya sa akin at unti-unting lumalapit. Inutusan rin nya na hawakan ako ng iba. " This will help you to erase your past memories with him. Saka ka na magpasalamat kapag nagising ka na sa masamang bangungot na nakilala mo sya "
" Fck! Wag mong ituturok sa akin! Fck! Wag lolo... Please wag mong gagawin 'yan! " palag ko mula sa kanya.
" Please? Kailan ka pa nagsimulang gumamit ng salitang please. Mukhang pinagbago ng baklang iyon ang apo ko. Don't worry babalik ka na sa dati " hinawakan nya ako mula sa balikat ko at dahan-dahang tinurok sa akin ang hawak nyang injection.
Unti-unting umiikot ang paningin ko. No Ren. Hindi kita makakalimutan. Hinding.......hindi.....
" Pumikit ka na Cyrax. Bukas na bukas ay babalik ka na muli sa amin. Magiging normal na uli ang pamumumuhay mo without him " rinig ko pang sabi ni Lolo pero napapikit na ako.
Sa huling pagkakataon, nakita ko pa sa pagpikit ko ang nakangiting mukha ni Ren. Don't worry Ren I will never forget you. Never
~
Charaaan! Now you know kung paano nawala ang memory ni Cyrax. How sad naman :( hehehe
READ MY NEW STORY, " HIS ALTERS " MAY PROLOGUE NA SYA KAYA PAKIBASA PLEASE AND COMMENT RIN KAYO PARA ALAM KO KUNG AYOS LANG BA. PLEASE PLEASE PRETTY PLEASE... THANK YOU :D
Enjoy reading :). Vote and comment rin kayo pero hindi naman sapilitan pero mas maganda kung meron para alam ko yung saloobin nyo hehehe. Salmuch sa inyong lahat^______^
✏ junjouHeart