Fight Back V

22.4K 748 35
                                    

Nakakaasar! Kakapasok ko pa lamang sa school ng nag-utos na kaagad si Kumag. Palibhasa alam nya ang schedule ko kaya kapag may breaktime ako, wala syang ginawa kung hindi mag-utos ng mag-utos. Eh ako naman si ganda, sunod ng sunod.

Nga pala, mahigit isang linggo na akong nagiging alila ni Kumag. Sarap na sarap nga eh. Feeling amo talaga sa ugali nya.

Nakarating na ako kaagad sa court which is kung nasaan sya. Nagpabili kasi sya ng sampung mineral bottle sa akin.

" OH! " sabay bigay ko sa kanya na halos sikmuraan ko na. " 100 lahat. Akin na bayad mo " lahad ko sa palad ko.

" Wala akong cash. Checke gusto mo? " mayabang nitong sabi.

Hinampas ko naman sya ng libro kong dala sa ulo nya.

" Checkehin mo mukha mo. Nakakaumay 'yang mukha mo, alam mo 'yon. Makalayas na nga " tinalikuran ko na sya at naglakad na pero nagulat ako ng may bumato ng bote sa ulo ko.

Lumingon ako kay Cyrax na masama ang tingin sa akin. Nilapitan ko sya at sinamaan rin sya ng tingin. Akala ba nya magpapatalo ako sa kanya. Neknek nya.

" Oh baka dito pa kayo mag-away " sabi ni Carlo, isa sa kaibigan nya.

" Tama na 'yan mga bro " pigil ni Jasper.

Pero hindi kami nagpatinag sa isa't-isa. Pinitik nya ang ilong ko kaya inapakan ko sya sa paa. Binatukan nya ako kaya hinampas ko sya sa braso.

" Kinakalaban mo ba talaga ako? " asar nyang sabi.

" Oo. Ano gusto mo suntukan na lang? Payag ako " saad ko sa kanya.

Nagsamaan uli kami ng tingin hanggang sa pumagitna na sa amin si Sheila. Oo, alam na ni Sheila yung about sa contract namin ni Kumag. Naikwento ko na kasi sa kanya. Para incase na may mangyari sa aking masama, walang ibang sisisihin kung hindi si Kumag.

" Mamaya nyo na ituloy yung pag-aaway nyo. May naghahanap sa'yo sa may gate Ren " sabi ni Sheila.

" Sino? " si Cyrax ang nagtanong.

" Pakielam mo ba kung sino ang naghahanap sa akin. " pagtataray ko sa kanya.

" Boyfriend mo daw " dagdag pa ni Sheila.

Natawa ako sa sinabi nya. Ako may boyfriend? Laking Joke 'yon. Pero kung gwapo naman, ayos lang. Instant boyfriend agad.

" Jaehyun ang pangalan " napahinto ako sa pagtawa ko saka sa iniisip ko.

" Jae...jaehyun? " panigurado kong tanong.

" Oo. Jaehyun daw pero mas kilala mo daw sya sa tawag na Jae. " saad pa ni Shiela

Kumabog ng malakas ang puso ko sa narinig ko. Parang noong isang linggo sinabi ko pa sa sarili ko kung paano makita ko sya. Tas eto na nga. Eto na.

" Hoy! Natulala ka dyan. Kilala mo ba sya? " tanong ni Shiela.

" Ah eh... Papasok na pala ako. Sige bye " sabi ko saka nagmadaling lumabas ng court. Syempre sumulip muna ako sa labas para di ako makita ni Jae kung si Jae nga iyon.

Ano na gagawin ko? Anong sasabihin ko sa kanya? Bakit pa sya bumalik?

Haaaay. Ang rami ko pang tanong sa isip ko tungkol sa kanya pero wala akong masagot.

~

Hindi ko talaga sinipot si Jae. Kahit pinipilit ako ni Shiela dahil naaawa sya doon sa lalaki na naghahanap sa akin. Ano magagawa ko eh hindi pa ako handang makita sya. Tsaka bakit pa nya gustong magkita kami. Wala na naman kaming relasyon. Tinuturing ko pa ring relasyon kahit laro lang.

I Can Fight Him Back (BoyXBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon