[049]
Natasha’s POV
“Di pa ba lalabas ang doktor?” kay kuya Jono naman ako tumingin. Kanina pa ako nasa tabi ng pinto ng kwarto ni Peter, mag-iisang oras na. At kanina pa ako tanong ng tanong sa kanila, at alam kung naririndi na sila sa akin pero di lang nila makuhang magalit kasi hindi ko naman kasalanan kung bakit ako atat.
“Umupo ka na lang kaya muna?” nakahalukipkip pa silang nakatingin sa akin.
Sina daddy at tito the Third ay nagtungo sa chapel.
“Natasha!”
“Miss Natasha!”
Tumingin ako sa pinanggalingan ng mga boses. Sina Mhea, Roda, Claire at Jayson.
“Okay na ba siya?” agad na tanong sa akin ni Roda.
Nagkibit ako ng balikat, “hindi ko alam, kanina pa sila diyan sa loob.”
“Oh siya, mag-ayos ka na lang kaya muna, halika dito, girl, make-up’an kita,” hinila niya ako sa isang tabi.
“Wag na, okay na yan,” tinali ko na lang pataas ang buhok ko at pinunasan ang pawis na namumuo sa noo ko. “Di ko na kailangan yan.”
“Wag ka na kumontra---“
“Si dok!” takbo agad ako sa pintuan na nilabasan ng doktor. “Okay na po ba siya? Kumusta po blood pressure niya? Blood count? Tama ba ang bilang ng sugar niya sa katawan? Ano po?”
“He’s fine,” tipid na sagot ni dok sa dinami-rami ng tinanong ko, “pumasok na lang kayo sa loob pero wag niyo siyang biglain---“
Blah blah blah.
Dali-dali akong pumasok sa loob at sumunod na rin sina Kuya at sina Roda.
Ni hindi ko na hinintay pa ang explanations ng doktor.
“Peter!” sigaw ko agad, kamuntik ko na siyang dambain sa kama niya. Nakamulat lang ang mga mata niya habang nakatitig sa kisameng kulay puti. “Okay ka na! Wah!” di ko maipaliwanag ang nararamdaman ko.
Buhay siya!
Hindi siya patay!
At hindi na rin ako manlalalake! Woooh!
“Magsalita ka naman!” pabirong pinalo ko ang braso niya, pasimple ding pinunasan ko ang patak ng luha na kumawala sa mata ko.
“Peter? Anak?” parang nawawalang pumasok ng kwarto sina tito the Third.
Kahit pala lalake, marunong ding umiyak, napatunayan ko na yan. Nakatingin lang ako kay tito the Third at lumipat kay Peter na wala pa ring reaction.
Bumuka ang mga labi niya.
Pati ata kami napapasunod na rin eh.
Hinintay naming magsalita siya.
Ako naman, parang ina na nagtuturo sa kanyang anak ng unang salitang dpaat niyang sabihin.
“Si...” sabi niya, mahina... how I missed his voice!
“Si?” pagtutulak ko sa kanya.
“Si...”
“Peter naman, puro ka ‘si’ eh.” Gusto ko siyang tawanan and at the same time, yakapin siya ng sobrang higpit habang sinasabing wag na uli siyang mawawala sa akin. Kahit na sino pang babae ang iharap niya sa akin basta ba sa akin pa rin siya uuwi gabi-gabi.
“Si... Jessie?”
“Jessie?” tandaan, chorus yan. Nag-chorus kaming lahat.
Sinong Jessie ang pinagsasabi nito?
“Nabakla ka ba nung nacomatose ka?” wala sa sariling nasabi ko. Jessie? Di ba pangalang lalake yun? At wala naman akong maalalang kaibigan ni Palits na ‘Jessie’ ang pangalan.
“Si Jessica...”
“Jessica?!” this time, ako na lang, “walangya ka! Hanggang sa pagkakacomatose mo, nambababae ka pa rin! Sheez!” malakas na hinampas ko ang braso niya.
Wala akong pakialam kung kagigising niya lang o ano, dapat lang sa kanya yun! Biglang binawi ko lahat ng sinabi ko, kahit wag na siyang magharap ng kung sinu-sinong babae sa akin. Akin lang siya, akin lang!
Napasinghap naman siya, “Nutella naman...”
“Nutella ka diyan! Psh! Macomatose ka na lang ulit!” kinuha ko ang unan sa tabi niya at isinapok sa pagmumukha niya bago nag-walk out.
Kaazar ha?!
***
Author: Kumusta naman daw ang dekadang hindi pag-a-update ng story? Sagad ha! :) Dedicated keh @therealJM bilang nagta-tiyaga siya sa kwento ko. *U*
BINABASA MO ANG
Peter's Angel: Nutella Natasha's Travel
Teen Fiction☛ℕℴ ℑℴ ℊℛaℳℳaℛ ℕaℨi☚ Story of Petriatico Macabangbang the Fourth and Nutella Natasha Cademias. EijeiMeyou®