014

334 26 10
                                    

[014]

Natasha’s POV

Nagising ako sa paulit-ulit na katok sa pinto.

“Who’s there?” humikab pa ako. Kakatamad bumangon!

“Peter.”

“Eee. Wrong answer. Try again please,” nabosesan ko si Kuya Jimmy. Umagang-umaga, nanloloko na naman!

Kagabi, hinatid ako ni Peter hanggang sa gate. Napagod ako di dahil sa paglalakad namin kundi dahil sa pagtawa. Twice kong nirequest na panoorin yung Moron 5 sa pagbabaka-sakaling matawa din si Peter if uulitin namin pero mukhang ako lang yata ang naka-gets sa mga jokes nila.

Hatinggabi na rin siguro nung mamalayan kong dumating na sina Kuya Jono at Kuya Jimmy. Lasing pa yata sila eh. Dinig ko din na nag-uusap sila tungkol sa pagpapatayo ni Kuya Jimmy ng isang publishing company. Ganun din si Kuya Jono, gusto rin pala niyang magpatayo ng churvaloo na ewan. Business minded talaga sila gaya ni daddy.

Humikab pa ako. Pwede naman na lang nila gamitin ang mga card nila sa password acceptor ko pero ni minsan ay di nila ginawa iyon. Gagawin na lang daw kasi nila iyon kapag naisipan kong maging normal na mangyayari sa susunod na siglo.

“Try again ka diyan, bumangon ka na nga. Magsisimba pa tayo.”

Ahy oo nga pala. Every Sunday morning ay nagsisimba kami nina Kuya. Kasama namin lagi si daddy pero dahil wala siya ngayon ay kami na lang muna nina kuya.

Dali-dali akong naligo tapos nag-ayos. All green ako ngayon, mula clip na naghahawi sa buhok ko hanggang sa wedge na suot ko---green. Kakaadik. “Ready na---ako...” malakas na papahina. May kausap sa telepono si Kuya Jimmy.

“Oh, siya, titignan ko yan. Payag na si daddy,” binaba na niya ang telepono. “Natasha, di na muna ako sasabay ngayon ha?”

“Baket, aber?” namaywang pa ako, “bigyan mo ako ng tatlong valid na dahilan. Dalawang English, isang tagalog.”

Tinawanan niya ako, “titignan ko yung property na binebenta. Balak kong bilhin eh. Pagtatayuan ng publishing company.” Ginulo pa niya ang buhok ko.

“Naman, kuya, pinaghirapan kong suklayin ang buhok ko ah,” pinalo ko pa ang kamay niya. Mehgaaahhhd! Ang gulo na ng buhok ko na di ko pa nakakatikim ng kahit na anong hair treatment! “Si kuya Jono na lang, kung ganun,” pagtitiisan ko na lang si kuya Jono kahit malakas siyang bumasag ng trip. Ki-niss ko sa pisngi si Kuya Jimmy at sinigurado kong may tunog iyon.

“Yuck, Natasha!”

Tumakbo agad ako sa hagdan. Nakita ko sa garden si kuya Jono, nakataas pa ang mga paa habang nagla-laptop.

“Oy,” pagbati niya sa akin na hindi man lang ako tinitignan.

“Bakit di ka pa nakabihis, kuya?”

“Di ko ba nasabi sa yo kagabi na hindi ako makakasabay? Di ako pwede ngayon, bunso. Ngayon ang simula ng pagpapatayo ng building eh,” kinamot pa niya ang batok niya.

“Wala na akong kasamang magsimba ngayon niyan!”

“Buhat ba namin ang simbahan? Pwede ka namang makapasok doon kahit hindi kami kasama ah.”

See? Ang lakas niyang mambasag. Iningusan ko siya tapos padaog na lumabas ng bahay. Dahil nga sa hindi silala sasama, magco-commute ako.

“Hey, Natasha!”

Nakita ko si Jason sa kabilang panig ng kalsada, “hello! Where’ you goin’?”

Tinawid niya ang space na pagitan namin. “Ah, nowhere. How ‘bout you?”

“Church,” nakangiting sagot ko.

“Can I come?”

“Oh! Sure! Sure!” Sure?! Mauubusan na ako ng english! “Aren’t you gonna go out with Mhea?”

“No. She’s going somewhere and it’s rest day, Sunday,” ngumiti ulit siya, “What are we waiting for?”

“Atat ka? Wala pa ngang jeep oh,” nginitian ko siya. Bahala siya kung hindi niya ako maintindihan. Maghanap siya ng dictionary.

Kumunot yung noo niya na nangingiti pa rin, “what does that mean?”

“I said we’re waiting for the jeep,” tinalikuran ko siya ng bahagya, suminghot at inihawak ang gilid ng hintuturo ko sa ilong. Baka dumudugo na ang ilong ko, di ko lang namamalayan. :3

Hayan! May jeep na! Una akong sumakay tapos tumabi sa akin si Jason. Siksikan kaya dikit na dikit siya sa akin. Hmm, bango! Gaya ni Peter palits! May mga kaedad namin sa jeep at mukhang dabarkads sila, nagbubulungan eh.

“Excuse me, sa simbahan din ba ang pupuntahan niyo?” tanong ko sa kanila ng di pa rin sila tumigil sa pagbubulungan at palihim na tumitingin sa amin.

Isang babae ang pumansin sa akin, “Oo eh, bakit?”

“Wala lang. Sasabihan ko lang sana kayo na lubus-lubusin niyo na yang ginagawa niyo dahil marami-raming kasalanan din ang ipagdarasal niyo mamaya.”

Bumulong sa akin si Jason, “what’s happening?”

Pansin siguro niya na medyo nagngi-ngitngit na ako sa mga atribidang babaeng yun, “they’re just talking how good looking we are,” tahasang sabi ko na di ko man lang nakuhang ibulong kay Jason.

“Hahaha. Is that bad?”

“Nope. It’s good! We are famous, aren’t we?” tumingin ako at ngumiti sa gaawi ng mga babae. Oh, ha, nganga!

Lagot na siguro ako kapag si Peter ang kasama ko. Hihi. Speaking of the angel... hmm... “Jason, si Peter?” konting tagalog lang naman ang ginamit ko, gets naman na siguro niya iyon.

“House. Doing homeworks.”

Ow-kay! Awkward na.

“What’s new between you and Mhea?” pag-oopen ko ng topic. Di bale ng maubusan ako ng dugo wag lang mapanisan ng laway na tine-treasure ko talaga!

“We’re okay,” simpleng sagot niya.

Gwapo na sana eh, tipid nga lang kausap. Tch. “You like her?”

“I don’t think so but I like you.”

Masasamid pa yata ako sa sarili kong laway. Napalunok ako. Tahasan ba naman? At di man lang hininaan ang boses? “...” silence.

“I would love to woo you but I think Peter likes you, too.”

Doon na ako tuluyang naubo.

“Hey, are you okay?”

Hinga ng malalim, “uh. Yes! Just don’t joke again.”

“What joke?”

Mehgassss, help me, oh, Lord!

Peter's Angel: Nutella Natasha's TravelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon