[039]
Natasha’s POV
Kanina ko pa gustong dumuwal dahil nababanas ako sa amoy ng bawang sa sinangag na niluto ni Kuya Jimmy.
“Bakit di mo ginagalaw yang pagkain mo?” tanong ni Kuya Jono tapos dinagdagan pa yung nasa plato ko.
“Akala ko ba dinner? Bakit may sinangag?” napangiwi ako.
“Natasha, yan ang gustung-gusto mo noon di ba? Agahan, tanghalian pati hapunan. What’s the matter?” sabi naman ni Kuya Jimmy.
“W-Wala...” sinubukan kong sumubo ng kahit kunti lang. Tinigil ko na nga ang paghinga para lang malunok yun, mahirap na.
Aisht.
Ang hirap mabuntis.
“Di mo naman nababawasan oh,” parang nagtampo si Daddy.
“Dad, I’m full,” kunwari, busog ako. pero gutom talaga ako. nakakain nga ako ng dalawang Cornetto kanina kasi nagutom ako sa ice cream. Ngayon naman ay gusto ko ng pakwan. Yung kulay yellow na puti ang buto. “Excuse,” sabi ko tapos lumabas ng bahay.
Kailangan ko ng sariwang hangin.
Nag-iisip ako kung paano matatakasan sina Kuya at Daddy. Kung magpunta kaya ako ng States? Doon muna ako maglalagi hangga’t di pa ako nanganganak.
“Nutella!”
“Sh*t.”
Papasok na sana ako ng loob ng abhay pero nahawakan pa ni Peter ang kamay ko na magtutulak pa lang sana sa gate.
“Pwede bang layu-layuan mo ako?” pumiksi ako.
“Yayayain lang sana kitang kumain sa labas.”
“No.”
Tinalikuran ko na siya.
“Why you being so rude?”
Magtatanong na naman.
Ayokong sagutin. Tumigil ako.
“Gusto mo ba talaga akong mawala ako sa buhay mo?”
Yes. Yes and yes.
“Will it make you happy?”
“Yes,” tahasang sabi ko tapos walang lingong-likod na pumasok sa bahay.
“Nutella, it’s alright to cry...”
“Big girls don’t cry.”
Diretso ako sa kwarto ko dati. Malinis pa rin yun dahil laging pinapalinisan nina Daddy, baka sakali daw na bumalik pa ako. pero hindi na yun nangyari, ngayon ko lang ulit ginustong tumapak sa kwartong iyon.
Hindi na rin nagagamit ang verandah. Seven years ago pa huling nabuksan yun.
Pero ngayon, heto ako at hinahawi ang kurtina.
Binubuksan ang pinto palabas dun.
Nilibot ko ang paningin ko... ang dami nang nagbago... lahat ay nagbago na.
Napatingin ako sa kabilang bahay... sabi nina kuya, laging nakabukas ang pintuan sa verandah ni Peter. Psh. As I know, naghihintay lang yun ng sasabihan ng ‘tanga.’ At ako nga iyon.
Nakarinig ako ng pagharurot ng sasakyan.
Sasakyan yun ni Peter.
“Go. That’s good. Umalis ka,” nakasunod ang paningin ko sa sasakyan niya, “umalis ka at wag nang babalik pa. kaya kong buhayin ang bata... mabubuhay kami kahit wala ang kanyang ama... kahit wala ka,” isang patak ng luha ang bumagsak sa kamay ko habang hinahaplos ang sinapupunan ko.
Hinding-hindi niya malalaman.
Dapat hindi niya malaman.
***
Author: Pa-support po ng collab namin ni @Yeppeun. Title po eh “THE DON’T-WANNABE SINGER”. Para sa mga fan ng koreans at para na rin sa HINDI fan ng koreans. Ang character na ginamit namin eh si Kim Chui tapos si DongHae. Yes, pinay tapos Korean. Salamat! Yung external link po, nandiyan. ^_^V
BINABASA MO ANG
Peter's Angel: Nutella Natasha's Travel
Teen Fiction☛ℕℴ ℑℴ ℊℛaℳℳaℛ ℕaℨi☚ Story of Petriatico Macabangbang the Fourth and Nutella Natasha Cademias. EijeiMeyou®