045

312 8 1
                                        

[045]

Natasha’s POV

“Mukha ka ng rape victim...”

“At na-excorcist...”

“Nang sampung kabayo.”

Palipat-lipat lang ang tingin ko kina Roda, Mhea at Claire.

Pinahid ko ang luhang walang sawang umaagos sa pisngi ko. “Nagpunta pa kayo dito kung lalaitin lang pala ninyo ako.”

“Nasabi mo na ba?” hinawakan ni Roda ang kamay kong hindi naka-dextrose.

“Hindi ko pa nasasabi pero malalaman nila...” nang gabing nadisgrasya si Peter ay nawalan ako ng malay. Buti nga’t lalake pa rin si Roda kaya siya ang nakasalo sa akin eh. Ki-nonfine nila ako, inaasikaso naman kaso hindi masyadong kinakausap. Nananantiya lang sila. “Si P-Peter?” hindi ko pa rin kasi nakikita si Peter, tatlong araw na.

Nagtinginan sila.

“Natasha, ano kasi... ahm...”

“Mhea, ano?”

“C-Comatosed siya... at ang sabi ng doktor, baka abutin ng ilang buwan...”

Muli akong naapiyak, “kasalanan ko to eh...”

“Hush, makakasama sa baby,” inalo ako ni Claire. “Kero mo yan, girl, magpaganda ka na lang at malay mo magising si Peter kapag makita kang maganda, di ba?”

“Nag-joke na si Claire, tawa ka na,” sabi naman ni Roda tapos nagkontrahan na naman silang dalawa.

Pumasok sina Kuya Jimmy at Kuya Jono.

“Excuse na muna, girl, balik na lang kami next time,” nagpaalam na sila.

Pag-alis nila ay parang tumahimik ang paligid. Hindi rin ako makatingin ng diretso kina Kuya. Nakagat ko ang ibabang labi ko at kinimkim ang kumot. “K-kuya---“

“Kelan nangyari?”

“Bakit?”

“Paano---“

“Jono, paano ba nabubuo ang bata?”

“Sorry naman---“

“Boys,” pumasok ng kuwarto si Daddy at umupo sa kama ko.

Tumahimik naman sina kuya na kunti na lang ay gigisahin na ako. ni di ko nga maintindihan ang mga tinatanong nila eh.

“Are you alright, sweetie?” tanong ni Daddy.

Naiilang ako. “I’m going to be a mother...”

“Yes, we know. And I’m going to be a grandfather.”

“At magiging tito na kami,” magkasabay pa sina kuya.

“Di po kayo galit, dad?”

“Why should I? Matutupad na ang pangarap namin ni Rico...” nakangiti si Daddy pero may lungkot sa mga mata niya, “too bad... ganun ang nangyari kay Peter.”

“Gagaling naman siya, di ba?”

Umiwas siya ng tingin.

Tumingin ako kina kuya pero nagkanya-kanya sila ng gagawin at bigla ay nagkainteres sila sa puting pader ng kuwarto. Maging sahig nga ay napag-usapan nila.

“Gusto ko siyang makita...”

Kahit na anong pigil ang ginawa nila ay tumayo pa rin ako.

Wala nang nagawa sina kuya kundi kunin ang dextrose.

Gagaling si Peter.

Gagaling siya para sa akin...

Para sa aming anak...

Gagaling siya para sa amin...

At sa oras na gumaling siya, ako ang unang taong makikita niya.

***

Author: I do. Yes, I do.

Peter's Angel: Nutella Natasha's TravelMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon