[030]
-FUTURE; NORMAL TIMELINE-
Natasha’s POV
“Oy, babae, ano bang nangyayari sa iyo? Kanina ka pa balisa,” pinalo pa ni Claire ang kamay ko.
Yes, we’ve been best buddies nina Claire since that incident sa rooftop.
Tinignan ko siya, “ugh, kulang ako sa tulog.”
“Ano bang nangyari?” inulit lang ni Roda ang tanong.
Seven years have passed pero magkakasama pa rin kami nina Roda, Claire at ni Mhea. Ngayon ay nasa coffe shop kami na pag-aari ni Claire.
“Oh, kape,” si-nerve ni Mhea ang kape. Siya ang taga-timpla namin kasi masarap ang timpla niya.
“Ngayon alam ko na kung bakit ka inayawan ni Peter,” pinaikot ni Claire ang mga mata niya.
“Paano naman napasok si Peter sa usapang ito? Ugh, parang ako lang ang na-reject eh ikaw din naman inayawan niya,” iningusan ko siya, “at least ako napalapit sa kanya, eh ikaw? Palibhasa ako, maganda, sexy, at matalino, eh ikaw? Tignan mo nga yang ilalim ng mata mo, nagkaka-wrinkles na, tignan mo tong akin, kahit puyat, maganda pa rin.”
“Aba ang yabang, isang libo yang kape mo ha,” sabi niya sa akin at tinignan ako ng pailalim.
Kung ibang tao lang siguro ang makakarinig sa usapan namin ay iisiping magsasabunutan na kami mamaya pero sa aming magbabarkada, alam na namin na normal lang iyon.
“Ano nga bang nangyari?” ulit naman ni Mhea.
“Isa ka pa eh,” tinuro ko siya. “Putangina, nahuli ko si Joshua, nakikipag-sex sa katrabaho naming si Maddison...”
“Tapos?” sabay-sabay pa sila.
“Anong ‘tapos’?”
“Haler, girl, hinding-hindi ka magse-sentimyentong ganyan kapag walang mas malaking problema... and duh, ilang boyfriends na rin ang napagdaanan mo, mukhang ngayon ka lang nagkaganyan?” puna ni Roda.
Sheez. Hinding-hindi ko sasabihin sa kanila na nagkita kami ni Peter... at sobra pa sa nagkita ang ginawa namin.
“Wala na, yun lang talaga...”
At alam kong kahit sanggol ay hindi maniniwala sa dahilan ko.
***
“Natasha,” salubong sa akin ni Kuya Jono pagpasok ko sa unit ko.
Pinaikot ko ang mga mata ko. Sabi ko naman kay kuya Bino na wag nang sasabihin kay kuya eh, yan tuloy, nandito na si kuya Jono.
“Oh, hi, kuya.”
“Hindi ka umuwi dito kagabi, bakit?”
“Umuwi naman ako kaninang umaga,” pagdadahilan ko.
Tumayo siya at lumapit sa akin, “hmm, bumisita ka daw sa bahay, dumating na si Peter, baka gusto mo raw makita sabi ng tito the Third mo.”
Ahy, yeah, pagkagraduate ng highschool, sa unit na ako tumira ng mag-isa at ang balita ko, lumipad sa states si Peter na lubos na pinagpasalamat ko.
Napalunok ako. “A-ayoko.”
“Bakit, aber? Gusto ka rin daw makita nina Daddy.”
“O-okay.” Si daddy na ang usapan so hindi na ako makakatanggi.
Psh.
“Aalis na ako, basta bukas, aabangan ka namin, alas-diyes dapat nandun ka na, inimbitahan tayo nina Peter para mag-lunch.”
Sheez! Kaya nga ayaw kong pumunta eh!
“Kuya...”
“Hmm?” lumingon siya sa akin, naglalakad na siya papuntang pinto.
“Break na kami ni Joshua.”
Sumilay ang parang nagwaging ngiti niya, “that’s great. May pagkakataon pa para maging kayo ni Peter.”
“Kuya...”
“Hmm?”
Hindi na ako virgin. “Wala.”
“Okay.”
Pagkatapos niyon ay lumabas na siya.
Binagsak ko ang sarili ko sa kama at pinakiramdaman ang sarili ko.
“What to do, Nat... What to do... anong ginawa mo? Bakit mo ginawa yun? Ugh! Natasha... Natasha...” sinabunutan ko pa ang sarili ko.
Bumangon ako at may kinapa sa ilalim ng kama.
Kinuha ko yung paper bag.
Lalabhan ko ba yun o hindi?
Sh*t!
Gusto kong ibato yung palabas ng unit kasi pinapaalala niya lang na minsan naging tanga na naman ako kay Peter.
Huminga ako ng malalim at nagtungo sa salamin.
“Kakayanin mo, Nat... nakaya mo for seven years... kakayanin mo ulit...”
***
Author: AJ, kaya mo rin to... kakayanin mo rin, AJ.
BINABASA MO ANG
Peter's Angel: Nutella Natasha's Travel
Roman pour Adolescents☛ℕℴ ℑℴ ℊℛaℳℳaℛ ℕaℨi☚ Story of Petriatico Macabangbang the Fourth and Nutella Natasha Cademias. EijeiMeyou®
