001

952 59 30
                                    

[001]

Natasha’s POV

Tadyak, suntok at ilang mag-asawang sampal ang pinakawalan ko sa hinayupak na boyfriend kong si Joshua---na ‘ex’ ko na ngayon.

“N-Natasha, calm d-down... r-relax ka lang!” pagpapahinahon sa akin ni Joshua habang di alam kung ano ba dapat ang unang protektahan, ang babaeng katabi ba nya na officemate din namin o ang ‘birdie’ nya na nahihintakutan na rin sa pagiging gerilya ko... “p-please...”

Ilang vase at picture frames na rin ang nagkanda basag basag sa sahig. At ang night lamp naman ang hawak ko ngayon at nakahanda ng dumaiti sa de tiles na flooring, “ah, relax?” Namaywang pa ako sa kanila, “wala akong alam sa pagre-relax! At handa na akong maging reyna ng Muntinlupa mapatay ko lang kayo!” Ibinagsak ko na sa sahig yung night lamp. 1,500 pesos din yun. Hinarap ko si Maddison, ang babaeng kalampungan ng magaling kong ex sa mismong apartment ko, “at ikaw babae! Alam mo na ngang nakatali sakin ang lalakeng yan, nagawa mo pang landiin! Makati ka! Bwisit kayo! Dito pa sa apartment ko kayo gumawa ng bata!”

We’re officemates. Pero mas mataas ako sa kanila kasi kapatid ko ang may-ari ng kompanya, si Kuya Jimmy. And I’ll make sure na wala na silang babalikan pang trabaho. Ipapatalsik ko sila!

“Shit, Joshua. We’re turning 3 years tomorrow dammit.” Pinanggigilan ko naman yung vase na nahagilap ko na agad ko ding binalik, mahal kasi yun at regalo pa ng daddy ko. Tama, 3 years na sana kami bukas kung di lang sya naakit sa ibang ‘bombilya’. Pinagkakatiwala ko na nga sa kanya ang apartment ko kapag wala ako pero trust me, wala pang nangyari samin. Bukas pa sana kung di ko lang sila nahuling gumawa ng ‘himala.’ Sinasabi ko naman ang eksaktong date ng balik ko, ngayon lang hindi kasi gusto ko siyang i-surprise. Binilhan ko pa nga siya ng cake, pero ang cake na iyon ay pinaglalamayan na ngayon ng mga langgam sa sahig.

“N-Natasha, hindi n-naman namin sinasad----------“

“Maddison, dahilan yan ng mga kagaya mo... ninyo... mga walang utak! Lumabas kayo ngayon din!” One vase down na naman, di bale, 350 pesos lang bili ko nun.

Pupulutin sana nila ang mga damit nila na dala siguro ng di mapigilang kalibugan ay hindi na nagawa pang isaayos kaya nagkalat na lamang sa sahig pero... “sinong nagsabing magsusuot kayo ng damit aber?” Inunahan ko silang magpulot ng damit at inihagis ko yun sa labas ng bintana, great. Nasa 4th floor ang apartment ko.  “Magka-AIDS sana kayo!”

“P-pero paano kami makakalabas?” nanlalaki na talaga ang mga mata nila.

Ngumisi ako sa kanila, “yang bedsheet, tutal ginamit naman na ninyo sa kalaswaan niyo, balato ko na sa inyo yan. Tss! Ginaw niyo pang makasalanan tong apartment ko! Alissssss! Putragis, Joshua! Puputulin ko talaga yang pinagmamalaki mong ‘alaga’!” nilabas ko pa yung pocket knife na laging nasa bulsa ko.

Nag-agawan pa sila sa maiksing bedsheet, “Akin to!”

“Akin yan! Ako ang babae!”

Parang gusto ko silang tawanan pero mas nangingibabaw kasi ang galit ko sa kanilang dalawa. “Layas!” di ko talaga sila tinantanan hanggang sa makababakami, ni di ko na nga sila pinagamit ng elevator kasi gusto kong makita din ng iba ang ‘entertainment show’ ngayon. “Palibhasa minimum wage lang kayo kaya wala kayong pangmotel! Hala at ng makita din nila ang ginawa nyo! Dali!” pag-ngangawa ko pa.

“Oh, maam Natasha, bakit po?” Tanong ni mang Bino, ang guard sa apartment.

“Yang mga yan,” tinuro ko sina Joshua at Maddison na naghihintay ng taxi, napapalibutan na rin sila ng mga tao, gumagabi na kasi kaya marami ng pauwi, “tandaan mong mabuti ang mga pagmumukha nila ha! Pag nakita mo ulit, pagbabarilin mo na at nag mamatay na ang mga walang modong yan!” Nakasakay na sila sa taxi, buti at may tumigil pa sa harap nila, “at kayo, tapos na nag live show! Ano pang tinutunganga nyo jan? Gusto nyo kayo ang isunod ko?! Ha?!” pinamaywangan ko pa ang mga ususerang nandoon. “Ngayon lang yata kayo nakakkita ng artista eh!”

Peter's Angel: Nutella Natasha's TravelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon