012

411 23 6
                                    

[012]

Natasha’s POV

*Inat over here*

*Inat over there*

Hay! Sabado ngayon. Walang magagawa. Wala pa naman ang mga kasama ko sa bahay. Sasama sana ako sa outing nina kuya Jono at Kuya Jimmy ang kaso, nakakahiya naman kasi puro sila lalake. Namalengke na rin siguro si Ate Jem.

“Good morning, my loves so sweet!” kausap ko sa picture ni Peter na dinikit ko lang sa tabi ng picture ko. “Kitams? Bagay talaga tayo. Hihi.”

Gulu-gulo pa ang buhok ko ng bumaba ako ng bahay.

Na-freeze ang pag-iinat ko ng makarinig ako ng inagy mula sa kusina. “Ate Jem?” tawag ko. Walang sumagot. Holo! Sino kaya yun?? Muling may parang bumagsak na kung ano sa sahig mula sa kusina. Nahagilap ko yung walis tambo mula sa likod ng hagdan namin. Mahirap na, baka may magnanakaw. Pero bakit sa kusina? “Magluluto ba ng pagkain yung magnanakaw?” napatanga pa ako sa sarili ko.

Tinaas ko yung walis tambo bago pumasok sa kusina, “aaahhhhhhhhh!!!!” pinalo-palo ko yung lalake kahawig ni Peter-----------------shit! Kahawig ni Peter! (O_o)

“Aw, hell! Stop that!”

At kaboses ni Peter!

Tinigil ko ang pagpalo. Oh my, shemay siomai momay!

Si Peter!

“What do you think you’re doing!?”

Napapikit pa ako at medyo napaatras, “mahiya ka naman, nagshower ka pa sa kin,” nagface palm ako, “eh ano bang ginagawa mo dito? At ano yan-----nagluto ka Peter? Bakit?”

Ngayon ko lang napansin na naka-apron pala si Peter at may mga nakahanda ng pagkain sa mesa.

“Oo nagluto ako at kakaiba ang paraan mo ng pagsasabi ng ‘thank you.’ Psh.” Tinanggal na nya ang apron, “maghilamos ka muna bago ka humarap dito.”

“Owww-kay!” ngingiti ngiting pumasok ako sa CR. Anyare?

Paglabas ko ay nakaupo na si Peter sa harap ng mesa. “Join me.”

Humarap na ako kay Peter. Matikman nga ang niluto ng pinakamamahal kong si Peter. Haay... mahal? M-mahal? *lunok-lunok*

“Wow---“

“Pray first.”

Umingos ako at binawi ang kamay ko na aabot na sana sa sandok. “Yun naman talaga ang gagawin ko eh, naunahan mo lang ako.” Nag-sign of the cross ako, “in the name of the Father, and of the Son and of the Holy spirit, amen.” Taimtim pa akong nagdasal na sana ay mabait si Peter ngayon, “oh yan! Tapos na!”

Agad kong sinunggaban yung sinangag. Aba, ngayon lang ako pinagluto ni Peter kaya lulubus-lubusin ko na! Mwahaha!

“Dahan-dahan lang naman.”

Tinignan ko si Peter habang nakasubo pa rin ang kutsara sa bibig ko, ngumiti ako at tinanggal ko yun, lumunok muna ako bago nagsalita, “the best ka palang magluto. Lupet!” Kumain ulit ako.

Habang ako’y parang patay-gutom sa pagkain, si Peter naman ay parang prinsipe sa pagsubo. Very modest. Very keen. Very neat. Siya, siya, very na kung very.

“We’ll be having our test on Monday. Have you reviewed?”

“Yung keh Rizal? Sows. Tiba-tiba na ako dun noh. Close kaya kami nun noon. Kalaro ko lang siya ng Chinese garter noon eh, ikaw ba?” tinaas baba ko pa yung kilay ko.

Peter's Angel: Nutella Natasha's TravelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon