[017]
Peter’s POV
Nasaan na ba yang babaeng yan? Sinabi ko na nga kahapon na sabay kaming papasok sa school eh. Kanina pa ako naghihintay sa labas ng gate nila pero ni anino ni Nutella ay wala pa rin! 7:45 na.
“Peter!”
“Jason,” nginitian ko lang ng tipid si Jason, nakakotse pa siya, kasabay si Mhea papasok sa eskwelahan. Sinundo pa yata niya ang babae sa bahay nila, siyempre, dapat lang na magkasama sila kasi nga sinabihan ko si Mhea na siya na ang bahala kay Jason.
I don’t want Jason around while I’m with Nutella. Nasisira ang diskarte ko.
“Aray!” tumama sa likod ko yung bumukas na gate. Nalaglag pa yata ang baga ko dun, ang lakas eh!
Nakita ko si Nutella na parang nagtataka, “nangyari sa yo?”
“Napagtripan ko lang um-‘aray’ kasi di naman ako tinamaan ng gate niyong bumukas.”
(-_-)
Ang tanga talaga. Stupid.
“Ahh, ganun ba? Sige, tara na, hayaan mo na yung gate, di naman siguro niya sinasadya.”
Psh! Ang slow niya!
“Akin na yang bag mo,” sabi ko sa kanya nung naglalakad na kami.
Pinagtaasan niya ako ng kilay.
***
Natasha’s POV
Taas na taas talaga ang kilay ko at feeling ko ay di na yun bababa.
“Bakit naman? Makikita mo yung baon kong napkin.”
Nakita kong napangiwi pa siya. Wahaha.
“Hindi ako maghahalughog diyan sa bag mo, ako na ang magbubuhat, okay na?” at binigyan niya ako ng okay-ka-lang-hindi-ako-nagbibiro look.
“Sabi mo eh,” at iniabot ko sa kanya ang shoulder bag ko. Oo! Shoulder bag na kulay pink na may ribbon pa sa gilid.
Mukha tuloy shuding-ding si Peter.
Kung alam lang niya kung gaano siya nakakatawa sa ayos niya ngayon, mwahaha.
“Pfft...” may nakatakas na tunog sa pagpipigil ko ng tawa.
“What’s funny?” nilingon niya ako. Nauuna kasi siyang naglalakad kesa sa akin. Ang lalaki naman kasi ng mga hakbang niya eh di ko masabayan.
“Akin na nga rin yang bag mo,” sabi ko sa kanya. Para mukhang nagpalit lang.
Binigay naman niya, “shet lang ah, ang bigat.”
Pakiramdam ko, makakalas na ang mga buto ko sa likod. “Kaya mo yan, para lumaki ka pa.”
“Buset ka, Palits. Ilang semento ba ang inilagay mo dito sa bag mo? Shete. Para tuloy akong nagha-hiking nito!”
“Trying hard ka pa kasi, bansot, akin na nga.”
Di na ako nakipag-away sa kanya, binigay ko na lang. Ang bigat talaga. Para talaga akong ang-hiking kasi halos ma-kuba na ako sa paglalakad.
Aisht.
Nakarating na kami sa MH. Kinuha ko na yung bag ko kay palits kasi pinagtitinginan na siya ng mga babae dun, isipin pa nilang bumigay na si Peter eh hindi naman.
“Cademias, late,” announcement agad ng bruhitang si Claire pagpasok namin sa room, “fine of php. 150 pesos.”
“Grabe! Ang laki naman yata?!” aba eh multa na yun ng taong na-late ng tatlong araw ah?!
Naglakad palapit sa akin si Claire na poise na poise pa, “aangal ka? Eh ako ang naniningil eh.”
“Bruha ka! Sabay kaya kami ni Peter kaya singilin mo rin siya.” Unfair talaga ng babaeng bisugong to!
“Eh ako nga ang naniningil kaya bakit ka angal ng angal?”
Nilapitan ko si Peter, “Peter, oh, si Claire,” hinila ko manggas ng uniform niya.
“Sumbungera!” at nagmartsa na paalis si Claire.
“Hah! Takot din naman kay Peter!”
“Eherm.”
Tinignan ko si Peter na tumikhim sa akin.
“Ahy, sorry, hihihi,” nakalambitin pa pala ako sa manggas ng suot niyang uniform. Inayos ko pa iyon ng bitawan ko na.
“Maupo ka na nga.”
“Opo, sir.”
“Sa susunod, wag mo na lang papatulan si Claire.”
“Opo, sir.”
“Will you stop that?”
“Opo, sir!”
“Psh.”
Lakas ko talaga mambadtrip.
Nagse-cellphone si Peter, ang boring. Wala pa ang teacher namin. Kabagot naman!
“Peter palits. Oy...” sinipa ko pa ang upuan niya.
Tinignan niya ako, “ano ba?”
Sungit naman agad. “Ang kulay ng damit kumukupas. Ang pako, naliliko. Ang tao, naliliko---“
“Eh anong pakealam ko sa pako at damit na iyan?”
“Kasi ang pag-ibig ko sa yo ay kailanman di kukupas... ang pagmamahal ko sayo kailanma’y di liliko--- charing!”
Tatawa na sana ako pero bigla na lang siya umubo tapos nilayasan niya ako. Masyado bang corny ang banat ko? Okay naman ah!
Sinundan ko siya sa labas.
“Hoy! Okay ka lang?”
Ubo pa rin siya ng ubo. Parang lalabas na tuloy ang baga niya eh!
“Wala akong tubig eh! Magtiis ka na lang na maubo diyan, mawawala din yan!” hinaplos ko ang likod niya.
“Ehem. I smell love in the air...”
Paglingon ko ay nakita ko sina Roda, Mhea at Jason na nakamasid sa amin.
(“O_o) Ano daw? Parang hinaplos lang naman ang likod ah. “Kayo ha, nakita na ngang mamatay yung tao---ahehe---inuubo lang pala.”
Inismiran ako ni Roda. “Kdot, sister.”
“Take care of him,” *wink* si Jayson tapos pumasok na sila sa loob ng room.
“Hep hep hep, anong ginagawa ni Mhea dito? Di ba section C siya?” kasama kasing papasok sa room si Mhea. Eh section C naman talaga siya.
Ngumiti na parang nahihiya si Mhea, “bilang tagabantay po ni Jason, dito na rin ako.”
“That’s great yeah!” sabi naman ni Jason.
***
Author: So busy sa school. Kakaiyak magbigay ng long exams ang mga professor namin! I will rush the story so forgive me if the update is not enough. :3
BINABASA MO ANG
Peter's Angel: Nutella Natasha's Travel
Novela Juvenil☛ℕℴ ℑℴ ℊℛaℳℳaℛ ℕaℨi☚ Story of Petriatico Macabangbang the Fourth and Nutella Natasha Cademias. EijeiMeyou®
