[026]
Natasha’s POV
Six days passed so fast.
Oh--- my--- gosh!
Mamayang gabi na ang ball! And yeah, di ako niyaya ni Peter. Saklap!
Pero kahit na! Magpapaganda pa rin ako tutal wala namang pasok ngayon kasi binigyan kami ng time para mag-ayos... dapat matalbugan ko sila!
“Nat,” kumatok ang isa kong kuya sa pinto ko.
Binuksan ko yun habang hawak-hawak sa magkabilang kamay ang dalawang gown na pinagpipilian kong isuot, “which is which?” tanong ko. Si kuya Jimmy pala.
“The blue one,” tinuro pa niya yung nasa kaliwang kamay ko.
“Okay, sa peach ako.”
“Nagtanong ka pa, oh siya, bumaba ka na, nandiyan na sa ibaba ang make-up artist.”
Umalis na siya. Binato ko sa ibabaw ng kama yung blue gown, yung peach ang isusuot ko. Wala akong tiwala sa taste nina kuya maging si daddy kaya yung kabaliktaran ang pinipili ko. Wahaha!
Pagbaba ko ay nakita ko na yung ababeng make up artist na tinawagan ko pa kagabi.
“Ikaw pala ang aayusan ko, no need na, maganda ka na eh.”
“Ahy bolera! Haha, thank you po,” nginitian ko siya bago umupo sa stool.
Habang mine-make-up’an ako ay napapaisip ako. Bakit kaya hindi ako niyaya ni Peter? Hmm, di ko pa mandin siya nakita kaninang umaga sa verandah.
“Oh, wag mong lukutin yang mukha mo,” sabi nung nag-me-make up sa akin.
Yan tuloy, hindi ko na napansin na lukot na pala ang mukha ko.
Ugh, back to the topic.
Kami na ba ni Peter?
Ilang beses na siyang naka-score sa akin eh.
Alangan namang ako pa ang magtanong nuh? Nakakahiya. Kahit papaano, kasangga pa naman ako ni Maria Calra.
“Yan, ngumiti ka kasi,” sabi na naman ng make-up artist.
Ano ba yan, control your emotions, Natasha.
Brr!
“Miss, maganda ba ako?” wala sa sariling natanong ko at minulat ko pa ang isang mata ko.
Mula sa salamin na nasa harapan ko ay nag-re-reflect ang hagdang kung saan naroon sina kuya Jono at kuya Jimmy na sumesenyas ng ‘hindi-hindi’ sa make up artist.
Mga loko-loko talaga eh.
“Mga kuya kasi ee!” maktol ko at medyo napadabog pa.
Natawa naman ang make-up artist at isa-isang nagpulasan sina Kuya. Magkakarun din ako ng time na makaganti sa mga kalokohan nila.
“Oo naman.”
“Eh bakit walang nag-aya sa akin sa ball ngayon?” nanghaba pa ang nguso ko.
“Shh, malay mo surprise.”
“Ah,” at dahil dun, nabuhayan ako ng hasang.
Malay ko ba anman kasi kung isu-surprise ako ni Peter! Ayie! <3 I can’t wait.
***
Peter’s POV
“Pwede ka pa namang dumalo sa ball ah? Your flight is 10 pm,” sabi ko kay Jason habang nakasandal ako sa gilid ng pintuan niya.
Nag-aayos na siya ng mga gamit na dadalhin niya.
“If I’ll come, Natasha won’t be able to decide whom of us is she going to choose as her partner, bro,” liningon niya ako.
Nagkibit-balikat ako.
“I never asked her.”
“Why? You don’t like her?”
“Like?” like pa ba yun? “I don’t know.”
“Ah, bro, your pride will kill you, trust me.”
Ti-nap pa niya ang balikat ko bago lumabas ng kwarto niya at nagtungo sa ibaba.
Naiwan tuloy akong nakatunganga dun. At paano naman kaya ako mapapatay ng pride ko?
Ah, ewan. Makapunta na nga sa kwarto at makapaghanda na rin, mamayang gabi na yung ball at hindi pa ako nakakapag-ayos. Half of me is excited and the other half is not.
So, dapat bang niyaya ko pa si Natasha? Hindi ba dapat, action speaks louder than words?
***
Author: Kunti na lang *evil laugh*
BINABASA MO ANG
Peter's Angel: Nutella Natasha's Travel
Ficção Adolescente☛ℕℴ ℑℴ ℊℛaℳℳaℛ ℕaℨi☚ Story of Petriatico Macabangbang the Fourth and Nutella Natasha Cademias. EijeiMeyou®